#Chapter37

98 0 0
                                    

#Chapter37

Achelois' POV

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa mansyon nila Nethon.

Sinabihan ako ni Belle na kakausapin niya ako at dito ito pansamantalang nakatira, hindi ko alam kung lahat ba andito kasi nagkita kami ng nakaraang linggo ni Nethon sa apartment building.

Akala ko nga nakaalala na siya dahil alam may apartment siya. Nagkausap kaming dalawa kung bakit siya andon ang sabi niya naman.

Sobrang ingay daw ng mansyon dahil sa mga pamangkin niya at nalaman niya din na may apartment siya galing daw kay Venice, kaya agad itong lumipat.

Nag tanong pa ito saakin bakit may apartment siya at katabi ko pa mismo pero wala akong masagot kaya nag kibit balikat nalang ito.

Hindi ako sigurado kung nasa apartment niya padin ba ito o umalis dahil hindi ko ito nakita sa terrace niya.

Palagi kasi itong nakatambay sa terrace niya, kumakanta ng kung ano anong hindi ko naiintindihan ang lenggwahe, wala din naman akong nakitang alak at sigarilyo niya.

Siguro gusto niya lang talaga ng katahimikan kaya umalis siya sa mansyon.

Kinakausap niya din naman ako na parang wala lang, katulad ito five yeara ago kung makipag usap saakin.

Halatang nawala ang pagiging komportable nito saakin, I mean simula nung bumalik siya dito sa bansa, hindi na niya ako kinakausap sa tagalog. Yung time lang na nagising siya sa hospital pagkatapos non wala na balik ulit kami sa dati, I mean siya, balik sa dati.

Hindi man ako komportable pero pinipilit kong maging, pag nasa harap niya ako.

Mas mabuti nga itong ganito siya kaysa nung may aalala pa siya kasi pati ako nadadamay.

Pagpasok ko bumungad saakin ang ingay ng mga bata.

"Tita!"

"Hey Bella where's your mom?" masaya ko din bati kay Belle, mabilis itong lumapit saakin at nag mano, sumunod naman lumapit yung mga kapatid niya nag mano na din.

Pero nagulat nalang ako na natawa dahil sumunod ang iba, ang mga anak ni Alice at Misha, ngumiti nalang ako sakanilang lahat pagkatapos nilang mag mano saakin.

"Andiyan ka na pala"

"Belle"

"Tito Nethon! play something!" naagaw naman ang atensyon ko nang sumigaw si Bella, napatingin naman ako sa gawi nila, medyo nagulat ako nang makita ko si Nethon may nakapatong na sa kandungan niya na guitar.

"Should I?" maaliwalas nitong ngumiti sa mga bata.

Natahimik naman ang lahat, umupo ito sa sahig at nakatingala sa tito nilang nakaupo sa couch.

"Yes!" sabay sabay nila, tumawa naman si Nethon pero natigilan ito nang mapatingin sa pwesto namin.

"Okay I'll sing for you" matipid itong ngumiti.

Nag simula itong mag strum.

Stars by: Callallily

A picture of you reminds me
How the years have gone
So lonely

And why do you have to leave me
Without saying that you love me
I'm saying I love you again
Are you listening?

Napaiwas naman ako ng tingin sakanya nang mag simula itong kumanta.

Open your eyes once again
Look at me crying
If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon