12

3 0 0
                                    

"Xandra may sasabihin ako sayo" sabi ni Renzo. At hinila niya ako papunta sa isang garden.

"Anong sasabihin mo Renzo at anong gagawin natin dito" tanong ko.

"Matagal ko na gustong sabihin ito sayo" hinawakan niya ang dalawa kong kamay at lumuhod siya.

"A-anong ginagawa mo? Tumayo ka nga" naiiyak kong sabi.

"Gusto sana kitang-" sa sobrang excited ko hindi ko na siya pinatapos mag salita.

"Oo pumapayag ako" sabi ko at tumayo siya.

"Talaga pumapayag kang maging maid of honor?" Tanong niya at hindi ako makapaniwala.

Ano daw?? MAID OF HONOR??

"Honey pumapayag na siyang maging maid of honor" sabi ni Renzo at pumunta sa likuran ko, pag tingin ko nakita ko si. Sheteng palaka this can't be happening.

"Duane?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at naka gown siya na pangkasal.

"Talaga honey? akala ko hindi siya papayag" sabi niya at niyakap si Renzo.

Si Duane at Renzo ikakasal? Nakita ko si Alicia at Clyde na naghahagis ng mga petals at si kuya, Tristan, Naomi at Chloe pumapalakpak naman.

Teka kailan pa nagkaroon ng pari sa harap namin.

"You may now kiss the bride" sabi ni Father. Malapit na silang mag kiss at... at.

"Itigil ang kasal! ARAY!!" Sigaw ko pagkahulog ko sa kama. Sheteng palaka! Ang sakit ng pwet ko. At yung panaginip ko, ano yun? Grrr buti nalang at panaginip lang yun.

"Anong ginagawa mo diyan? Ah hula ko nahulog ka sa kama 'noh hahaha ang clumsy mo naman little sis" sabi ni kuya, isa pa 'to kailan pa siya nasa pintuan.

"Hindi ako nahulog, may kinuha lang ako sa ilalim" sabi ko.

"Hindi daw at ano yung narinig kong itigil ang kasal? Kaninong kasal ha?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong kasal? Alam mo kuya ang aga aga kung ano-ano ang naririnig mo. Ewan ko sayo" sabi ko at tumayo na.

"Bumaba ka na at kadiri ka alisin mo na yung laway sa bibig mo" sabi niya at tinalikuran ako.

"Parang siya hindi tumutulo ang laway pag natutulog" bulong ko.

Nag ayos na ako ng sarili ko.
Pababa na ako nang may naaamoy akong masarap na pagkain at pamilyar ito.

"Yaya Nena? Omg Yaya Nena na miss kita. Lalo na yung luto niyo!" sabi ko at niyakap si Yaya Nena.

"Naku ikaw talagang bata ka, namiss din kita, oh siya maupo kana riyan at ipaghahanda na kita ng makakain mo" sabi niya.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na nandito na si Yaya Nena, ha kuya?"

"Yun nga dapat ang sasabihin ko kaso nakalimutan ko nang marinig kong nahulog ka" sabi niyang natatawa.

"Hindi nga ako nahulog" nagkibit balikat lang siya.

"Wala pa rin talagang pinagbago sa inyo" sabi ni Yaya Nena.

My InfinityWhere stories live. Discover now