2

13 0 0
                                    

Speaking of the devil. Humarap naman ako sa kanya.

"Ha! Ang lakas ng hangin grabe muntik na akong liparin. Ako may gusto sayo puhleeassee don't me" sa sobrang inis ko hinila ko na si Naomi at ang kambal para umalis.

Si Duane ang kaibigan ng Kuya ko. Simula pagkabata mag kakilala na kami dahil magkaibigan din si Mama at ang Mama niya. Ewan ko ba pero simula pagkabata lagi na lang kami nagbabangayan pag nakikita namin ang isa't isa.

Naglibot-libot muna kami bago namin maisipan na pumunta sa room namin.

Habang naglalakad kami papunta sa room namin kinakabahan ako dahil magiging kaklase ko si Renzo.

Minamalas ka nga naman nakita ko pa si Duane sa harap ng classroom namin.

"Bakit ka nandito?" Mataray kong tanong.

"Kasi dito ako nag aaral" pilosopong sagot niya.

"Kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap. Ang ibig kong sabihin bakit nandito ka sa harap ng section-B eh wala ka naman sa list ah" sabi ko.

"Wala nga. Bakit bawal ba dumaan dito? Isa pa magkaharap lang naman room natin" sabay turo niya sa room nila.

AHA! sabi na! Nasa Section-D siya. Paano ba naman hindi siya mapupunta sa lower section eh halos araw araw ata nasa Detention room siya at palagi pang naga cutting.

"Oy tol classmates ulit tayo!" sabi ng bagong dating na lalaki. Naku isa pa to'h suki din siya ng detention room.

"Hi Naomi" bati ni Tristan

"H-hi tr-tristan" bati ni Naomi, namumula na naman siya.

May gusto kasi siya kay Tristan, ewan ko ba bakit sa dinami daming lalaki na matino dito eh sa playboy pa siya nag kagusto.

"Hi Xandra na miss kita. Pero alam kong may mas naka miss sayo" sabi niya.

"Naku tigilan mo ako Tristan ah!" tinarayan ko naman siya.

Si Tristan best friend din nila Duane at Kuya simula pagkabata kaya close din kami niyan.

"Susuduin kita sa room niyo para sabay na tayo mag lunch" narinig ko ang boses ni Renzo.

Nakita ko siya kasama si Alicia. Section-A ata si Alicia matalino kasi. Magkatabi pa naman ang section-A at section-B.

"Sige, Love you baby!" sagot naman ni Alicia.

At dito pa talaga sila mag lalandian at ano daw baby? or baby damulag? Yuckk ewwss!!

"Naiinggit ka ba sa kanila?" Napatingin naman ako kay Duane dahil sa sinabi niya.

"Ako naiinggit puhleaaasse don't me" inirapan ko siya.

"Aminin mo na lang kasi na may gusto ka sakin, papayag naman akong mag paligaw sayo eh" sabay kindat niya.

"Ang lakas din talaga ng tama mo eh, Hindi ako naiinggit. Isa pa puhleeassee don't me wala akong gusto sayo." Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko. "Pumasok na nga tayo bago pa ako makapanakit ng tao dito!" sabi ko at pumasok na kami.

Pumasok na rin yung dalawa habang tumatawa. Maya maya pumasok na rin si Renzo at nagkatinginan kami, umiwas agad ako ng tingin.

"Girl hindi ko knows kung kikiligin ako sa inyo ni Duane or masasaktan for you about kay Renzo at Alicia" bulong ni Clyde.

"Bakit ka naman kikiligin samin ni Duane? At masasaktan?" Nagtatakang tanong ko.

"Haller! Para kayong mag asawa ni Duane pag nag aaway" sabi niya.

"Puhleeaasssee don't me Clyde si Duane? No way in the high way" sabay irap ko.

"Ang gwapo kaya ni Duane tapos pa no way no way ka lang?" Sabay irap niya din.

"Tama si Clyde nasasaktan kami para sayo. Hindi ba mahirap para sayo na iisang room lang kayo ni Renzo tapos nakita mo pa yung ginawa niya kanina"sabi naman ni Naomi.

Tumango naman si Chloe parang sinasabi na sumasang ayon siya sa dalawa.

Sa totoo lang muntik na akong maiyak kanina buti na lang na distract ako ni Duane, mahirap din makasama siya sa iisang room, pero yun lang ang paraan para maipakita ko na naka move on na ako.

"Ano ba kayo crush ko lang naman siya, isa pa hindi naman mahirap dahil wala na akong nararamdaman sa kanya" sabi ko.

Nagkibit balikat lang ang tatlo.

Dumating na rin yung teacher namin. As usual mag papakilala lang naman. Pagkatapos ni Naomi ako na ang sumunod.

"Hi my name is Luna Alexandra but you can call me Xandra" nakangiting sabi ko.

"Mas maganda Alex ang itawag sayo" sigaw naman ni Duane sa kabila. At nagtawanan naman mga kaklase niya.

Si Duane lang ang tumatawag sakin na Alex dahil yun ang kinaiinisan ko, panglalaki kasi pakinggan.

Nakakahiya siya. Hindi ko na lang siya pinansin umupo na lang ako sa upuan ko, nasa may bintana kasi kami at ang malas ko kasi nasa bintana din sila Duane.

Mabilis lang naman natapos dahil first day palang naman. At last dumating na rin ang favorite subject ko, recess!! Pumunta na kami sa canteen at nag order na yung dalawang kambal at naghanap naman kami ng mauupuan ni Naomi.

"Grabe first day palang pero parang na i-istress na ako"

"Alam mo wag mo kasing isipin yung nag papastress sayo dahil lalo ka lang maiistress" sabi ko.

Dumating na rin ang dalawa at nag simula na kaming kumain.

Maya maya may naramdaman akong tumabi sakin pag lingon ko nakita ko si Duane kumukuha ng pag kain ko.

"Ho! Patay gutom! Bakit mo kinukuha ang pagkain ko? Bumili ka ng sayo!" sabay agaw ko sa kanya ng fries.

"Ang damot mo naman, ganyan ka ba mag pakita ng pagmamahal" sabi niya at nag pout siya.

Ang cute niya. Teka siya cute??Ako ang cute, mukha siyang DUCK

"Pagdadamot pala sa pagkain magpakita ng pagmamahal si Xandra" pang aasar ni Tristan

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Tristan nang may naisip akong kalokohan.

"Gusto mo ba talaga ng pagkain ko?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman siya.

"Gusto mo din ba subuan pa kita" mukhang nagulat siya pero ngumiti din agad at tumango ulit.

Rinig ko pa ang tilian ng mga kasama ko. Lalo na ni Clyde na hinihila na yung damit ni Chloe sa sobrang kilig ata.

"Say Aaaa" at ang uto uto ngumanga naman. Pag kanganga niya sinubo ko agad lahat ng fries sa kanya. Grabe ang sama ko sa part na yun.

"Pfft tara dali retreat" pinipigilan kong tumawa pero humagalpak na sa tawa yung apat.

Binilisan ko na ang paglakad papalayo sa kanya dahil malilintikan ako sa kanya.

"ALEX!! HUMANDA KA SAKIN" sigaw niya.

Nilingon ko siya at binelatan. Maglalakad na sana ako ng may nakabanggan ako pagtingin ko nakita ko Renzo...... At kasama pala si Alicia.

Malamang si Alicia ang kasama, alangan naman ako.

"Sorry hindi ko sinasadya" nahihiyang sabi ko.

"Ayos lang, mag ingat ka na lang sa susunod para hindi ka ma bunggo" sabi niya.

Tumango naman ako. Nginitian naman ako ni Alicia bago sila umalis.

"Omg girl! Ayos ka lang?" Tanong naman ni Clyde.

"A-ah oo naman, tara na baka habulin pa tayo ni Duane" sabi ko.

"Sigurado ka ba Xandra" tanong ni Naomi.

"Ang sakit" tinignan naman nila akong ng may pag alala. "Ang sakit na ng pantog ko naiihi na ako" hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko kaya tumakbo na ako sa cr.

"Sira ulo ka Xandra!" rinig kong sigaw ni Chloe.

My InfinityWhere stories live. Discover now