#Chapter68

122 0 0
                                    

#Chapter68

Achelois' POV

"JM?" kunot noo kong sabi nang makalabas ako ng kwarto.

"I called him, walang baby on board sign ang kotse ko."

Nag bihis ako at nag ayus na din ng kaunti, binihisan ko na din ang anak ko, nag dala na din ako ng diaper, gatas niya at kung ano ano pang kailangan.

Ito ang kauna unahang lalabas ako ng bahay bilang isang ina, simula nung pinanganak ko si Aries wala akong oras umalis ng bahay, natatakot din ako kasi sabi saakin ni mommy fragile pa ang baby ko kaya dahan dahan lang dapat ito.

Kung noon sling bag lang ang dala ko ngayon malaking shoulder bag na ang dala ko at walang kahit anong gamit ko dito puro kay baby Aries ito.

Simula nung pinaalis ko si Nethon sa hospital wala na akong balita sakanya, hindi na din nag oopen up ang mga pinsan niya tungkol doon, ayaw ko din naman itanong dahil nahihiya ako.

Pero si Misha, malapit talaga ito kay Nethon dahil ito lang ang nag oopen saakin tungkol kay Nethon, ngayon naman ay dadalhin niya ako kung saan man ngayon si Nethon.

Sinigawan ko si Nethon noon na ayaw ko siyang makita, ayaw kong lumapit ito saakin kasi natatakot ako, pero nasabi ko lang naman yun, ang totoo gusto ko itong makita, gusto kong yakapin niya ako. Natakot man ako nung una pero alam kong mas nakakatakot pag wala si Nethon. Nethon can make me feel safe when he's around me.

Nang sabihin saakin ni Misha na impossible ang nararamdaman kong andiyan si Nethon sa paligid napaisip ako, siguro sa sobrang miss ko dito nararamdaman ko nalang ang presensya niya, minsan na akong na stress kaya siguro gumawa ako ng presensya ni Nethon para pakiramdam ko ligtas ako, andiyan lang siya sa paligid ko.

Gusto ko itong sumbatan, bakit hindi niya kami binalikan ni baby Aries. Kaya pumayag akong tumira dito sa malaking mansyon kahit mag isa ako dahil sabi saakin ni Ashton na dito daw ako hahanapin ni Nethon. Ito na bahay daw ang unang pupuntahan niya para hanapin ako, Ashton said that to me. Kaya kahit ayaw kong tumanggap ng galing sa mga Kyril tinanggap ko at umasang babalikan ako ni Nethon.

Umasa akong babalikan niya ako na may ngiti sa labi at sabay sabing

Dyosa I made it, I already fix the problem

Umaasa ako gabi gabi, kinakausap ko si baby Aries sa tiyan ko na babalikan kami ni Nethon at kakantahan siya ulit nito.

Nang manganak ako, nawalan na ako ng pag asa, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya hihintayin. Kaya ko naman buhayin mag isa si Baby Aries.

"Ako na mag mamaneho" presenta naman ni JM.

"Akin na" kinuha niya naman saakin ang shoulder bag, si Misha naman ang may karga sa anak ko.

Hindi ako marunong mag alaga ng bata. That's why I chose college students kaysa sa mga bata, hindi kaya ng pasensya ko pero hinahabaan ko ang pasensya ko sa anak ko.

Sumakay naman kami sa kotse ni JM.

"Drive safely JM, mapapatay talaga kita pag may mangyari"

"Oo na po boss tsk" tumawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Sometimes Kyril leave but I will surely tell you Kyril will back to where they think they belong to"

"Pero hindi kay Nethon" sabay naman ni JM.

Ngumiti lang ako sa dalawa na para bang handang mag bangayan. Baliktad ang mga ugali nito pero kinasal pa din sila at may dalawang anak.

How should I face Nethon? kailangan ko ba itong harapin na may ngiti? oh yung masungit tulad ng una naming pagkikita?

o di kaya sabihin ko sakanya, ito na ang pinagyayabang niya saaking lahi niya tapos ipakita ko si baby Aries.

Baby Aries Aurora.

Hindi padin ako makapaniwala sa pangalan ng anak ko, pagkagising ko naka register na ang pangalan ng anak ko.

Wala naman akong naisip na pangalan sakanya, hindi ko inakalang si Ashton ang mag pangalan nito, maganda naman ang pangalan nito at maganda din ang paliwanag ni Ashton saakin bakit yun ang pinili niya.

Kinuha niya pala sa Greek Mythology ang first name ni baby Aries at sa fairytale princess naman ang second name nito.

I love her name, I don't know if Nethon will love it.

"Andito siya sa HQ?" tumango naman si Misha.

"Samahan mo na kami, ikaw na mag dala ng gamit ni baby Aries" utos ni Misha sa asawa, wala naman itong magawa kundi sumunod.

Sumakay naman kaming tatlo sa elevator. Bumilis naman ang tibok ng puso ko, napatingin naman ako kay baby Aries mahimbing itong natutulog sa bisig ni Misha.

Mabuti pa itong si Misha, magaling sa bata, ako siguro yung nanay na hindi magaling sa bata, ewan pakiramdam ko nga takot saakin si Baby Aries.

Bumukas naman ang elevator, nagulat naman kami sa bumungad saaming sigaw.

Nag titigan ang mag asawa at dali daling lumabas, sumunod naman ako sakanila.

"I hate you! ahhhh!" napaatras naman ako nang makita ko si Nethon, yakap yakap ni Alexander.

"Ahhh! I really really hate you! fvck it!"

"N-nethon" mahina kong tawag nito pero sumigaw ulit ito at humagulhol.

Paulit ulit itong sumigaw at paulit ulit sinasabi ang salitang I hate you

Biglang umiyak si Baby Aries, kaya nataranta ako, lumapit ako kay Misha, naisayaw naman nito ng wala sa oras.

"shh baby it's okay" bulong ni Misha pero todo iyak padin ito.

Natigil naman ang sigaw ni Nethon, nilingon na din kami ni Alexander at Belle.

"The baby is crying" kumalas naman si Nethon sa yakap ni Alexander at mabilis na lumapit kay Misha.

"Wag niyong ibigay" mahinang sabi ni Belle.

"Misha baby is crying" parang batang sabi ni Nethon sa pinsan.

"It's baby Aries" Misha.

"Let me please" parang batang nag request, lumingon naman si Misha saakin, tumango ito at tumango na din ako at binigyan siya ng permiso na ibigay si Nethon.

"I'm sorry, don't cry" biglang tumulo ang luha ko nang makarga niya ito at matahan.

Nethon really have the ability to calm babies.

Sinayaw niya naman ito at kinakausap na parang naiintindihan niya bakit ito umiyak.

Kagat labi akong tinignan ang mag ama ko.

Dumapo ang tingin ko sa mga pinsan niya. Umiiyak na si Belle at Misha, habang si Alexander at kagat labi nitong umiwas na nanunubig ang mata.

Baby Aries giggle and Nethon giggle too.

Nanghina naman akong umupo sa sahig.

"Achelois!" narinig kong sigaw ni Belle, napayuko nalang ako at tahimik na umiyak.

I love it! I love what infront of me right now! I love what I heard, I love their giggles.

Ayokong mawala ito, ayokong mawala ito sa isip ko. Ayokong bawiin ulit ang sayang naramdaman ko ngayon.

Oh Nethon, I really need you..

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon