#Chapter63

102 0 0
                                    

#Chapter63

Achelois POV

"Say it again bitch?"

Yumuko naman ako at tinukom ang bibig ko, ayaw ko ng mag salita, hindi naman si Nethon ay may sira ang pag iisip dito. Kundi itong kaharap ko ngayon.

Nasiraan ng bait dahil lang sa pera. Money is indeed a demon. Mas okay na saakin ang hindi ako mayaman at hindi din mahirap, okay na ako sa buhay na meron ako, kaysa yung ganito, nagpapakabaliw sa pera, gagawa ng krimen para sa pera.

"Much better if you beg for you life than laughing at me, baka nakakalimotan mo hawak ko ang buhay mo. Hindi ibig sabihin na sinabi ko sayo ang mga naging plano ko, tatawanan mo na ako na parang isang malaking biro lahat ng sinabi ko."

"Hindi ko aakalain na kayang sirain ni Nethon ang inaalagaan nilang pangalan para sa isang tulad mo. Ano ba ang makukuha ni Nethon sayo at nag pakabaliw siya? maliban sa buntis ka... wala na, kung saakin siya uhmm.. if we merge our company to theirs oh well our families will be the most powerful"

"Kristel please"

"What? please? let me hear it again?!" napangiwi naman ako, narinig ko ulit ang pag kasa ng baril kaya natigilan akong huminga.

"I said let me hear it again!" napatalon naman ako nang marinig ko ulit ang pag putok non.

"Ahhh!" gigil na sigaw niya, namamanhid na ang isang binti ko, dito ata ako mamatay eh! tang ina hindi lang ako ang mamatay pati ang anak ko!

"Bakit hindi mo nalang sa dibdib ko iputok!?"

"Bakit? ayaw mo na? I'm still enjoying here bitch!"

"Hey! are you crazy?!" natigilan naman kaming dalawa na may pumasok na lalaki.

Yung lalaking kumuha saakin sa hospital!

"Stop toturing her!, do you think Kyril will let us live if he see this!?"

"Who said that he will see this! after killing her I will burried her like as if she never exist"

"Patayin niyo nalang ako, wag niyo na akong pahirapan pa"

I'm sorry baby but mommy is not strong.

"Do you think killing her can bring you some money? I don't think so, Kyril will surely kill you"

"Fine!" sigaw naman ni Kristel, kinuha naman ng lalaki ang baril ni Kristel at lumayo sa pwesto namin.

"Pasalamat ka hindi kita mamapatay ngayon" umirap naman ito.

"Bakit sa mga tama ng baril na naka baon sa katawan ko hindi ako papatayin ng unti unti?, you're the psychopath here"

"Stop triggering me bitch, I won't be good to you if you'll trigger me one more"

"You can't kill me" confident kong sabi dito, kailangan kong subukan maging matapang, atleast I try.

"San mo nakuha ang tapang mo?"

"I heard it Kristel, kaya mo man akong patayin peo mas pipiliin mong hindi ako patayin."

Lumapit naman ito saakin at hinawakan ako sa braso kung saan may tama ng baril.

"But I can do this" ngumisi naman ito pero napangiwi naman ako sa sakit.

"Ahh!" sigaw ko nang mas hinigpitan niya ang pagkahawak saakin.

Binitawan niya naman ito at lumayo, gusto ko ng pumikit, nagdalawa na ang paningin ko.

Nethon where are you? I'm already tired baby, please make it faster.

"Fvxk!" nanghihina kong nilingon ang lalaking kasama ni Kristel, nakikipag laban ito ngayon.

Lumaki naman ang mga mata ko nang makita ko itong humiwalay ang ulo sa katawan. Kahit si Kristel gulat din sa nangyari.

"N-nethon" tawag ni Kristel.

Hindi na kontento si Nethon sa ginawa niya, pinag saksak niya pa ito sa hawak niyang katana.

Nanginig naman ako sa takot, hindi ito si Nethon, it's impossible!, my Nethon will never be like this.

"See that bitch!?" sigaw saakin ni Kristel, kita ko naman sakanya ang takot pero nag lakas loob pa talaga itong sigawan ako.

Nilingon ko ulit si Nethon, nakatalikod ito saakin ngayon at hinihingal habang nakatingin sa bangkay na parang karne niyang tinadtad.

Natigilan naman ako sa pag hinga nang humarap ito saamin.

"K-kristel" takot kong tawag sakanya.

Ibang ibang Nethon ang nakikita ko ngayon, wala akong nakitang kahit isang bahid na awa sa emosyon ni Nethon na mas lalong nag patakot saakin.

"R-run Kristel" mahina kong sabi, nakalimutan ko sandali ang ginawa ni Kristel saakin, gugustohin ko itong tumakbo nalang kaysa maabotan ni Nethon.

Ayoko, ayokong makita paano pumatay si Nethon.

Tatakbo na sana si Kristel pero huli na ang lahat kasi nasa likod na niya si Nethon.

"Where are you going wife?" tumayo naman ang mga balahibo ko sa batok sa boses ni Nethon. Mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"N-nethon" mahina kong tawag sakanya pero hindi ako nito nilingon, hindi niya ata ako narinig.

"Stop this Nethon" sabi ko ulit pero nabingi na ito sa galit niya.

Napasinghap naman ako nang makita ko itong sinakal niya, napaangat naman si Kristel kaya pinipilit kong gumalaw at sumigaw para maagaw ko ang atensyon nito.

Nag simula na akong umiyak.

"Ayoko na please! make it stop!"

"Nethon! fvck ano ba! nasa harap mo si Achelois!" sigaw ni Ashton at tinulak niya si Nethon.

Sumulpot na din si Alexander at tinulongan si Ashton sa pag aawat kay Nethon, namutla na si Kristel.

"Tangina sorry pero.." Ashton, sinuntok niya naman si Nethon, nabitawan naman ni Nethon si Kristel.

Mabilis hinawakan ni Alexander si Nethon at si Ashton ang umalalay kay Kristel.

"Achelois" lumingon naman saakin si Nethon pero nasinghap ako sa takot.

Lumapit naman saakin si Belle at kinalas niya ang pagkatali saakin. Lalapit na sana si Nethon pero dahil sa takot na naramdaman ko nakalimotan ko na ang Nethon na nasa harap ko ay yung taong mahal ko.

Siniksik ko ang sarili ko kay Belle. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Nethon pero hindi ko ito pinansin.

"Si Nethon lang yan Ache"

"I'm scared he's not my Nethon.."

-

3rd Person's POV

Natigilan naman ang lahat kahit si Nethon sa sinabi ni Achelois.

Nawalan naman ito ng malay at mabilis na sinalo ni Belle.

Tumakbo naman si Nethon dito at siya mismo nag karga nito.

"Ayst!" reklamo ni Ashton at siya ang nagkarga sa nawalan ng malay na Kristel.

Mabilis na umalis si Nethon habang karga karga si Achelois.

Si Voltaire naman ang sumalubong sakanila nang makarating sila sa hospital.

"Tumigil ka nga Nethon sumasakit ulo ko sayo, umupo ka" Belle

"How can I face her Misha? she said she's scared, natakot ko si Achelois" parang batang nag susumbong si Nethon kay Misha, tumulo naman ang mga luha nito habang pinapanuod lang siya ng mga pinsan niya.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now