#Chapter59

102 0 0
                                    

#Chapter59

Ashton's POV

"Asan si Nethon?" tanong ko naman kay Ville.

Sinabihan ako ni Alexander na pupunta daw kami ngayon sa HQ para kausapin si Nethon, sinabihan kami ni Misha na andito ito nag kulong ngayon.

"Nasa 3rd Ground Floor"

Talagang nilibing niya ang sarili niya dito? ang lalim na ng 3rd GF.

"Ashton"

"Andito ka na pala Alexander"

"Where's Nethon?"

"Third GF" tumango naman ito sabay kaming sumakay sa elevator at pinindot ko ang third gf.

"I heard binisita niya si Achelois nung isang araw"

"Binisita niya?, kaya ba tulala at gusto ng umuwi si Achelois?" bumisita ako nito kanina bago dumiretso dito.

Si Misha ang nag babantay nito ngayon at naabotan ko itong tulala, nang kausapin ko gusto na niya daw umuwi sa mga magulang niya, pagod na daw siya.

"Gusto ko marinig anong pinag usapan ng dalawa, tinanong ko si JM kanina pero wala itong masagot."

Bumukas naman ang elevator, mabilis kaming dalawa lumabas at nilibot ang paningin ko.

Ito ang una kong beses nakapunta dito, ito ang panghuling groud floor, hanggang first ground floor lang ako pag andito ako kasi nandon naman lahat ng hostage.

"Send ten men to my parents and tito Ricardo to assist them while they are here" pinanuod namin si Nethon habang kausap ang isang lalaki.

"And make sure to Kristel is always in your eyes. Bantayan niyo 24/7"

"Sir, Bella's bodyguard called" lumapit naman sakanya ang isang babae, umalis naman ang lalaking kausap niya kanina.

"Nethon is taking good care of this family, I never thought he's good at this" komento ni Alexander.

Kahit ako, hindi ko aakalain na mas may silbi pa ito kaysa sa saakin. He's our face in the business pero di ko akalain he's also the hidden eyes of Kyril.

"I think you need to take over this place temporarily, Nethon needs to fix his problem."

"Find Bella right now" umiling pa ito na parang sanay na palaging nawawala sa paningin ng mga bodyguard ang mga batang Kyril.

Sabagay sanay na ito, araw araw ba naman may nakakatakas sakanila. Di ko maimagine lumaki na ang iba sakanila, mga kasing edad ni Venice at Zyros, mas lalo sigurong sasakit ang ulo ni Nethon.

"Ayokong malibing dito" masama naman akong tinignan ni Alexander pero hindi ko na ito pinansin, masyado na akong sanay sa mga tingin na yan kahit siya sanay na saakin.

Mas okay na saakin ang maingay at amoy alak na bar ko kaysa dito. Okay na din akong gumawa ng illegal don kaysa dito baka anytime malilibing ako ng buhay.

"Now call Bella's bodyguard and let him know this."

"Ah! by the way call every bodyguard of Kyril kids tell them we need to have a meeting later at night"

"yes sir" tumango nalang si Nethon, nakita ko pa ang pag hilot sa noo niya at pag gulo niya sa buhok niya.

"Nethon"

Natigilan naman ito nang tawagin ito ni Alexander at napalingon sa pwesto namin. Gulat na may pag tataka niya naman kaming tinignan.

"Bakit kayo andito?"

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon