#Chapter16

134 1 0
                                    

#Chapter16

Achelois' POV

Nagising ako kanina na nasa kwarto ko na, bumangon ako at pinag isipan ang nangyari kagabi, akala ko panaginip lang lahat ng yun.

Hindi ko naman kasi akalain na totoo ang lahat ng yun, kunukwestyon ko ang sarili ko bakit si Nethon? hindi naman sa ayaw ko kay Nethon nor gusto ko pero kasi kahit sa mga naging jowa ko hinding hindi ako mabilis bumigay sa mga bagay na yun, kaya nakakapag taka, bakit si Nethon?

Talaga bang bibigay na sana ako kagabi?buti nalang napigilan ko pa ito, sa pag kakaalala ko ako yung tumulak kay Nethon, hindi ako yung lasing pero parang nalasing na din ako sa init na binibigay saakin kagabi ni Nethon.

Napailing naman ako nang wala sa oras at sinampal ng mahina ang sarili nang mapagtanto ko ang huling naisip ko, napalunok naman ako sa laway ko at umiling ulit.

"Oh ghad Ache wake up" bulong ko sa sarili ko.

"Problema mo?"

"huh?" gulat akong humarap kay Miss Raven.

"Problema mo kako?"

"Wala, time na ba?"

"Lutang ka ata Miss Raven? hindi pa okay ka lang?"

"Oo okay lang ako wag mo nalang akong intindihin" tumango naman ito at umupo sa cubicle niya at hindi na ako muling dinisturbo.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko, mabilis ko itong kinuha at sinagot, baka pag matagalan ang pag ring malalagot ako, pinagbabawal kasi na naka off ang silent yung phone namin during class even here in our office.

"Hello?"

"Ache!" napalayo ko naman yung phone ko dahil sa pag sigaw ng tumawag saakin, tinignan ko nalang din kung sino ang tumatawag pero unregistered ito.

"Sino to?"

"Ako to si Belle, pasensya ka na kinuha ko phone number mo kay Ashton"

"Huh? hindi okay lang yun" may ngiti kong sabi as if nasa harapan ko ang iniidolo kong si Belle.

"Busy ka ba?"

"May klase ako pero isang subject lang naman tapos non wala na vacant ko na"

"Punta ka dito sa shop, andito lang ako buong mag damag"

"Sure"

-

"Mabuti naman at marami kang vacant" excited na sabi ni Belle.

Nang matapos ang klase ko agad din akong umalis at dumiretso na dito, akala ko andito yung iba pang Kyril tulad na lamang nung una kong pagpunta dito sa shop, pero si Belle lang yung andito at mga anak niya.

"Oo nga" ngumiti naman ako sakanya, tumingala naman saakin si Bella, yung babaeng anak niya.

"You are pretty po" agad naman akong lumuhud para pantayan siya.

"Thank you, you too ganda mo mana ka sa mommy mo"

"Mom! I love her for my tito Nethon" tumingala naman ito kay Belle, ngumiti naman si Belle at tumango bilang sagot.

"Tito Nethon is handsome and you too, you're beautiful po plus! tito Nethon likes you"

"Pano mo naman nasabi yan baby?" tanong ni Belle

"Can't you see in tito Nethon's eyes mom? I can see the way he looks ate Achelois"

"Ang galing mag salita ng anak mo, pano niya ba nalaman ang mga bagay na yun?"

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon