Nananaginip ba ako?

Si Renzo ang huminto sa harap ko. Puhleeassee don't me baka may tao sa likod ko kaya siya huminto. Tama, tama baka nandito si Alicia. Tumingin ako sa likod ko pero wala naman tapos tumingin ako sa left and right ko wala naman, at ako lang tao dito ah.

"Pfft anong ginagawa mo?" Sheteng palaka ako ba kausap niya? Tinuro ko sarili ko. Syempre mahirap na baka may third eye siya diba edi naging assuming pa ako.

"Oo ikaw. Isasabay na kita, pareho lang naman tayo ng subdivision eh" sabi niya.

"Hindi mo ba ihahatid si Alicia?" Tanong ko. Siyempre baka kasi ihahatid niya pa tapos magiging third wheel ako puhleeassee don't me. No thanks na lang.

"Yung driver niya ang naghahatid sa kanya eh" sabi niya.

"Okay. Mapilit ka eh" gwassshhh sinabi ko ba yun? Kailan niya ba ako pinilit? Nakakahiya.

"Hahahah oo nga eh MAPILIT kasi ako" diniinan niya pa talaga eh.. nginitian ko na lang siya at pumasok na lang.

Ang AWKWARD talaga.

"So"

"Ano"

Sabay na sabi namin. Sheteng palaka talaga.

"So kumusta? hindi na tayo nakakapag usap kahit nasa iisang room lang tayo" sabi niya.

Puhleeassee don't me ikaw lang naman ang umiiwas eh. Gusto ko sana sabihin yan kaso wag na pala.

"Oo nga ehh hehehe" awkward na sabi ko goodness gracious wala ako masabi. Wala na ulit nag salita sa amin.

So yun na yun? Wala na ba siyang ibang sasabihin. Wala man lang bang Hi Xandra it's me Renzo ang crush mo na mapanakit.

Buti na lang nakarating din kami sa harap ng bahay namin.

"Uhm salamat" sabi ko.

"Welcome. Sige alis na ako"

"Ingat" sabi ko at hinintay siyang makaalis. Nang makaalis siya dumeretso na ako sa kwarto ko.

Maaga pa naman para matulog kaya ang ginawa ko ay binuksan ko yung kabinet kung saan nakalagay yung mga importanteng gamit ko.. pero may nakita ako na dapat ko ng kinalimutan. Nakita ko kasi yung snow globe, regalo kasi sakin ni Renzo yun nung hindi niya pa alam na crush ko siya. Grade 6 kami nung binigay niya yung snow globe.

*Flashback*

"Xandra may ibibigay ako sayo" sabi ni Renzo. Nakita kong may tinatago siya sa likod niya.

"Ano ba yan?" Tanong ko.

"Pikit ka muna para ipakita ko sayo ito" baliw na ba siya paano ko makikita kung nakapikit ako.

"Ginagawa mo naman akong uto uto eh, hindi ko naman yan makikita kung nakapikit ako" sabi ko at natawa naman siya.

"Mag bibilang ako ng tatlo, pagbilang ko ng tatlo bubuksan mo na yung mata mo gets mo na ba?" Tumango naman ako. Okay gets ko na hehehhe.

Nagbilang na siya ng tatlo at pagkabilang niya ng tatlo binuksan ko agad yung mga mata ko pagtingin ko may hawak siyang snow globe. Tapos sa loob nun may dalawang dolphin na color blue na parang naghahabulan.

"Waaaaahhh Renzo sakin ba talaga yan?? Ang ganda!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa tuwa. Mahilig kasi ako sa mga snow globe.

"Hahahah oo sayo toh, ano nagustuhan mo ba?" Binigay niya sakin yun at niyakap ko siya.

"Thank you Renzo sobrang nagustuhan ko talaga ito" nakangiting sabi ko at niyakap niya ako pabalik.

*End of flashback*

Sobrang close pa talaga namin dati. What if hindi ako umamin sa kanya na crush ko siya kaibigan pa rin ba ang turing niya sakin? Goshhh ang babaw naman niya. Umamin lang ang isang tao na may crush siya sayo iiwasan mo na? Natigil lang ako sa pag iisip ng may tumawag sakin.

"Xandra nanjan kana ba?" Tanong ni kuya kaya binalik ko agad yung snow globe at nilock ang kabinet. Lumabas agad ako baka mabeast mode ang bakulaw.

"Oh bakit naman kuya?" Nakapamewang na tanong ko.

"Maaga pala kayo nadismissed bakit hindi ka man lang nag text or tumawag?" Nakapamewang din niyang tanong. Gaya gaya talaga.

"Nalowbat ako" totoo naman kasi na nalowbat ako kaya hindi ako nakapag text. "Isa pa sinabihan ka naman siguro ni Naomi na nauna na ako diba?"

"Oo nga, teka paano ka ba nakauwi eh diba takot kang mag commute, at kung nag co-commute ka man lagi kang may dalang asin at tinidor, may pasok ngayon so it means hindi ka nag dala ng asin at tinidor?"

Oo takot ako mag commute lalo na kung mag isa lang ako dahil malay mo may mga bad guys kana pala na katabi. Kung maga commute ako ng mag isa lagi ako nag dadala ng asin at tinidor. Dahil ang asin maalat diba, pag binuhusan mo ng asin yung mata hahapdi diba? Ang tinidor naman pang tusok sa mga taong may masamang balak sayo. Oh diba ang galing ko.

"Sinabay kasi ako ni Renzo kaya yun" sabi ko na parang wala lang. "Wag kang mag isip ng kung ano ano" inunahan ko na agad siya.

"Hahaha wala naman akong iniisip ah anyway tumawag si mama sabi niya baka next week na dadating si Yaya Nena"

"Yey!! Matutulog na ako kuya at kumain na rin ako kanina sa labas" sabi ko at umakyat na.

Yey uuwi na si Yaya Nena. Siya kasi yung kasama namin ni kuya pag wala si Mama. Umuwi lang siya sa probinsiya niya kasi nanganak na yung bunso niya kaya siya umuwi dun. Iniisip ko pa rin yung nangyari samin kanina ni Renzo at sa pag iisip ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

My InfinityWhere stories live. Discover now