#Chapter2

504 4 0
                                    

#Chapter2

Nethon's POV

Umikot ang mga mata ko sa likod ng itim na eyeglasses nang makita ko ang dosenang media na pinipigilan ng mga tauhan ng airport at pati nadin ng tauhan namin.

"Bakit ba andito ang media?" tamad kong nilingon ang tatay ko.

"They are interested in our lives" ngumiti naman ito pero hindi saakin kundi sa harap ng media na kumukuha ng mga litrato.

"Just talk with them dad" tamad kong sabi, alam kong gustong gusto nitong makipag usap sa media.

Sa lahat ng Kyril siya lang ang hindi umiiwas sa mga kamera, kahit ako na isang actor, mas gugustohin ko pang walang kamera.

Palihim naman akong napangiwi sa mga tumitiling mga babae, sinisigaw ang pangalan ko.

Akala ko pag dating ko dito sa bansang to tatahimik ang buhay ko kahit saglit pero hindi pala.

Face of the business, ako yung palaging modelo ng mga product ng mga Kyril, yun ang silbi ko pagdating sa business.

Tahimik naman akong umalis sa mga busy na media, may mga bodyguard namang nakasunod saakin kaya komportable akong naglalakad ngayon.

Hindi ko pinansin ang mga sigaw ng mga taga pag hanga ko, kahit kasi sikat ako kilala ako sa pagiging arogante, walang modo at kung ano ano pang hindi maganda pakinggan.

Hindi ko naman pinili ang buhay na ito, siguro pagkatapos kong gawin ang latest movie ko hindi na ako tatanggap pa ng kung ano anong project pwera nalang sa pamilya namin.

Achelois' POV

"Achelois!" napangiwi naman ako nang marinig ko ang nanay ko na sumisigaw.

"Tsk, may tauhan naman tayo pero bakit ako ang pinapakuha mo? may klase pa ako pero hindi ako pumasok ngayon dahil sa gusto mo mom!"

"You know your brother Achelois"

"Yeah whatever, I'm hanging up!" agad kong binaba ang tawag  at kinuha ang phone ko lang.

Tumakbo naman ako papasok sa airport.

Nag exam yung mga estudyante ko kanina, nag request sila ng extension ng 15 minutes kaya pinag bigyan ko.

Kaya ako nahuli dahil don, sinabihan na ako ng nanay ko kanina umaga na dadating yung magaling kong kuya at ako daw mismo ang kukuha nito.

May pasok pa ako pero sinabihan ko na ang mga estudyante ko na hindi muna ako papasok sakanila.

Nagtuturo ako ng law subject sa sariling paaralan ng mga magulang ko, gusto nilang mag business ako pero mas sinunod ko yung gusto ko kaya wala silang nagawa.

Yung kuya ko naman, nasa Taiwan ito upang mag bakasyon lamang tapos ngayon ako yung binubwesit niya.

Gustong gusto ko siyang tirisin ngayon.

"May artista ba?" tanong ko sa sarili ko, nang makita ko ang daming taong at mga media, umiling na lamang ako at tumakbo papunta sa kung saan lalabas ang pinakamamahal kong kapatid.

"Aw!" daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa pwetan ko, nakabangga lamang ako ng isang tao at hindi man lang ito natumba para itong pader, ako yung bumanda at natumba.

"Tumingin ka sa daan mo miss" naramdaman ko ang lamig ng pagkasabi niya.

Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko.

"Aba Mister, kita mong tumatakbo ako, busy akong tao, ikaw tong hindi tumitingin eh pader ka ba?"

Sinamaan ko naman ito ng tingin pero ngumisi lamang ito na siyang nag painis saakin lalo.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon