#Chapter25

116 1 0
                                    

#Chapter25

Nethon's POV

"My favorite cousin is back!" masayang pag salubong saakin ni Ashton hyung, niyakap niya naman ako ng napakahigpit.

"Hyung I can't breath!" reklamo ko, binitawan niya naman ako.

"Buti at napagdesisyonan mong magpakita saamin at talagang sa kasal pa ng kapatid ko ah? alam mo paborito kita pero pang si Misha ata yung paborito mo eh!"

"Ang daldal mo padin hyung"

"Masungit ka padin"

"I'm tired let's go home" iniwan ko naman ito sa pwesto niya at pumasok sa passenger seat.

"By the way hyung, please buy the apartment next to Achelois' apartment"

"Achelois? may gusto ka padin ba sakanya?"

"Yes" deritso kong sabi sakanya.

"Aba! 5 years na ang dumaan siya padin pala? first love mo?"

"Yes she's my first love" wala akong naging girlfriend at walang ibang nagpatibok ng puso ko noong teenager ko, si Achelois lang ang nakagawa non saakin.

"Naks! wala akong balita sakanya, hirap niya kayang mahagilap, para ngang iniiwasan kami eh. Pero for sure pupunta yun sa kasal ni Misha yun ang sabi ni Belle saakin."

"Ilang minuto palang tayong magkasama hyung ang dami mo ng sinasabi"

"Syempre. binabawi ko yung five years na nawala, para ka ding si Achelois eh ang hirap mong mahagilap, sineseen mo pa ako"

"I don't have any social media accounts hyung nang makauwi ako sa Korea, lahat kinuha niya I don't even have my very own phone, patago lang akong nakikipag usap kay tito Orcus"

"Gulat nga ako nang sabihin saakin ni tito Orcus na ako daw kukuha sayo sa airport sabi niya hindi alam ng tatay mo na dito ang punta mo ang alam nito kailangan ka lang ni tito Orcus"

"Nasakal na ako don hyung kaya kailangan ko ng tulong sakanila alam mo namang takot si dad sa dalawa niyang kuya."

"Sabagay, magpahinga ka nalang pag dating sa bahay, gagawin ko naman yung request mo, ano ba gusto mong ilagay ko don"

"Lahat ng gamit na magagamit ko habang nakatira ako don hyung, especially alak and guitar"

"Okay! ipapagawa ko agad yan"

Pinikit ko naman ang mga mata ko dahil sa pagod na naramdaman ko, sino ba naman kasi ang hindi mapagod na ilang oras lang ang pag stay ko don sa France tapos byahe na naman ako pabalik dito sa Asia. Parang yung pagod ko tulad ng pagod ko nung inatake kami sa party at sa hospital.

-

Achelois' POV

Masaya naman kaming bumaba ni Nemlear sa private yatch ni Ashton.

"Achelois! ang ganda mo!" masayang bati saakin ni Belle, niyakap ko naman ito.

"Bakit may kasama kang bakit?"

"Ayan nag sisimula na naman kayo" awat ko bago pa magsalita si Nemlear.

Sa pagkakaalam ko private wedding ceremony ang mangyayari kaya pinili ng mga Kyril sa isang isla na ngayon ko lang din nalaman, maganda naman ito mas lalo itong gumanda sa naging desenyo.

"Kung hindi ikakasal yung kapatid ko hindi ulit kita makikita" napalingon naman ako sa likod ko, my ultimate crush, hanggang ngayon hindi padin ito nag babago.

"Ashton" mahina kong tawag sakanya.

"Long time no see goddess" matamis naman nitong sabi, yayakap pa sana ito saakin pero biglang natigil ang mga braso niya sa ere, tumikhim naman ito at umayos.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now