#Chapter64

114 0 0
                                    

#Chapter64

Ashton's POV

"Pirmahan mo na Kristel" sabi ni Tito.

Matapos sinugod ang dalawang babae sa hospital, nabalitaan ito ng mga magulang ni Nethon.

Muntik ng makunan si Achelois, kung hindi lang mahigpit ang kapit ng bata sa nanay paniguradong makukunan si Achelois, the baby is really want to live.

Daplis lang naman ang natamo ni Achelois pero hindi ito mababaw.

Nang ilabas si Achelois sa operation room hindi na lumalayo si Nethon, kahit pa sabihan namin mag pahinga muna ito pero hindi niya ito ginagawa. Takot na itong mawala sa paningin niya si Achelois.

Nang ma track naman kung saan dinala si Achelois, tinawagan namin si Nethon, sinabi namin na sabay na kaming pumunta pero dahil isa siyang Kyril at matigas ang ulo kaya yun naabotan namin na parang karne na si Six at sinasakal na ni Nethon ang asawa ar nag wawala na si Achelois.

Binisita ni tito at tita si Achelois pero pinalayas lang ito ni Nethon, ayaw niyang makita ang mga magulang niya, kahit ang nanay nito na umiiyak.

Ngayon andito kami sa kwarto ni Kristel, sinamahan namin ni JM ang mga magulang ni Nethon. Si JM kasi ang nag aayos ng divorce paper ni Nethon at ni Kristel, may pirma na ito ni Nethon at kulang nalang ay ang kang Kristel. Bago ito ipadala sa Korea para mawalan ng bisa ang kasal nila. Naka rehistro kasi ang kasal nila doon sa Korea.

"Ayoko" nag mamatigas na sabi ni Kristel, napangiwi naman ako sa kaartehan niya. She's just a spoiled brat, sarap itapon sa Pacific Ocean.

"Mahal ko ang anak niyo dad."

"Muntik ka ng mamatay sa kamay ni Nethon mahal mo padin ba ito?"

"Why? I rather die in the hands of Nethon than dying without Nethon" napangiwi ulit ako sa sinabi niya.

"Ayaw mo sa babaeng yun right dad? why are you like this?" bigla naman itong umiyak.

Kinuha naman ni tito ang papeles at binigay kay JM. Sinabihan niya kaming umalis.

Tinignan ko ng hindi makapaniwala ang asawa ni Nethon.

Sana pala hindi ko nalang ito niligtas, ang spoiled naman pala nito at ito namang tatay ni Nethon binababy si Kristel.

Sarap manakal, kung babae lang ako nag sakalan na kaming dalawa ng buhok. Hindi ko alam paano ito na titimpi ni Alice, si Alice kasi naatasan mag bantay dito.

Napag desisyonan namin na kami kami nalang mag bantay dito kaysa sa ibigay namin sa mga tauhan at baka layasan kami nito. At si Alice ang nag babantay nito habang ako? ganon padin sa ikalaliman ng lupa nag tatrabaho at hinahanap ang mga tumatakas na mga batang Kyril.

Kinausap ko na si Venice at Zyros nung una syempre tama ang hula ko kasi para sakanila ako ang the best tito sakanila, nag usap lang naman kaming hahayaan ko silang mahuli umuwi pero hindi masyado at gumala basta hayaan nila ang mga guards nila nag babantay sakanila sa malayo.

Si Misha naman ang nag babantay kay Nethon, nag aalaga dito habang inaalagaan ni Nethon si Achelois.

Sinamahan ko lang naman si JM sa pakikipag usap kay Kristel dahil ayaw ni Belle kahit na siya lang ang libre saamin mag pinsan, baka daw masakal niya daw ito.

"Hindi pa talaga nag tanda gusto pang masakal ni Nethon, choke me daddy ah!" feel na feel ko pa ang pag ungol ko. Tinawanan naman ako ni JM.

"diba tagalog ng choke sakal?"

"Hindi ko sinabing hindi"

"Daddy ba tawag niya kay Nethon?" inosente kong tanong.

"Aray!" nilingon ko naman ang bumatok saakin.

"Puro ka kagagohan" umirap naman si Belle at nilagpasan ako.

"Bakit!? totoo naman ah! kaya ayaw niyang pirmahan ang divorce paper dahil gusto mag pasakal ulit. Choke me ugh!" napatingin naman saakin ang mga pasyenteng nadadaanan namin at ang isang nurse.

Ngumiti naman ako dito sakanya, kinilig naman ito, iba talaga kagwapohan ko, kaya ayokong mag pakasal dahil maraming iiyak.

"Ano ba! tumigil ka nga sa kaka choke me daddy mo! baka masakal kita wala sa oras!"

"Aalis na kami Belle, ako na bahala sa pinsan mo" inakbayan naman ako ni JM at hinala paalis sa pinto ng kwarto ni Achelois.

Papasok pa sana ako doon pero parang ayaw nila.

"Shat!" masaya kong sabi kay JM.

"Para mabugbog ako ng asawa ko?"

"Oo gusto ko makitang mabugbog ka eh"

"Ang gago mo, ang tanda tanda mo na pero para kang bata mag isip"

"May bata bang nag aaya ng shat? at alam ang salitang choke me daddy?" inosente kong nilingon si JM.

"Di ko alam bakit natitiis ko ang kabaliwan mo"

"Ako lang naman kaibigan mo tsk"

"Bakit hindi ka nalang bumalik sa HQ?"

"Tangina patatrabahoin niyo talaga ako sa ikalaliman ng lupa no? hindi naman ako si Satanas! ayoko. Nag usap na kami ng mga bata kaya okay na hindi na sila tatakas." proud kong sabi sakanya.

"Buti anak ko hindi tumatakas"

"Malamang gusto palaging andiyan sa paligid si Kein"

"Feeling ko nga gusto nito si Kein. Ayaw maniwala saakin si Misha, binubogbog lang ako nito pag sinasabi ko yun"

"Teka! baka gusto nga niya" ngumisi naman ako sa naisip ko, natigilan naman si JM.

"Wag mong sabihin potang ina Ashton"

"Bakit? baka choke me daddy"

"Potang ina mo! anak ko pinag uusapan natin dito!"

Tumakbo naman ako na tumatawa, syempre joke ko lang yun, ayaw ko din na ganon ang pamangkin ko tang ina mahal ko yun! mabugbog ko si Kein talaga!

"Tangina bumalik ka dito!" nag habolan naman kami hanggang sa makalabas kaming dalawa sa hospital.

"Misha" natigilan naman ako nang humarang sa dinadaanan ko si Misha.

"Potang ina mo!... W-wife" natigilan naman sa tabi ko si Misha.

"Kailan pa naging playground sa mga matatanda ang hospital?"

"Ngayon lang hehehe" masaya kong sabi.

Sabay kaming napangiwi ni JM nang piningot niya ang mga tenga namin at hinila kami papasok ulit sa hospital.

"Aray naman wife!"

"Hindi na kayo nahiya, may nanunuod sainyo tapos kung mag takbohan kayo para kayong mga bata!"

Hinila niya kami pabalik sa kwarto ni Achelois.

"Oh bakit bumalik ang mga yan?" binitawan lang kami ni Misha ng makapasok kami sa kwarto ni Achelois.

Hawak namin ang tenga namin habang napapangiwi.

"Ayan nakita ko sa labas nag tatakbohan parang mga bata"

"Tsk.. isip bata naman talaga si Ashton, narinig ko nga kanina sinabi niyang..." mabilis akong umupo sa tabi ni Belle at tinakpan ang bibig nito.

"Wag mo ng sabihin ayoko ng mapingot baka matanggal na talaga tenga ko" bulong ko naman dito.

"Gising ka na pala" JM, napalingon naman ako kay Achelois, nakaupo na ito at nakatulala ito habang nakatingin sa bintana.

"Asan si Nethon?"

"Umalis na, pinaalis ni Achelois, ayaw niya daw makita si Nethon" bulong ni Belle saakin.

"Ano? kanina lang umalis si Nethon?" Misha.

"I don't know, pag pasok ko dito wala na ito"

Biglang pumasok si Alice na nakakunot ang noo.

"Asan si Kristel?"

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon