14

4 0 0
                                    

Muntik na!

Muntik na akong madala sa mental hospital dahil sa kuya kong bakulaw.

Puhleeaasssee don't me! Tumawag lang naman si Kuya sa mental hospital at may dumating dito na mga nurse. Buti na lang at dumating agad si Yaya Nena at inexplain sa kanila ang nangyari, dahil kung hindi sa mental talaga ang bagsak ko.

Matalim naman ang tingin ko kay kuya na tumatawa habang nagbibigay ng pera dahil sa kalokohan niya.

Palabas na ako ng gate namin nang makita ko si Duane sa pintuan nila at nagtataka siguro siya kung anong nangyayari.

Tinignan ko siya ng masama kahit hindi siya nakatingin sakin.Kasalanan mo 'to!

Wala na sira na naman araw ko. Napag pasiyahan kong maglakad lakad dito sa subdivision namin.

"Lintik kang adik ka karmahin ka sana ngayon Duane" sabi ko habang sinisipa yung mga bato na nadadaanan ko.

"Mukhang may galit ka sa mga bato ah" sabi ng lalaking nasa likuran ko.

"R-Renzo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo bang same lang tayo ng subdivision" sabi niya. Ay shunga ka talaga Xandra.

"Sorry, oo nga pala" nahihiyang sabi ko at sumusunod pa rin siya sakin.

"Nakita kong may mga nurse sa bahay niyo galing sa mental hospital, Anong meron?" Tanong niya.

"Si kuya ang tumawag sa kanila at sinabing baliw ako" sabi ko at naiinis pa rin dahil sa pang tr-trip niya.

Natawa naman si Renzo at tumingin ako sa kanya. "Ang lakas talaga ng trip ng kuya mo, I can't believe na kaya niyang tumawag sa mental para lang inisin ka"

"May saltik kasi yun" sabi ko at natatawa na rin.

Huminto kami sa park at umupo kami sa bench. Katahimikan ang nangibabaw samin. pinagmamasdan namin yung mga bata habang nag lalaro.

"Naalala mo ba yung unang pagkikita natin dito?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Yung napagkamalan mo akong pulubi dahil sa dumi ng damit ko. Inabutan mo pa nga ako ng pera eh" sabi ko at natawa naman siya.

Nadapa kasi ako at nadumihan yung damit ko at buhaghag na pa ang buhok ko nun dahil sa kagagawan ni Duane.

"Oo tapos sinuntok mo ako at sabi mo Hindi ako pulubi bata may pera din kami" pang gagaya niya sa sinabi ko dati.

"Tapos umiyak ka, tumigil ka lang sa pag iyak nang may narinig kang nag titinda ng ice cream"

"At bumili ka ng ice cream para sa atin, sign na nag bati na tayo" sabi niya.

May narinig kaming sumisigaw ng ice cream. Hinila niya ako at dinala doon. Dalawa ang binili niyang ice cream.

"Bati na tayo" at inabot niya sakin yung isa.

Parang katulad lang ng dati. Ang pinagkaiba lang siya ang bumili.

"Bati na tayo" at tinanggap ko iyon.

Niyaya niya akong mag lunch sa labas, pumayag naman ako dahil naiirita pa rin ako kay kuya. May malapit lang naman na restaurant sa labas ng subdivision kaya hindi na kami gumamit ng sasakyan.

"Hindi ko inaasahan na babalik ulit tayo sa dati" sabi niya habang hinihiwa yung beef steak niya.

Ilang years din bago kami nag kaayos.

"Ako din" sabi ko.

Pinagmamasdan ko siyang kumain. Hindi ko pa siya nakikitang kumain sa mga gilid gilid. Sabi niya kasi dati nang binigyan ko siya ng kwek kwek marumi daw yun.

My InfinityWhere stories live. Discover now