#Chapter43

87 0 0
                                    

#Chapter43

3rd Person's POV

Pabagsak naman na nilagay ni Alexander ang mga sulat na natanggap niya sa loob ng isang linggo.

Napatingin naman ang mga pinsan niya sa mesa niya.

"That's six?" tanong naman ni Nethon.

Isang linggo na itong tumira ulit sa mansyon kasama si Achelois.

Kinuha naman ng mga pinsan niya ang mga sulat at sabay sabay nilang binuksan ito.

"Ew" react ni Ashton at binigay ito kay Misha, inirapan niya lamang ang nakakatandang kapatid sa inaasal nito.

"Alam ni Six na andito si Achelois"

"Pano naman ito napunta sayo? hindi ba chinicheck ni Kein lahat ng to?" Alice

"They've been following the guy who always send this pero masyadong mautak ang lalaki dahil naliligaw niya sila Kein" Belle

"No, nasa hq na ang lalaking nag papadala nito"

"Pano nangyari yun?"

"sinundan ko nung pumasok ako sa kompanya" tumigil naman sa pagpapaliwanag si Alexander at tinignan isa isa ang mga pinsan niya at kapatid.

"Do I really need to explain myself?"

"Ikaw na bahala don Nethon" tumango na lamang si Nethon sa pinag uutos ng nakakatandang pinsan niya.

"Umalis na kayo" umupo naman ito sa swivel chair niya at tinuon ng pansin ang mga papel sa mesa niya.

Nagkatitigan naman ang mag pipinsan at sabay silang lumabas sa opisina ni Alexander.

"Let's go to the HQ" Misha

"Di naman ata tayo kailangan don, si Nethon lang" Ashton na tamad tamad.

May kanya kanyang ginagawa ang mag pipinsan nang tawagan sila ni Alexander, pinapapunta sila sa opisina niya, hindi naman nag dalawang isip ang mga ito at pinuntahan nga si Alexander.

"Nakikipag laro ako kay Achelois tapos tumawag yang si Alexander the great" bulong na reklamo ni Nethon na siyang naging rason ng pag tingin ni Nethon sakanya at sinamaan ng tingin.

Sa loob ng isang linggo, nagkalapit ang dalawa na siyang kinagagalit ni Nethon. Dahil imbis na sakanya sumasama si Achelois nakay Ashton ito, nakikipag laro o umaalis silang dalawa at walang alam si Nethon kung saan sila pumupunta.

"Baka hindi yung lalaki ang mapapatay ni Nethon kundi ikaw" Belle na nakapansin sa tingin ni Nethon.

"Napag usapan na kaya namin yan ni Nethon diba? okay lang naman" masaya pa nitong nilingon.

"Stop it hermano, baka pati ako makakapatay ng kapatid" masungit na sabi ni Misha.

Tuwing gabi naman kung saan may lugar si Nethon makipag usap kay Achelois dahil tuwing gabi wala si Ashton, nasa bar niya ito tuwing gabi. Pero si Achelois nakikipag usap sa boyfriend niya.

Ipinagbawal ni Alexander ang bisita at pag alis ni Achelois sa mansyon pwera nalang kung may kasama si Achelois na isang Kyril.

Kaya nagtitiis ang magkasintahan na mag usap sa telepono buong mag damag at wala ng alam si Nethon kung ano man ang pinag uusapan ng dalawa at bakit nagtatagal ang usapan nila hanggang sa makatulog si Achelois.

"Let's go to the hq" naunang naglakad si Nethon at iniwan ang mga pinsan.

"Akala ko pag natapos kaming mag usap, akala ko pati nararamdaman niya kay Achelois ay nalimotan na niya" Alice na nakasunod ang tingin kay Nethon.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now