#Chapter58

100 0 0
                                    

#Chapter58

Achelois' POV

"Kailan ba talagang sundan mo ko? wala ka bang trabaho?" masama ko namang tinignan si JM.

Kahapon pagkagising ko si Zyryl ang nag babantay saakin tapos ngayon araw si JM naman.

Andito ako ngayon sa rooftop, hindi ako pinayagan ni Voltaire na umalis ng hospital, wala naman akong magawa, mas mabuti na ito kaysa sa andon ako sa mansyon, mas lalo lang akong ma stress.

"Meron akong trabaho"

"Oh yun naman pala. Umalis ka na"

Nakasunod ito saakin kahit saan ako pumunta, gusto kong mapag isa pero hindi ko magawa yun dahil nga nakasunod ito saakin.

"Pano kaya iwan yung trabaho?"

"Pinagsasabi mo?"

"Ikaw yung trabaho ko ngayon, act like I'm not here, just enjoy the fresh air" bumuntong hininga naman ako.

Hindi na nga ako mawawalan ng bantay ang mas lala pa kilala ko pa ang nag babantay saakin.

Now I know the feelings of the Kyril kids, kaya pala ito tumatakas kasi ganito pala ang pakiramdam.

Nakakasakal.

Gusto kong mapag isa pero hindi ko magawa, kahit pa sabihin nating isipin ko nalang na ako lang mag isa dito, di ko padin maiwasan makaramdam sa mga presesya nila.

Hinimas ko na lamang ang tiyan ko at pumikit.

Baby keep on holding okay? I know you're stress now because I am but please hold to mommy okay? In this time I need you more than anyone.

Tanggap ko na baby na I'm just his secret affair and your the result of his secret affair. Okay nalang saakin na wala Si Nethon kaysa ikaw ang mawala.

Kakausapin ko nalang si Alexander pag binisita niya ako, ayokong umasa, mas lalo ko atang maramdaman na madumi ako pag umasa pa ako.

I'm the mistress..

tanggap ko na ito pero hindi ko ito kayang ipalandakan. Tatanggapin ko na din ang mga salitang natatanggap at matatanggap ko galing sa kanino man. Hindi lang kasi si Nethon ang may kasalan dito, I also have a mistake. Hindi ko dapat ito pinayagan na buntisin ako lalo na't relasyon lang pinanghawakan ko. Sana pala hinintay kong mag aya siya ng kasal o pag kinasal kami nagpabuntis ako para siguradong walang sabi.

Huminga naman ako ng malalim.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? nangyari na ang nangyari. Hindi na ito magbabago pa kahit anong pag iisip ko ngayon, kahit pa anong pag sisisi ko, kahit anong stress ko, maapektohan lang ang dinadala kong bata.

"Gusto ko ng magpakalayo" mahina kong sambit, nilingon ko si JM nang marinig ko ang malalim niyang pag hinga.

"Alam mo ba bakit galit paminsan si Venice at Zyros kay Nethon?" hindi naman ako umimik.

"No matter how much they hide, Nethon will always find them, pamangkin niya ang mga iyon pano nalang kaya kung ikaw ang lumayo?"

"I don't belong to this family, why do you always keep me on pulling to your family? I'm not the legal here"

"My wife said to me, you're more look like the legal one than his wife" napakagat naman ako sa labi ko nang marinig ko ang salitang his wife.

His wife.. hindi ko pinangarap na maging isang kabit, hindi ko pinangarap sumira ng isang pamilya. Ang pangarap ko ay magka pamilya hindi sumira ng pamilya.

"Misha said to me, Alexander is only waiting for Nethon to ask for help, hindi mahilig makisawsaw si Alexander sa problema ng mga pinsan niya, to be honest it's my first time seeing him standing before you than to his cousin."

"They are so much interesting things in Alexander that surely will make you to love him, not as a lover but as a kuya"

"I can let you go here but I don't know to Kyril, hihilain at hihilain ka nila pabalik sa pamilyang to. You know this family is not perfect as what people see it to them, kahit ako nung una alam kong perpekto ang pamilyang to pero nung napadesisyonan kong pumasok dito, nakita kong hindi pala ito perpekto, mas malala pa sila kaysa sa ibang pamilya, it's up to you to stay and fight for it"

"I'm not the legal here ano ba, hindi niyo na nakita ang asawa ni Nethon? even Nethon said that, not only infront of Alexander but infront of me while I have his child in my tummy. At nasaksihan niyo yun"

Bakit ba ang hirap ipasok sa mga utak nila yun? sana ganon din ako pero hindi pinapatay ako sa tuwing naiisip ko yun. Sana katulad din ako ng mga utak nila kahit na nakakainis okay na yun kaysa yung ganito.

Ngiti lang ang binigay nito saakin.

"I'm fighting here my dyosa how I wish you too" nanigas naman ako nang makita ko si Nethon.

Biglang nangilid ang mga mata ko nang makita ko siya, I miss my baby.

Andito na siya, nag pakita na saakin. I've been longing him since the incident.

Hindi ko mapigilan na umiyak, gagalaw sana ito sa pwesto niya pero pinigilan niya ang sarili niya.

"Please don't cry" aabotin ko sana ito, bakit ang layo niya? ayaw niya ba akong lapitan? gusto ko siyang lumapit saakin!

"I'm sorry I can't baby, I'm scared"

"S-scared of what?"

"I'm scared to make another mistake" bagsak ang mga balikat ko nang sabihin niya ito kahit si JM gulat sa sinabi ni Nethon, napalingon ito kay Nethon.

Another mistake? yeah right I'm only mistake here, bakit ba nakakalimotan ko yun? kanina lang alala ko pa ito pero nang makita ko si Nethon nakalimotan kong isa pala akong pagkakamali na dapat tinatago nalang.

Nasuntok ko ng mahina ang dibdib ko dahil sa sakit na naramdaman ko ngayon. Mas lalo palang masakit pag galing kay Nethon ang salitang yun.

"I-i a-almost forgot I'm just your secret affair, I'm sorry" yumuko naman ako at kagat ko ang mga labi ko.

Masakit makatanggap ng salita galing sa asawa niya, sa magulang niya pero mas masakit pala makatanggap ng salita galing sakanya.

"No your not!"

"J-just leave me already Nethon, I'm already tired"

"Baby? pinagtutulokan mo ba ako?"

"Yes, umalis ka na! bumalik ka na sa asawa mo! ayaw na kitang makita!"

"Bakit ganon? masakit sa dibdib ko ang mga sinabi mo?" tumahimik naman ako.

"Ayaw mo na ba saakin Achelois? I'm sorry for hurting you but I'm trying to fix everything"

"The only way to fix this problem is go back to where you belong, go back to your wife and let's forget this. Forget your secret affair, forget me"

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now