#Chapter33

105 1 0
                                    

#Chapter33

Achelois' POV

"Okay na siya" masayang anunsyo nang asawa ni Belle na kalalabas lang sa hybrid room.

"Saan sakanila? pinsan ko o yung boyfriend ni Achelois?" masungit na sabi ni Misha.

"Yung boyfriend ni Achelois, natahi na namin yung sugat niya and for Nethon he's weak"

"Hindi pala yung boyfriend ang weak, si Nethon?" Misha.

"Yeah, pinatignan na namin si Nethon sadly he's body is full of toxic, pag hindi siya tumigil kakainom at kakasigarilyo baka ito yung ikamatay niya"

Nanghina naman ako sa naging resulta kay Nethon, matutumba na sana ako kung hindi pa ako sinalo ni Ashton.

"Are you okay?" nag aalalang tanong saakin ni Ashton, tumango lamang ako bilang sagot.

"He's been drinking and smoking everyday" mahina kong sabi, napalingon naman si Misha saakin at tinaasan ako ng kilay.

"Pinagbawalan siyang uminom at manigarilyo ni Alexander, bakit mo naman nasabi yan?"

"Because I saw it, everyday in the terrace, hindi lang isang bote ang naiinom niya, hindi isang stick lang"

"Stress si Nethon, isa din sa rason bakit nawalan ito ng malay dahil bumigay ang katawan niya, habang tinitignan ko si Nethon para itong walang tulog din. Kailangan bantayan ang pasyente"

"I have to go, ipinadala ko na si Nethon at si Nemlear sa iba't ibang private room"

"Good baka magsuntokan na naman pag nasa isang kwarto" tumawa naman ng mahina ang asawa ni Belle sa sinabi ni Misha at tuloyan ng umalis.

"Pupuntahan ko lang si Nethon at tawagan ko na din si Alexander" paalam naman ni Misha, hindi na niya hinintay ang sagot namin, umalis na ito.

Inalalayan naman ako ni Ashton maupo sa bench na malapit saamin.

"Okay ka lang?" tumabi saakin si Ashton.

"I'm fine, hindi ko alam bakit bumalik pa si Nethon dito after five years"

"Because of you, he's really inlove with you Goddess"

"Bakit?, pinaparamdam lang ngayon ni Nethon saakin na kasalanan ko ang lahat"

"Alam mo, we never thought na may mahina sa mga Kyril, napagdaan din itong klase ng hirap ng mga pinsan kong babae at ng kapatid ko, they're fine and now happy, kaya gulat kaming lahat kay Nethon. Yung akala namin walang mahina saamin pero si Nethon pala iyon. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari Achelois, he's been stress since we're kids, kaya siguro naging ganito yung pinsan ko dahil sayo niya lang naramdaman ang tunay na saya at hindi niya tanggap na ganito ka na. Siguro trauma para sakanya ang iwan mo siya." bumuntong hininga ito, hindi man ito nakatingin saakin pero randam ko ang pag aalala niya sa pinsan niya.

"Nakaya niyang lagpasan lahat bago ka niya nakilala, he's the coolest Kyril." proud nitong sabi.

"Lahat tayo dumadaan sa parte ng buhay na mahihirapan tayo pero para kay Nethon, lahat ng parte ng buhay niya mahirap yun para sakanya, he fake his laugh, smile I mean the whole him, pero nung makilala ka niya, he's the happiest guy I've ever encounter, it's the pure happiness. Kaya siguro hindi niya tanggap na sa pagbalik niya, may nag mamay ari na pala sayo."

"Please understand my cousin, mag momove on din yun, we'll help him, don't worry"

"Ashton"

"Achelois?"

Napalingon naman kami sa tumawag saamin, si Alice, Belle and Alexander.

Malamig ang tingin ni Alexander saakin kaya napayuko nalang ako.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now