#Chapter11

161 2 0
                                    

#Chapter11

Nethon's POV

"Ano ba yan ang paa na nga lang yung gagalawin hindi pa ma timing" narinig kong reklamo ni Achelois.

"I already told you before I don't dance"

"Bakit ganon? si Park Bogum at Ahn Hyoseop magaling sumayaw actor din naman sila ah? ikaw lang ata yung hindi marunong sumayaw eh"

"I knew them and you make them as an example but not the Filipino Actors why?"

"Tsk! ewan ko sayo"

"You already have too much tickets as if it's your money"

Kanina pa kami laro ng laro, nag eenjoy itong kasama ko na parang sakanya yung perang pinagbili ng token.

"Just exchange that tickets" tamad kong sabi sakanya tumango lamang ito na parang bata at umalis sa harap ko.

Nag vibrate naman yung cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

It's Belle..

"Hello?"

--

Achelois' POV

Akala ko boring yung araw ko ngayon, kahit naman kasi gumala ako hindi ko padin mapigilan mabored lalo na't ako lang mag isang nag eenjoy.

Sabi nila masaya din yung mag enjoy ka na ikaw lang mag isa pero para saakin nakakapanis ng laway.

Nag tingin tingin lang ako ng mga damit kanina tapos nagpag desisyonan kong umakyat sa second floor, nakita ko ang likod ni Nethon di pa ako sigurado nung una kaya nang makababa kami sa escalator tinawag ko ito, lumingon naman at tinawag pa ako.

Ang sarap din asarin ni Nethon, pikonin eh! nagiging makulit ako pag siya yung makakasama ko, sarap kaya siyang tignan na napipikon na.

Binigyan naman ako ng malaking teddy ng nagbabantay sa mga prizes, hinanap ko naman si Nethon, mas malaki pa yung teddy kaysa sa akin pero mataas padin ako kay nakikita ko padin yung dinadaanan ko.

"Nethon" agaw ko sa atensyon niya, nilingon niya naman ako pero may kausap ito sa cellphone niya kaya napatikom ko naman ang bibig ko nang wala sa oras.

"Yeah I'm with her" nag titigan naman kaming dalawa ni Nethon pero iniwas niya naman ito ng ilang segundo.

"Okay see you" ibinulsa niya naman ang cellphone niya at kinuha niya yung teddy pero hindi ko binitawan.

"ye?"

"It's mine" para akong batang kukunin yung laruan niya, kumunot naman ang noo nito pero pinilit niya padin itong kinuha saakin at dahil mas malakas ito saakin, nakuha niya naman ito saakin, sumimangot naman ako na parang bata.

Alam kong ayaw na ayaw nito ang ganitong ugali at gusto ko ulit makita ang naiinis niyang mukha.

"Don't you dare cry, you're not a kid"

"Akin yan eh ako pumili niyan" malungkot kong sabi.

"I'm not childish, even though it's my money, this stuff toy is yours" tumalikod naman ito at umalis, agad ko naman itong sinundan at sinabayan sa paglalakad.

"Oh gentlemen ka pala?"

"I don't want other think I'm not"

"Just don't mind of what they think, wala naman kasi silang magagawa kung ano ka talaga"

"I'm Kyril, everyone talked about Kyril is perfect and I'm trying to be perfect."

"You don't have to convince others about who you are." kibit balikat kong sabi sakanya natigilan naman ito at nakipagtitigan saakin ng ilang segundo.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now