#Chapter7

225 5 0
                                    

#Chapter7

Nethon's POV

"Ohh? may pangiti ngiti ata ito ah? baka talagang ikakasal ka niyan?"

"Bakit gising ka pa?" tanong ko kay Ashton hyung.

"Teka?" lumapit naman ito saakin at inamoy amoy ako na parang aso.

"I thought restaurant? bakit nangangamoy usok ka? smokey restaurant ba?, you smell.." mas lalo naman itong lumapit saakin, umatras na lamang ako pero humahakbang naman ito palapit saakin para lang simhotin ako.

"You smell like an isaaaaaw pero may halong sigarilyo!"

"Ano ba kailangan bang sumigaw?" sita ko kay Ashton hyung pero nilagay niya lamang sa bewang ang dalawa niyang kamay at tinitigan ako.

"San ka ba pumunta?"

"Anong kaingayan to?" napatingin naman kami sa itaas kung nasaan si Alexander hyung, bumaba naman ito nang mapansin namin siya.

Mabilis itong nakababa at tinitignan kami dalawa ni Ashton hyung.

"Nakangiti si Nethon nang pumasok siya" sumbong naman ni Ashton na parang bata.

"Kaya ba lumayas si Misha dahil ganito ka hyung?" napangiti naman si Alexander hyung sa sinabi ko.

"You're clingy" ngiwi kong sabi.

"Let's drink?" napatingin naman ako kay Alexander hyung may dala na itong isang bote ng alak.

Dumiretso kaming tatlo sa garden, may sumunod namang isang katulong dala ang tatlong baso at yelo.

Sinalinan naman ni Alexander hyung yung mga baso namin. Kinapa ko naman yung bulsa ko para kunin ang sigarilyo ko. Agad kong sinindihan at hinayaan ang sariling manigarilyo.

Natigilan naman ako ng maalala ko ang sinabi saakin ni Achelois kanina.

"Hyung may lollipop kayo?" singit ko sa pag uusap nila, nag uusap sila tungkol sa business.

"Wala, bakit ka naman nag hahanap ng lollipop?"

"May naalala lang ako." tipid kong sabi sakanya.

"Mag kwento ka kung anong nangyari sa pakikipag kita sa bride mo?"

"Walang interest na nangyari, iniwan ko lang siya don" kibit balikat kong sabi at ininom ang alak ko.

"Then why are you smiling? and amoy usok ka!"

"Pumunta ako sa night market, don ako mas na enjoy kaysa sa pakikipag kita don sa maarteng bride na yun"

"Ikaw lang mag isa pumunta ng night market? pano ka nakapunta don? buti walang nawala sayo"

"Achelois, nagkita kami sa restaurant, may ka blind date daw siya kaya andon siya"

"Now this is interesting than your fiance Nethon" lumingon sandali si Alexander hyung sa gawi ko bago binalik ang tingin sa baso niyang pinaglalaruan niya.

"Anong pinag usapan niyo?" tanong naman ni Ashton hyung.

"Stuff like, she hate me, I mean ayaw niya saakin puro daw ako english"

"Gago ka naman pala eh, bakit ka english ng english eh marunong ka naman managalog?"

"Hindi ako sanay makipag usap sa iba ng nag tatagalog, sainyo lang" tipid kong sabi sakanila.

"May blind date siya? tapos kayo mag kasama sa night market? siguro kinidnap mo siya no?"

"Ofcourse not! hindi ako kumikidnap ng babae hyung"

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now