#Chapter45

88 0 0
                                    

#Chapter45

Achelois POV

"Himala!" napatingin naman ako kay Ashton na sumigaw sa gitna ng tahimik na pagkakain namin.

"Shut up"

Napangiti naman ako nang makita ko si Nethon, umupo ito sa palagi niyang inuupan at binigyan naman siya ng pagkain ng katulong.

"Good Morning Achelois" sabay ngiti nito.

"Good Morning"

"Are you two going out?" biglang singit ni Alexander.

"Yes" Nethon

"Sama ako!" Ashton

"Where are you going?" Alexander

"Sa university, we still have unfinished business" Nethon

Bigla naman silang nag usap sa ibang lenggwahe at sa tingin ko sobrang seryoso nito dahil sa mga mukha nila.

"Psst goddess sama mo ko"

"Trabaho don ang gagawin ko"

"Bakit? hindi naman ako manggugulo"

"Itanong mo kay Nethon"

"Kaya ikaw ang kinausap ko kasi ayaw niya"

-

Pagod kong binagsak ang katawan ko sa kama.

Buong araw ako lakad ng lakad sa buong university ngayon, gulat nga silang lahat bakit ngayon lang ako bumalik at lahat ng mga instructor hindi handa sa pag observe ko ngayong araw okay na din yun dahil nakita ko kung pano ba talaga sila mag turo.

Kahit ang daddy ko, nagulat siya nang makita niya ako, akala niya kinulong talaga ako ng mga Kyril pero masaya daw ito nang makita akong nakakalabas.

Nalaman ko din na hindi lang ang bahay namin ang bantay sirado ng mga tauhan ng mga Kyril pati din ang university, dumami ang security guard sa mga gate dito at ang mga gumagala na mga guard, may guard din sa main entrance ng mga building, ewan kung para saamin parin ba iyon o para na sa mga estudyante pero okay na din iyon.

Narinig ko din kay Miss Raven kanina na sobrang kaba ang naramdaman ng mga ibang department, lalo na yung mga department na hawak ni Nethon dahil nga sa pag supresa naming dalawa sa pag observe.

Hindi kami nakapag usap ni Nethon tungkol sa nangyari ngayong araw dahil sa pagod ko nakatulog ako buong byahe.

"Pwede ba akong pumasok?"

Napabangon naman ako.

"Bakit hindi? sayo tong kwarto"

"Maliligo lang ako at aalis din" pumasok naman itong si Nethon at dumiretso sa cr.

Hindi naman ito nag tagal lumabas naman siya sa closet niya, yung closet kasi at cr niya konektado kaya hindi na ako nagtataka.

Nakabihis na ito ng pantulog niya at nag papatuyo nalang ng buhok niya.

"Hindi ba nakakapagod yung dito ka naliligo at nag bibihis pero sa ibang kwarto ka natutulog?"

"Nung una nakakapagod lalo na yung hihintayin pa kitang lumabas para magamit ko yung kwarto pero nasanay na din naman ako" ngumiti ito saakin at kinuha yung blower.

Tumayo naman ako at inagaw ito sakanya.

"Ako na, umupo ka nalang" sinaksak ko naman ito at tinulak siya paupo sa kama.

"Akala ko ba pagod ka?"

"Nah, nakatulog naman ako" masaya kong sabi at in-on ko yung blower at tinapat sa buhok niya habang ginugulo ko ito gamit ang kamay ko.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now