17

3 0 0
                                    

Tahimik lang kami ni Duane sa sasakyan. Hindi naman kasi siya nag sasalita. Binati ko siya kanina pero tumango lang siya.

Sa harap kami ng gate ng school huminto. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Bakit dito tayo huminto?" Tanong ko.

"May pupuntahan pa ako, bumaba ka na lang dito" sabi niya nang hindi pa tumitingin sakin.

Bumaba na ako at umalis na siya nang hindi man lang sinasabi kung saan siya pupunta.

Feeling ko kasalanan ko kung bakit siya ganun, kaya hahayaan ko muna siya.

Nasa loob na sila Clyde at tinaasan niya ako ng kilay.

"Nasan si Duane?" Tanong ni Chloe.

"May pupuntahan daw" walang gana kong sagot.

"Bakit ang tamlay mo?" Tanong ni Naomi.

"Si Duane, hindi niya ako masyadong kinakausap" pag amin ko.

"Siyempre alam mo bang hinintay ka niya kahapon sabi niya pa nga maglalaro lang siya pag dumating kana"  sabi naman ni Clyde.

"Nag paulan pa ang loko" tinignan ko naman si Tristan.

"Nag ka emergency kasi kahapon" sabi ko.

"Oo emergency" sabi ni Clyde at tumingin siya kay Renzo. Pumasok na pala siya.

"Clyde" sita sa kanya ni Chloe.

"Whatever bahala nga kayo!" Inirapan niya naman kami.

"Nag away kayo ni Duane?" Tanong sakin ni Renzo pagkaupo ko.

Umiling naman ako. "Hindi kasi ako nanood ng practice nila kahapon"

"Yun ba yung time na pinuntahan mo ako sa bar?" Tanong niya hindi naman ako nakasagot dahil baka isipin niya sinisisi ko siya. "Sorry kasalanan ko pa"

"Hindi ayos lang, magkakaayos din kami"

Nag lunch na kami pero wala pa si Duane. Papunta na ako sa cr nang makita ko si Duane tatawagin ko sana siya pero nakita ko si Alicia sa tabi niya.

"Duane" sabi ko pero nilagpasan niya lang ako, hindi niya man lang ako tinignan.

Pumasok ako sa cr at naglock. Bakit parang may tumutusok sakin, yung nalaman kong may girlfriend na si Renzo nasaktan ako pero hindi ako umiyak. Bakit kay Duane hindi niya lang ako pinansin umiyak na ako. Shit naman Xandra.

Umiling na lang ako at naghilamos para hindi mahalata yung pag iyak ko.
Bago ako lumabas huminga muna ako ng malalim.

Pumasok na ako sa room at tinuturo ng mga kaibigan ko si Duane. Nakita ko siyang nakatingin sa bintana habang nakasalampak yung earphones niya. Umupo na ako sa tabi niya.

Napansin ko naman na may pasa siya. Nakipag away na naman siya.

Wala akong naintindihan sa lesson namin mag hapon. Nagliligpit ako ng gamit nang magsalita si Renzo.

"Xandra gusto mo ihatid na kita, pagpapasalamat ko lang sa pag tulong mo sakin kahapon" sabi ni Renzo.

Tumingin naman ako kay Duane.

"You can go with him" sabi ni Duane at umalis na.

"Sorry Renzo pero sasabay kasi ako kay Duane eh" sabi ko at hahabulin ko sana si Duane pero hinawakan niya ako.

"Pero sabi niya pwede ka daw sumabay sakin" umiling naman ako sa kanya.

"Kay Duane nga diba siya sasabay" mataray na sabi ni Clyde.

My InfinityWhere stories live. Discover now