#Chapter3

343 3 0
                                    

#Chapter3

Nethon's POV

Sa pag gising sa umaga, mas nauna akong magising kaysa sa araw, kahit naman isang oras advance sa korea, nahihirapan din akong mag adjust pero mabuti na yun.

Nilibot ko ang buong subdivision habang nag jojogging kanina, napag desisyonan ko na lamang umuwi nang mag pakita na ang araw.

Kaya ngayon, madami ng tao sa mansyon, nakahanda na akong simulan ang araw ko. Nakaligo at nakapag ayos na pero itong mga pinsan ko bagong gising palang.

Dito ako pansamantalang tumitira sa bahay ni Alexander pero yung mga magulang ko nasa kabilang mansyon, yung bahay nila daddy.

"Aga mo ata?" Ashton

"Body clock" tipid kong sagot dito.

"Mahirap yan, mamaya pa yung simula ng schedule mo ah?"

"Wala din naman akong gagawin sa kompanya kaya okay lang hindi sundin yung schedule"

"Yun na nga, naiintindihan ko yung hindi sundin ang schedule, okay lang malate pero yung maaga mong gawin, you're weird"

"I'm unique hyung"

"Ingay mo Ashton" sumulpot naman si kuya Alexander, umupo na lamang ito at sabay sabay nilatag ng mga katulong ang mga pagkain.

"Bread? Rice? and bunch of kiddie ulam?" komento ko naman

"Kiddie ulam ba yung bacon, hotdog at sunny side up?" inosenteng tanong ni kuya Ashton.

"Sino nag order sainyo na ito ihanda ngayong araw?" kuya Alexander kausap nito ang isang katulong.

"Si Sir Ashton po"

"Bakit? masarap kaya to" siya pa ang unang kumain, enjoy na enjoy ito sa pagkain.

"Just bring me some fruit please" tumango naman ang isang katulong at pumasok sa kusina.

"Akalain mo yun ang laki laki ng bahay nato, mansyon kong tawagin, milyon ang naigasto pero yung nakahandang pagkain ganito?"

"steak is for dinner" kuya Ashton

"Nope! mahirap mag digest ang meat, maliit lang dapat yung kinakain sa gabi di mo ba alam yun hyung?"

"Ang awkward kaya pag sa breakfast mo yun hinain diba Alexander?"

"wag mo kong kinakausap Ashton" Nilingon ko naman si kuya Alexander, nakaharap ito sa tablet niya habang kumakain ng tinapay at umiinom ng mainit na kape.

"Kaya ang pangit ng built ng katawan mo" ngumuwi naman ako

"Ang arte mo" inirapan niya naman ako na parang babae.

May nilapag naman sa harapan ko na naka slice na at handang kainin na iba't ibang klase ng prutas.

"Thank you, banana shake will do, I don't drink coffee in breakfast" humingi naman ng paumanhin ang katulong pero nginitian ko lamang ito.

"Ang pangit ng taste mo"

"Hyung that's healthy lifestyle di mo ba alam yun?"

"Bobo na ba ako sa paningin mo?"

"Nope! pero tanga lang, balita ko nawala si Misha kahit kasama mo ito"
"Hinayaan ko yung umalis"

"Oh talaga? iba ata yung narinig kong balita, busy kang nakikipag chismisan at hinayaan ang kapatid na hilain ang mga maleta" nag kibit balikat naman ako sabay tingin ng inosenteng mukha kay kuya Ashton.

"Alexander patigilin mo to kundi kakalimotan ko talagang kuya ako nito"

"Kumain na lamang kayo ng tahimik"

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now