30

1 0 0
                                    


"I'm so disappointed in you Xandra! Bakit si Clyde ang una mong pinagsabihan at hindi kami?" Nagtatampong sabi ni Chloe.

"Sorry na kasi! Natatakot kasi akong sabihin sa inyo, baka kasi asarin niyo ako pag sa inyo ko sinabi"

"Dapat nga kay Clyde ka matakot dahil walang preno ang bibig niyan, tignan mo siya pa nga nag sabi sa amin na si mystery guy at si Duane ay iisa. Ang dami mo nang sikretong tinatago sa amin, kung hindi dahil kay Clyde hindi pa namin malalaman" galit galitan na sabi ni Naomi.

Lumapit naman ako sa kanila at inakbayan. "Sorry na, please?" Nag puppy eyes naman ako. "Promise hindi na ulit ako magtatago ng secret sa inyo"

"Apology accepted. Pero next time kami ang ang una mong lalapitan" sabi ni Chloe.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Kwits na tayo, isa pa hindi rin namin sinabi sayo na matagal ka nang gusto ni Duane, kaya pare pareho lang tayong nag tago ng secret sa isa't isa" sabi ni Naomi.

Nalaman ko rin sa kanila na matagal na nilang alam na may gusto sakin si Duane, hindi nila sinasabi dahil daw gusto nila na si Duane mismo ang mag sabi.

"Kahit man lang isang clue hindi niyo pa binigay" sabi ko.

Umirap sakin si Naomi. "Xandra, anong clue pa ba ang gusto mo eh obvious na obvious naman ang mga pinapakitang galaw ni Duane sayo, sadyang manhid ka lang talaga"

"Past is past na, ang mahalaga alam niyo na ngayon na may gusto kayo sa isa't isa" bigla naman akong namula sa sinabi ni Chloe.

Nakakapanibago lang kasi, hindi ko naman kasi inaasahan na magkakagusto sakin si Duane, puhleaaasse ano bang meron sakin. Chos!

"Guys! Ano hindi pa ba kayo tapos diyan? Para makapagsimula na tayong manood, Gosh! Si papa Jacob ko hinihintay na ako!" Rinig namin ang sigaw ni Clyde at lumapit sa amin.

"Malapit na! Huwag kang atat!" Sabi sa kanya ni Chloe.

Nasa bahay namin sila kasi bukas na ang alis namin papuntang palawan, maga sleepover ang kaibigan ko sa bahay namin at yung mga boys naman sa nasa bahay ni Duane. Para daw sabay sabay na lang kaming umalis.

"Hoy Xandra, mamaya ka na kumuha, kanina ka pa pumupuslit ng popcorn" sabi ni Naomi at nilayo sa akin ang lalagyan.

"Isa lang naman"

"Isa lang? Eh halos makakalahati mo na nga yung lalagyan! Hoy Clyde bantayan mo ang kamay ni Xandra, mabilis pa naman yan kumilos lalo na pag dating sa pagkain"

Napairap naman ako kay Naomi. Hindi ko naman uubusin eh!

Ilang saglit pa may narinig kaming gumigitara galing sa labas. Nagkatinginan naman kaming apat.

"Ano yun?"

"May nangangaroling yata?"

"Gaga! September 8 pa lang"

"Bakit kailan ba nagsisimula ang karoling? Diba ber months?"

"Lumabas kaya tayo para malaman natin" sabi ko sa kanila. Pinatay muna ni Chloe ang kalan at lumabas na kami.

Nabigla naman kami nang makita namin sila Duane sa labas ng gate namin, may dala sila kuya at Tristan na mga rosas na nakalagay sa bibig nila. Si Duane naman ang hawak ay gitara. Nakatingin naman siya sa akin at nagsimula nang kumanta. Si Kuya at Tristan naman ay nilalagyan ng sayaw ang kinakanta ni Duane.

Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala

My InfinityWhere stories live. Discover now