#Chapter49

101 0 0
                                    

#Chapter49

Achelois' POV

Tinanggal ko naman ang bagay na mabigat sa tiyan ko at kinuha ang ginamit kong unan, niyakap ko ito.

"Ayst hug me not the fvcking pillow" napamulat naman ako sa mata ko, nakaharap na ako kay Nethon ngayon at nasa sahig na ang unan.

"Good Morning" ngumiti naman ako sakanya nang batiin niya ako.

Isang linggo na ang nakaraan, isang linggo na din akong hindi kinukulit ni Nemlear, yun na din ang huli naming pagkikita at pag uusap.

At isang linggo na din itong labas pasok si Nethon sa apartment ko, kahit na tinataboy ko ito, ayaw niyang umalis, we always end up in the bed.

Palagi naman itong umaalis sa umaga, umuuwi lang ito tuwing gabi, may pinagkakaabalahan daw ito ngayon sa HQ nila.

Binibisita din naman ako ni Belle, tinatanong ako kung okay lang ba ako o kami ni Nemlear, kahit na nag tataka sinasagot ko naman ito.

"I'm hungry" bulong nito saakin.

"Mag luluto ako" bumangon naman ako at sinuot ang tshirt ni Nethon.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina.

"Let's go eat outside" napalingon naman ako kay Nethon.

"Nevermind, you look pretty there" masaya nitong sabi.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"I'm tired, so let's date"

"Akala ko ba pagod?" gumawa naman ako ng pancake, dahil wala akong prutas dito tulad ng nakasanayan nitong breakfast kaya pancake nalang ang gagawin ko.

"Sa trabaho oo, let's just date"

"Papagalitan ka na naman ni Alexander"

Nung nakaraan pinagalitan ito dahil sa mga desisyon nito, nalaman ko kay Belle na pinagalitan si Nethon dahil siya daw mismo nag palayas saakin tapos si Nethon din naman ang susunod saakin.

"We're safe, Six is not in the country right now, just give me this favor" kibit balikat nito.

"Yeah whatever"

-

Nag libot libot lang naman kami buong mag damag, kumain sa kung saan kami makakita ng pagkainan.

Tinanong niya ako nung una kung mag mamall ba daw kami? mag shopping ba daw ako, sinabihan ko ito na hindi ako mahilig mag shopping kaya ang ginawa namin dalawa nag roadtrip.

"There!" turo ko naman sa isang restuarant na nakita ko.

Kakain na kasi kami ngayon ng dinner.

"Okaay" nag park naman agad si Nethon, mabilis kaming bumaba dalawa, pero natigilan ako nang makita ko kung ano nasa harap ko.

"Let's go"

"Nemlear?"

Natigilan naman ang dalawa sa paghahalikan sa dilim nang tawagin ko ang pangalan nito.

Lumingon ito sa pwesto ko, lumaki ang mga mata nito.

"Achelois, L-love" lumapit naman ito saakin at hahawakan sana ako pero umatras ako.

"Let me explain"

"No"

"Love" napangiwi naman ako nang tawagin niya ako non.

May naramdaman naman akong bigat sa dibdib sa nakita ko ngayon.

Napatalon naman ako sa gulat nang prumeno ang kotse sa likod ko.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon