#Chapter41

85 0 0
                                    

#Chapter41

Achelois' POV

Nakakunot ang noo ko habang tinititigan ko ang envelop na hawak ko ngayon.

Kanina umaga, tinawagan ako ng lobby dahil may sulat daw para saakin, ngayon na hawak ko na, wala itong mismong sulat sa envelope.

Usually pag pinadalang sulat may address, kanino galing ang sulat pero ito may bahid pula at hindi ito purong puti, dirty white kaya nag dadalawang isip akong buksan ito.

Bumukas naman ang elevator kaya lumabas ako sabay bukas sa envelope.

"Shit!" kung gaano ka weirdo ang envelope nito mas lalo naman ang laman.

"What's that?"

"Nethon andiyan ka pala? aalis ka na?" pinasidahan ko ng tingin si Nethon mula ulo hanggang paa.

"Sa gym ka ba galing?"

Naka training pants ito at sando habang may nakasabit sa balikat niya na isang towel.

Hindi niya naman ako pinansin at kinuha yung pinadala saaking sulat.

Kung gaano ka dumi ang lalagyan mas double ang dumi ng laman. May bahid na dugo.

Sumilip naman ako kung ano ang nakasulat pero napangiwi nalang ako nang makita ko anong ginamit na panulat!

Alam kong dugo ito! kaya pala sa pag bukas ang baho nito. Pero nakapag tataka hindi naman ito mabaho nung hindi ko pa binuksan ah?

"Caraquel, I never knew you exist, should I erase your existence?" basa ko naman sa nakasulat.

"Ano yan? wala akong maintindihan"

"Six" napatingin naman ako kay Nethon nang ibulong niya iyon.

"Go fix yourself, we need to go somewhere"

"ha? hinihintay ko pa si Nemlear"

"Ayst! Nevermind! let's go" hindi pa ako nakapag react, hila hila na ako nito pasakay sa elevator.

Pinindot niya naman ang basement.

"Damn this idiot" nagulohan akong lumingon kay Nethon.

Wala akong maintindihan. Para saakin ba talaga yung sulat? baka kasi hindi para saakin, wala naman kasing nag sabi saakin na may pinadala silang sulat o wala din akong naging kalaban.

"Nethon baka nag kamali lang yung front desk, hindi siguro para saakin yung sulat"

Hindi ako nito pinansin, naka focus lang ito sa harap na para may masamang ginawa ang pinto ng elevator, para na niyang papatayin ito at may binubulong na ito na hindi ko na maintindihan.

Hinila niya ulit ako nang bumakas na ang elevator.

"Teka Nethon, hindi ako sasama sayo" tumigil naman ako at hindi siya hinayaan na hilain ulit ako, lumingon naman ito nang napakaseryoso at biglang umiba ang reaction nito.

"Fck this" nagulat naman ako sa bilis ng pangyayari, magkaharap lang kami ni Nethon pero sa isang iglap nahila niya ako at nagpalit kami ng pwesto.

Humarap naman ako sakanya para sana sigawan ito pero lumaki ang mata ko nang makita kong duguan na ang braso ni Nethon, at isang maitim na lalaki ang tumatakbo palayo.

"N-nethon"

"Let's go, we need to go to the mansion"

"Anong mansyon? sa hospital tayo, may hiwa ka!"

Nakita ko naman ang pag ngiwi niya, binalot niya ito sa towel niya na nakasabit sa balikat niya kanina.

"Let's go I'm fine, it's not safe here" malamig pa sa yelo nitong sabi na siyang nagpapigil saakin dahil unang beses ko siyang marinig ng ganito.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon