#Chapter5

269 4 0
                                    

#Chapter5

Achelois' POV

Napanganga naman ako ng kaunti nang makarating ako sa tagpuan namin.

Andito kami ngayon sa isang park, may parteng close dahil may shoot na ginagawa at doon ako mismo pumasok dahil yun ang sabi ng isang bodyguard saakin.

"What the hell?" mahina kong mura sa sarili ko, anong gagawin ko dito?

Busy ang lahat sa kanya kanyang trabaho, hindi pa nag sisimula ang gagawin nila.

"You're a teacher but your cursing" napalingon naman ako sa likod.

"Teka! familiar ka!"

"I'm Nethon Kyril, nakabangga mo sa airport" bored nitong sabi saakin.

Napangiwi naman ako dahil sa mga nakapalibot sakanyang babae, taga paypay at nag lalagay ng make up.

"We still don't have your partner"

"Belle Kyril?" mahina kong tawag sa lumapit kay Nethon daw.

Sa pagkakaalam ko isang Kyril ang kakausapin ko ngayon about sa business, sinabihan na din ako ni daddy kanina kung ano ano ang pwede kong sabihin.

Kilala ko ang mga Kyril, pero itong nag pakilalang nabangga ko daw sa airport ang hindi ko kilala.

"How about her?" lumaki naman ang mga mata ko nang ituro niya ako at lumingon saakin si Belle.

Masyado itong maganda lalo na ngayon na blonde ang buhok niya parang walang mga anak, dalaga padin kung titignan mo, siguro kung walang nakakaalam na asawa siya ng doctor at may tatlong anak na, siguro may mag tatangkang lalakeng mangliligaw nito.

Pati din si Alice Kyril, ito yung bunso sa mga Kyril pero ito yung unang nag asawa, pero kahit ganon, parang nasa teens padin ito, kaso nga lang kabaliktaran sa mukha niya ang ugali nito. May mala anghel itong mukha pero masyado naman itong nakakatakot, kahit pa titigan mo lang.

Ang alam ko apat lang ang Kyril ang andito sa Pinas, I don't know, sa lawak ng mundo at sa yaman nila sigurado akong may iba pang Kyril tulad nalang nitong lalaking makapag turo saakin parang bata.

"Who are you?"

"I'm Achelois po"

"From?"

"Caraquel"

"Oh? siya ba yung tinutukoy nila kuya, kuya Nethon"

"Whatever" tipid namang sabi nitong Nethon, ngumiting humarap saakin si Belle.

"Honey! andito na yung partner ni Nethon!"

May lumapit naman saaking isang babae.

"Ayusan mo na siya para makapagsimula na tayo"

"Huh? teka hindi ito yung pinunta ko" tutol ko pero walang nakinig at sinimulan nila akong ayusan.

May nag aayus sa buhok ko at sa mukha ko. Pagkatapos non, pinag bihis naman ako ng damit na nababagay sa make up ko.

Tinitigan ko naman yung sarili ko sa salamin at napabuntong hininga na lamang ako.

"Para saan yun?" Napalingon naman ako sa nag salita.

"Po?"

"The sigh"

"Hindi po kasi ito yung pinunta ko, sinabi ng daddy ko saakin, na makikipag usap ako sa isang Kyril for the business partner things"

Ngumiti naman ito saakin at hinila na lamang ako palabas sa tent.

Nakita ko naman na nag sisimula na pala sila. Puro pose ang ganap ni Nethon.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now