15

3 0 0
                                    

Malapit na yung intrams namin kaya may mga decorations na yung school namin. At mamaya may meeting daw kami para sa music club, si Clyde ang president namin.

Naisipan kong pumunta ulit sa room ng music club nagbabakasakali na makita ko ulit si mystery guy. Hindi nga ako nag kamali. Tumutugtog ulit siya suot parin yung jacket. Yung favorite song ko ulit. Hindi muna ako pumasok at binuksan ko lang ng konti yung pinto.

We'll, I won't give up on us
God knows I'm tough he knows
We've got a lot to learn
God knows we're worth it"

"I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up"

Bawat bigkas niya ng mga salita galing sa puso niya, iniaalay niya talaga ito sa isang tao. Sheteng palaka nakaka inlove, Ang swerte ng kinakantahan niya.

Tapos na siyang tumugtog at tumayo na para umalis akala ko dito siya lalabas kaya inabangan ko siya rito pero sa unahan ulit siya lumabas.
Bakit ba kung kailan gusto ko siyang lapitan saka naman ako hindi makakilos. Hindi ko man lang nakilala kung sino siya.

Napatalon ako sa gulat nang mag ring yung cellphone ko.

"Ay palaka!" Sinara ko na yung pinto. Kinuha ko yung cellphone ko at si Clyde ang tumatawag. Umalis na ako para makausap siya.

"Hoy teh san na u? Here na us" sabi niya.

"Naglalakad na ako pabalik sa room" sabi ko.

"Ay bilisan mo na at baka ma late kapa" bigla naman siyang tumili.

"Clyde bakit?" Tanong ko.

"Eh kasi ba naman ang gwapo ng tatlo oh" alam ko na kung sino tinutukoy niya. Mas lumakas ang tilian nila at naputol ang tawag.

Napailing na lang ako dahil sigurado ako nakisalamuha na naman yun sa mga babaeng tumitili.

"Xandra!" May tumawag sakin.

Nasa corridor ako at walang masyadong tao. Kinakabahan ako baka totoo yung multo daw na pagala gala dito. Tumigil ako at pumikit.

Kung sino ka mang multo ka wag muna ngayon. Hindi pa ako nakakaganti kay kuya at hindi ko pa nauupakan si Duane. Biglang may humawak sakin.

"Layuan mo ako multo ka" sabi ko at nakapikit pa rin. Tumawa siya at kinurot ang ilong ko. Binuksan ko yung mata ko.

"Renzo?"

"Mukha na ba akong multo ngayon?" Natatawa niyang tanong.

"Sorry akala ko talaga may multo" sabi ko at yumuko dahil sa kahihiyan.

"Ang aga naman para magkaroon ng multo"

"Hindi mo ba alam na kahit sa umaga daw may nagpapakita na multo, lalo na daw kung mag isa ka lang" sabi ko.

Nakita ko siyang nagulat, may naisip naman akong kalokohan.

"Alam mo bang may namatay na babae dito mismo sa corridor na'to, nagpakamatay daw siya" nakita kong lumaki yung mata niya.

Hahaha natakot ko na siya.

"Ang alam ko hindi siya nagpakamatay" tumingin ako sa kanya. "Ang alam ko pinatay siya"

What? So totoong may multo nga dito?

"R-Renzo totoo ba yan kasi yung sakin joke joke lang" sabi ko at hinawakan yung braso niya at nagpalinga linga.

Natawa naman siya at tinignan ko siya ng nagtataka.

"Ikaw din pala ang matatakot eh" natatawang sabi niya.

My InfinityWhere stories live. Discover now