#Chapter23

130 1 0
                                    

#Chapter23

Achelois' POV

"Ache!" napingiti naman ako nang tawagin ako ni Belle.

Limang taon na kaming magkakaibigan kahit katiting hindi ito nag bago kung sino yung Belle na nakilala ko 5 years ago, ganon pa din siya ngayon.

"Belle"

"Tignan mo! bagong dating lang!" pinaharap niya naman saakin ang laptop niya at nakita ko ang larawan ni Nethon.

Limang taon na din nang huli ko itong nakita. Nakakainis pa din ito dahil alam niyang babalikan ko siya sa hospital pero wala na ito tapos nabalitaan ko nalang na umalis na ito ng bansa.

Alam ko naman na aalis ito pero dapat marunong siyang magpaalam! Naging gago ulit siya nung iniwan niya akong walang pasabi.

Tumango naman ako at ngumiti kay Belle. Alam ni Belle na may naramdaman ako kay Nethon, sakanya ako tumatawag sa tuwing nalulungkot ako.

I don't know simpleng pagkagusto lang ang naramdaman ko pero sobrang sakit nung iniwan niya ako dito, iniwan niya lang ako na para bang hindi iniisip ang maramdaman ko pag umalis siya.

"Tulad ng dati hindi ito nag paparamdam saamin" balita naman saakin ni Belle.

"Belle, I'm already done with him"

"Yeah, ikaw lang ba mag isang pumunta dito?"

"Kasama ko si Nemlear, nahahanap lang siya ng mapapark"

Si Nemlear yung naging boyfriend ko, alam niya ang tungkol kay Nethon pero wala naman itong epekto sakanya o sa relasyon namin.

3 years na din kaming magkasintahan, actually Nemlear is sweet and caring, masyado din itong gentle pag dating saakin.

"Hey Belle!"

"Nemlear!" nag fist bump naman ang dalawa, magkaibigan ang dalawa, actually si Belle ang nagpakilala saakin kay Nemlear.

"Bakit si Achelois gumaganda ikaw pumapanget" komento naman ni Belle nang makaupo ko sa tabi ko Nemlear, hinalikan niya pa ako sa noo bago niya hinarap si Belle.

"Sisimulan mo na naman ako?"

"Nope! I'm just stating the fact" kibit balikat na sabi ni Belle.

"By the way, si Nethon ba yan?"

"Yep! bakit problema mo sa pinsan ko?"

"Pwede naman ako yung maging partner ni Achelois sa pag momodel ng mga damit mo"

"Malulugi ang negosyo ko pag ikaw, atsaka hindi pwedeng palitan ang lalaking modelo namin no"

"Pa special treatment naman yan"

"Of course he own some share in our company kaya, mas okay na palitan ang babaeng modelo wag lang si Nethon, pero mas gusto ko padin si Achelois na mag model sa clothing line ko"

Ever since nung unang pag momodelo ko sa clothing line ni Belle, naging permenente na akong model, may ibang naging model naman pero ako at si Nethon daw yung main model.

Hindi na naulit yung couple shoot puro nalang kami individual ni Nethon.

"So kamusta siya?"

"I don't know, hindi naman kasi yun mahilig makipag usap saamin, ever since nag hiwalay kami nuong bata pa kami wala kaming natatanggap kay Nethon na salita, yung manager o si tita yung kausap namin lage, naging ganon ulit siya nang makabalik sa Korea, alam namin ang kakaotalk niya, kinukulit nga ito ni Ashton pero wala dedma padin si gago"

"Ano nga pala ginagawa niyo dito?"

"Binibisita ka" ngumiti akong sumagot sakanya.

"Ah yeah right bago ko makalimotan may pinabibigay sainyo" tumayo naman ito at dumiretso sa counter.

Agad naman siyang lumapit saamin at binigay saamin ang puti at pulang card.

"Pinabibigay ni Misha, malapit na kasal niya, siguradohin niyong pupunta kayo ah? lalo ka na Achelois! hirap mo daw hagilapin sabi ni Ashton"

Si Belle at Alexander lang yung nakikita ko palagi sa mag pinsan sa loob ng limang taon.

Tumigil na ako sa pag tuturo at tinuon ang pansin ang pag report every month sa mga Kyril at sa pag observe sa university namin, hindi ko kasi kayang pagsabayin ang pag tuturo, pag oobserba at pag rereport, okay lang din saakin dahil naging maluwag naman ang schedule ko at nakakasama ko palagi si Nemlear.

"I will"

"Naku kung hindi ka pupunta ako mismo hihila sayo sa kasal!" umirap naman si Belle, tumawa naman ako ng mahina at tumango.

"I will"

"Alis na tayo?" tumango naman ako bilang sagot.

"Saan kayo?"

"Date!" masayang sabi naman ni Nemlear parang bata naman ito.

"Abaaaa! buti hindi ka nahiya igala ang mukhang yan Ache?"

"Ang gwapo ko kaya"

"Tara na bago pa kayo mag suntokan" pagitan ko sa dalawa, hinila ko naman si Nemlear at kumaway kay Belle bago tuloyan nilisan ang shop niya.

"Basta magsama talaga kayo para kayong mga bata" ngumiti naman si Nemlear, niyakap niya ako sa isang braso niya at hinalikan ako sa noo ko.

"I love you Achelois"

"Bakit bigla bigla?" nagtataka kong tanong.

"Wala gusto ko lang sabihin I love you" ulit niya pa tumawa naman ako ng mahina.

"I love you too" hinalikan ko ito sa labi niya at umunang pumasok sa kotse.

Sumunod naman si Nemlear at tuloyan na kaming umalis sa lugar na yun.

Pinark niya naman ito na malapit lang park na gagalaan namin.

"Gusto ko ng ice cream Nemlear" malambing kong sabi nang makababa kami at nakakita ako ng dirty ice cream.

"Why so cute Ache?" hinalikan niya ako ulit sa noo bago kami lumapit sa stall ng nag titinda ng ice cream.

"Thank you!" masaya ko itong tinanggap.

"Bakit ba ang simple simple ng girlfriend ko? maliit na bagay napapasaya mo na ito"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Syempre gusto ko, sino ba naman gusto ng girlfriend na sobrang hirap pasayahin hahahaha"

"Yung plano ko pa naman sa date natin dalhin kita sa mahal na restaurant"

"Ayoko non, ang gastos mo talaga kahit kailan, mas okay na ako na ganito lang, tipid pa tapos masaya" umupo naman kaming dalawa sa bakanteng upuan.

Naaliw akong pinapanuod ang mga batang nag lalaro.

"Hala!" mahina kong react nang matumba ang isang bata, agad ko naman tinakpan ang bibig ko, nag mistulang parang nanay ako kung maka react.

"Achelois"

"Uhm?" nilingon ko naman si Nemlear

"Bigla akong napaisip, pano kung andon si Nethon sa kasal ni Misha?"

"Oh tapos?"

"Kasi pupunta din tayo diba? pano kung magkita kayo?"

"Wala akong maintindihan"

"I mean, baka pag balik niya kukunin ka niya saakin"

"Alam mong matagal na kaming walang koneksyon ni Nethon limang taon na at isa pa mahal kita"

"Talaga?"

"Oo naman, kung magkikita man kami ni Nethon, wala na yung bilis ng tibok ng puso ko, tulad nalang ng ibang Kyril ang magiging trato ko kay Nethon"

"Pano ba kayo nagkakilala ni Nethon, all I know Nethon left you without notice"

"Sa airport kami unang nagkita, first niya dito sa Pinas tapos binangga ko pa siya noon pero wag na natin pag usapan yun. Matagal na yun"

"Let's get married Achelois"

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon