26

2 0 0
                                    

Dalawang araw ko nang iniiwasan si Duane. Pero ngayon na may pasok na kami alam kong hindi ko siya maiiwasan dahil nasa iisang room lang kami at ang mas malala pa magkatabi pa kami.

"Kuya sige na!"

Kanina ko pa pinipilit si Kuya na sasabay ako sa kanya papunta sa school pero hindi siya pumapayag hanggat wala daw akong maibigay na magandang rason sa kanya kung bakit ayaw ko kay Duane sumabay at hindi ko naman pwede sabihin sa kanya.

"Ayoko. Isa pa manggugulo ka lang sa amin ni Chloe" sabi niya sabay inom ng kape.

"Bakit si Clyde pwede? Mas maingay pa nga yun sakin!"

"Siyempre kapatid siya ni Chloe" pagdadahilan niya.

"Eh kapatid mo rin naman ako ah!"

"Aish! Bakit ba kasi ayaw mo sumabay kay Duane?"

"K-Kasi ano, kasi ano"

"Kasi ano? Kasi ka ng kasi"

"Ang bilis niya kasi magmaneho. Kuya sige na!"

Pagmamakaawa ko ulit. Kulang na lang lumuhod ako at halikan ang paa niya para mapapayag ko siya.

"Ayoko pa rin"

Nawawalan na ako ng pag-asa. Napangisi naman ako ng may naalala akong pwedeng gamitin na pang Blackmail sa kanya.

"Sige kung ayaw mo edi huwag. Sasabihin ko na lang kay Chloe kung anong ginawa mo sa kulangot mo nung bata pa tayo"

Tinikman niya lang naman ang sarili niyang kulangot at yun ang pinaka ayaw niyang ginawa niya sa buong buhay niya. Shunga kasi siya.

Salaula pa rin siya kahit na may edad na siya.

Tatalikod na sana ako ng mag salita siya.

"Subukan mo" banta niya. Humarap naman ako sa kanya at tinaas-baba ko naman ang kilay ko. "Bilisan mo na. Aalis na tayo" sabi niya at lumabas na.

Nagbunyi naman ako dahil sa saya. I know your weaknesses Kuya. Hinawi ko naman ang buhok ko at naglakad na palabas ng bahay at sumakay na sa backseat.

"Promise! Hindi niyo mararamdaman ang presensya ko!"

"I don't believe you" umiiling na sabi niya.

Puhleaaasse I'm a woman of my word kaya.

Gulat naman sila Chloe at Clyde nang makita nila ako sa likod, katabi ko naman si Clyde. Nagtanong sila kung bakit ako sumabay kay kuya, siyempre same explanation din ang binigay ko.

"Hahaha tapos? Ano pang nangyari?" Natatawang tanong ko kay Clyde.

Pinag-uusapan kasi namin na may babae daw na humingi ng no. niya sa school, at sinabing sagot niya daw ang pambayad sa hotel. akala straight si Clyde. Sukang suka naman si Clyde habang kinikwento niya.

"Bwiset na babaeng yun akala niya siguro papatol ako sa kanya. Ayoko na isipin dahil nadidiri ako" sabay irap niya.

Tawang tawa naman ako. Sayang at wala ako doon, na-videohan ko sana ang reaksyon ni Clyde.

"Hindi ko nga naramdaman ang presensya mo" sarcastic na sabi sakin ni Kuya pagkarating namin sa school.

"Sabi ko sayo eh!" Sabay tapik sa braso niya.

Inirapan niya naman ako at kinausap si Chloe para magpaalam.

Napatingin naman ako sa likod ko nang may paparating na sasakyan at kilala ko ang porsche na yan. Nataranta naman ako kay naglakad agad ako papalayo sa kinatatayuan ko.

My InfinityWhere stories live. Discover now