#Chapter12

163 2 0
                                    

#Chapter12

Nethon's POV

"Ang tagal naman ni Achelois, sundan mo na baka nakidnap na yun" bulong ni Ashton hyung saakin.

"Ang ingay mo naman hyung"

"Sundan mo na don"

"Tsk" tumayo naman ako sa kinauupoan namin lahat na sofa set, may mga taong bumibili naman kaya hindi pwedeng mag ingay si Ashton hyung.

Lumabas naman ako ng shop, agad ko namang nakita si Achelois, nakangiti ito habang may kausap sa telepono.

"You have to go inside" agaw ko sa atensyon niya, lumingon naman ito saakin.

"I have to go, maya nalang tayo mag usap bye Sky I love you" binaba naman niya yung tawag at binulsa ang cellphone.

"Who is that? your boyfriend?" nakita ko naman ang pag laki ng mga mata niya, nang makabawi agad ngumiwi naman ito na parang nangdidiri.

"Sky is gay and she's I mean he's my friend"

"Okay" tipid ko namang sabi.

"Bakit ako pinapasok?" nag kibit balikat nalang ako at pumasok na sa shop.

Bumalik ako sa kinauupoan ko kanina nang may lumapit na isang babae saamin.

"Hi pwede po ba pa picture sainyo?"

"Sure" sagot naman ni Alexander hyung, umusog naman ito at binigyan ng espasyo ang babae para makaupo.

"Excuse me pwede po ba kuhanan mo kami ng litrato?"

"ho?" Achelois na parang gulat na gulat pero kinuha niya naman ang cellphone kaya umupo na sa tabi ko ang babae.

"Okay one two three" ngumiti naman ako sa harap ng camera, pagkatapos non nag pasalamat naman yung babae at umalis na sa harap namin bumalik sa mga damit.

"Kaya ba tayo inimbitahan dito ni Belle?" Ashton

"I have to go, Alicia needs me" paalam naman ni Alice tumango na lamang ako pero itong si Ashton hyung kumaway kaway pa.

"Tito!" naagaw naman ang atensyon namin sa sigaw ng isang batang babae at lalaki.

"baby Anadyomene! and Volt!" tumayo naman si Ashton at kinarga ang batang babae.

"Anadyomene? Volt? you mean Anadyomene Bella and Volt James Kyril-Montesca? anak ni Belle?" tanong ko kay Alexander hyung, simula nung dumating ako dito hindi ko pa nakikita ang mga anak ng pinsan ko.

Nakita ko lang sila sa mga larawan nong nasa Korea ako at baby pa sila yung hindi pa makabukas ng mga mata kaya hinding hindi ko talaga makilala ang mga pamangkin ko.

"Mga pamangkin mo hindi mo kilala? buti pa yung mga hindi kadugo kilala sila Bella at Volt" singit naman ni Achelois na nakaupo sa single chair na kaharap namin.

"Don't start with me Caraquel, I don't need to explain myself"

"Nag susungit na naman siya parang tanga"

"Bakit ganyan ang pangalan ni Bella, hyung?" tanong ko naman kay Alexander hyung na ang atensyon ay nasa magazine.

"It's Goddess of beauty and love other name" singit naman ni Ashton.

"Wag mo din akong simulan hyung" pagsusungit ko din kay hyung, ayan na naman siya sa greek mythology niya nag mumukha talaga siyang nerd.

"Totoo! alam mo naman ang pangalan ni Belle ay galing sa French, the english of Belle is beauty, kaya naghanap ng ibang mapapangalan kay Anadyomene, Aphrodite and Venus is well known na kaya nag hanap ng ibang pangalan si Belle and then nakita niya ang Anadyomene which is pangalan din ni Aphrodite" mahabang pagpapaliwanag ni Ashton hyung.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon