#Chapter32

108 0 0
                                    

#Chapter32

Nethon's POV

Lumabas naman ako ng apartment ko.

Pareho kaming natigilan tatlo, hindi ko akalaing paglabas ko, siya naman pag pasok ni Achelois kasama boyfriend niya sa apartment niya.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nilagpasan. Naramdaman ko naman na nakatingin padin sila saakin, pag pasok ko sa elevator tama ang naging hinala ko dahil sinusundan nila ako sa mga tingin nila.

Araw araw binibisita ng boyfriend niya si Achelois, mag one week na ata? hindi ko alam bakit, naririnig ko lamang ito sa terrace, sinasadya ata ni Achelois na buksan ang terrace niya para marinig ko silang dalawa.

Sa terrace ako laging tumatambay dahil ayoko ng mangamoy usok ng sigarilyo ang apartment ko at ayoko ng mag kalat pa ng bote sa loob.

Sa isang linggo kong pamamalagi walang palya akong binibisita ng mga pinsan ko, minsan dala pa nila ang mga anak nila kaya iniiwasan ko talagang magkalat para sa mga pamangkin ko.

Hindi naman ako nakaramdam ng lungkot pero pagkainis sakanila sobra sobra pa.

Kahit pala andito na ako sa apartment, ginugulo padin nila ako, yes hindi na nila ako dinadala sa kung saan saan pero naiingayan naman ako dahil sa pag bisita nila araw araw saakin.

Kaya napagdesisyonan kong umalis ng apartment ko hanggang maaga pa, sa pagkakaalam ko bibisitahin ako nila Misha at Ashton ngayon, kaya hanggat wala pa sila aalis ako.

Mabilis akong pumara ng taxi, alam kong may tracker ang kotse ko even my phone! kaya lahat ng yun iniwan ko, ayoko muna ng gulo, gusto ko lang magpahinga.

-

Achelois' POV

Nag aalalang sinundan ko ng tingin si Nethon, hindi ito lumalabas ng apartment niya pero labas pasok naman ang mga pinsan niya dito.

Sinisilip ko din ito paminsan sa terrace, sa tuwing ginagawa ko iyon, napapahinga na lamang ako ng malalim.

Bakit pa kasi ito bumalik sa Pilipinas? bakit dito pa? ang laki ng mundo para piliin ng tito niya ang bansang to.

Parang naging mali ang naging desisyon nila dahil naging ganito si Nethon hindi ito maganda.

Hindi naman ako kinukulit ni Nethon simula nung bumalik siyang tumira dito pero hindi ko mapigilan mag aalala sakanya.

Isang linggo na din pabalik balik si Nemlear sa apartment ko, isang linggo na din niya akong kinukulit na araw araw kaming mag sama.

Nang mabalitaan niya na dito nakatira si Nethen, naging ganito na ito, kahit anong pigil ko, matigas padin ang ulo nito, hinahayaan ko nalang para hindi din masiraan ng bait katulad ng kapitbahay ko.

"Nag aalala ka ba sakanya?" napabalik naman ako sa sarili ko, nakababa na pala ang elevator na sakay ni Nethon.

"Huh?"

"What happen to you love?"

"Nothing, let's go inside" binuksan ko naman ang apartment ko at pumasok na kaming dalawa.

Umupo naman ako sa sofa dahil sa pagod na naramdaman ko. Tumabi naman saakin si Nemlear niyakap niya naman ako sa bewang at siniksik ang mukha sa leeg ko na siyang nagpakunot sa noo ko.

Isang oras din kaming ganon lang hanggang sa napagdesisyonan kong basagin ang katahimikan namin.

"May problema ka?"

"I just miss you"

"Ano ka ba? nag sama na tayo buong araw miss mo padin ako"

"I just miss you" napakagat naman ako sa labi ko nang maramdaman ko ang pag halik saakin ni Nemlear sa leeg ko.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now