19

2 0 0
                                    

"Hoy Xandra gising na" rinig ko yung sigaw ni Clyde sa pinto. Tamad naman akong bumangon at binuksan ang pinto

"Anong ginagawa mo dito" sabi ko habang pinipikit ang mata ko.

"Yuck Xandra kadirs ka yung laway mo sa pisngi tuyo na, maghilamos ka na nga at diba may practice pa tayo ngayon!" sigaw ni Clyde kaya nagising agad ako.

"Bilisan mo at bumaba kana, mamaya pupunta na rin dito si Renzo" pahabol niya.

Tumango naman ako habang humihikab. "Salaula ka talagang babae ka ang baho ng hininga mo" reklamo niya.

Napairap naman ako sa kanya at dumeretso sa cr, mabaho daw, inamoy ko naman yung bibig ko...*-* nevermind na lang pala.

Si Renzo pupunta nga pala, kailangan ko mag mouth wash at tatlong beses mag toothbrush, nakakahiya naman kasi diba. Bumaba na rin ako pagkatapos. Naka short at t-shirt lang ako dahil sa bahay lang naman ni Duane kami pupunta.

"Ayan nag mukhang tao kana rin" sabi ni Clyde.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ko. Pumunta ako sa kusina para kumain sana pero hinila ako ni Clyde papalabas.

"Ano?" Inis kong tanong.

"Hindi ako maaga girl tanghali na kaya, at doon tayo kakain kila Duane" sabi niya.

Hila hila niya ako papunta sa bahay ni Duane, pumasok agad kami at nakita ko si Tristan na nanonood ng tv.

"Akala ko ba tatlo lang tayo?" Tanong ko.

"Ayaw mo ba na nandito ako Xandra?" Nagkunwari naman siyang nasaktan. "Kuya mo kasi may date sila ni Chloe, si Naomi may practice naman" paliwanag ni Tristan.

"At dito ang bagsak mo" bulong ko. "Hoy Duane yung pagkain" sigaw ko.

"Ay teh bahay mo? Makautos ka naman" hinampas ako ni Clyde.

"Aray! Hinila hila mo ako dito tapos pagdating natin wala pang pagkain, eh kung pinakain mo muna kasi ako" reklamo ko.

Nakita ko si Duane na lumabas galing sa kusina at walang t-shirt at nakasuot lang ng apron, at mas naging hot siyang tignan dahil sa pawis niya. Umiwas naman ako ng tingin. Pero bumabalik lang sa kanya yung paningin ko. Ang rupok mo Xandra.

Napalunok muna ako bago mag salita. "N-nasaan ang p-pagkain"

Tinanggal niya yung apron niya kaya naka topless na lang siya. Kitang kita yung pandesal niya! Naglakad naman siya papalapit sakin, hindi naman ako makakilos at tumigil siya sa harap ko.

"Nasa kusina ang pagkain" nakangising sabi niya. At nilampasan ako.

"Yung laway mo" sabi sakin ni Tristan.

"Ha?" Kinapa ko naman yung bibig ko pero wala namang laway.
"Sheteng palaka ka Tristan" hinampas ko siya.

"Naku teh like mo ang abs ni Duane" sabi sakin ni Clyde.

"A-ako puhleeaasssee don't me abs ka jan" pumunta na ako sa kusina para kumain.

Sumunod naman sila at nakabihis na si Duane habang naka ngisi. Inirapan ko naman siya.

Fried Chicken at pork adobo ang niluto niya, ang bango, tinikman ko naman ito, alam kong marunong magluto si Duane pero puhleeaasssee don't me hindi ko aakalain na ganito kasarap. Nagsalita naman si Duane sa kalagitnaan ng pagnanamnam ko.

"Gusto mo bumili ako ng pandesal, Alex?" Tinignan ko si Duane ng pagtataka. "Eh kasi diba nakaraan gusto mo ng pandesal, ilan ba gusto mo? Walo?" Nabilaukan naman ako sa sinabi niya.

"Kapag hindi ka tumigil maghanap ka na ng paglilibingan mo" banta ko sa kanya, tinawanan lang ako ng loko. Tumingin naman sa amin sila Clyde ng pagtataka, nakalimutan kong kasama pala namin.

My InfinityWhere stories live. Discover now