29

2 0 0
                                    

"Mag bantay kayo sa labas"

"Yes boss!"

May narinig akong mga boses. Unti unti kong minulat ang mata ko, naging malabo pa ang paningin ko.

"Boss gising na!"

"Iwan niyo muna kami"

Pamilyar ang boses na yun. Nang naging malinaw ang paningin ko hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Nakatalikod siya sakin dahil may kausap ito. Nang umalis ang kausap humarap siya sa akin at nakangising nakatingin sakin. Hindi naman ako makapaniwala sa nakita ko? Bakit niya ginawa sakin ito?

"A-Axe?"

"The one and only"

Bigla naman kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Saan mo ako dinala? Ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?" Inis kong tanong sa kanya at tumawa lang siya.

"Ayoko sanang idamay ka pero ito lang ang paraan para makaganti ako kay Tristan, sa kapatid mo at lalong lalo na kay Duane!" Inangat niya naman ang damit niya at tumagilid sakin. "Nakikita mo ba ito? Siya ang may gawa niyan" pinakita niya sa akin ang isang mahabang peklat sa may tagiliran niya.

Parang isang matalim na bagay ang ginamit para magtamo ng ganyang kalalang peklat. Hindi ako makapaniwalang si Duane ang gumawa niyan.

"B-Bakit ako?"

Oo nga bakit ako? Bakit hindi sila Chloe, Naomi o kaya yung baklang Clyde na yun. Sure akong dadating pa sila baka nga mag sama pa sila ng pulis o kaya sundalo. Eh sakin? Kakain lang yan ng ice cream si Kuya habang nakikipag chika kay Axe kung humihinga pa ako o hindi na, para ma-ready na niya ang burol ko.

"Bakit naman hindi? Kapatid ka ni Xander, malapit ka rin kay Tristan at higit sa lahat girlfriend ka ni Duane"

Tumawa naman ako at nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya.

"Ako? Girlfriend ni Duane? Puhleaaasse don't me" ito na ata ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko.

"Hindi ka girlfriend ni Duane?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya.

"Ang sabi niya girlfriend ka niya!"

"Nagpa-uto ka naman. Kung ini-stalk mo muna kaya ang Facebook ko para malaman mo kung may boyfriend ako edi hindi ka nag mukhang shunga. Nakalagay pa nga sa status ko na single at ang bio ko pa ay I don't need boys, because boys will only break your heart, but if you can give me food then you can break my heart" natutuwang sabi ko. Para kung may mag tangka man maligaw sa buhay ko edi may idea na sila.

"Whoah! Para sa pagkain ayos lang sayo kung saktan ka?"

"Well, you can live without boys, but you can't live without foods" and that's my motto!

"Tarantadong Duane, naisahan niya ako doon ah!" Iritang sabi niya.

"Tarantado talaga yun" pagsang-ayon ko sa kanya, naguguluhan naman siyang tumingin sa akin. "Tarantado siya kasi kung ano-anong sinasabi niya sa akin. He likes me? Tapos malalaman ko nalang na pareho sila ng nararamdaman ni Alicia?! Aba sira ulo pala siya!" Hindi ko mapigilan ang inis ko.

"Bakit may gusto ka ba kay Duane?" Tanong niya.

"Hindi niya ako gusto"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Kung wala kang gusto sa kanya bakit apektado ka sa nalaman mo?"

"Sige inaamin ko gusto ko nga siya.....pero hindi ko yun sasabihin sa kanya over my dead sexy body. At pwede ko naman siyang i-unlike! Scammer siya!"

"So hindi pa kayo nakakapag-usap simula nang nalaman mo yun?"

Naningkit naman ang mata ko. "Eh paano kami makakapag-usap kung kinidnap mo ako. At teka nga lang kidnapper ba kita o taga chika about sa lovelife ko?"

My InfinityWhere stories live. Discover now