#Chapter15

142 2 0
                                    

#Chapter15

Nethon's POV

Maaga akong nagising, nakaligo na ako bago ako lumabas ng kwarto, busy nalang akong nagpapatuyo ng buhok ko ngayon.

"Nethon!?"

"Gising ka na? Good Morning" bati ko naman sakanya, pinasadahan niya naman ng tingin ang katawan ko bago bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Anong itsura yan? teka! bakit ka andito?" napangiti naman ako sa naging reaksyon ni Achelois.

"Teka totoo yun?! hindi panaginip?"

"Hindi ako makatulog sa sofa, tatabi na sana ako sayo kaso may nakita akong guest room" mahabang sabi ko, kumurap kurap pa ito na parang hindi naniniwala sa pangyayari.

Totoo hindi ako makatulog, gusto ko ng tawagin sila hyung pero wala akong magawa kasi wala akong number. Nilibot ko ang buong apartment ni Achelois at nakita ko yung guestroom kaya doon na ako natulog.

"Nagtatagalog ka na talaga?!" tinuro niya pa ako.

"Bakit ganyan itsura mo!"

"Akala ko matutuyo na yung underwear ko kagabi ko nilabhan pero medyo basa pa siya."

"Ano ba nagugulohan ako teka"

"You're noisy again Caraquel"

"Ayan! ikaw nga! si Nethon nga! Andito nga sa bahay ko! akala ko panaginip ko lang yung nangyari kagabi! teka baka panaginip din itong nakikita ko ngayon"

Lumapit naman ako sa kanya, nasa kusina lang kasi ito parang nag hahanda ng makakain niya.

"Ah! masakit nga!" hinawakan ko naman ang pulso niya at hinarap saakin, mabilis ko itong kinulong sa pagitan ng kitchen counter niya at ako, tinitigan niya naman ako.

"Ganon mo nalang ba ako ka di gusto at gusto mong panaginip lang lahat ng to? alam mo? nakakasakit ka ng damdamin"

"A-ano ba, parang hindi ikaw to Nethon"

"It's me, I'm Nethon, the one who confess his feelings towards you while drunk"

"Proud ka pa non?"

"Why? wala din naman yung silbi uuwi din naman ako ng Korea at hindi na babalik dito bakit ko naman ikakahiya?"

"Ibalik mo yung kilala kong Nethon, nakakailang" mahina niya naman sinabi yung panghuli pero dahil malapit lang kami sa isa't isa narinig ko padin ito.

"I like you Achelois" I kiss her peck in her lips.

"I'll just dry my underwear and I'll go home" ngumiti ako sakanya nang matapos ko itong ibulong.

"Good Morning again Goddess" tinalikuran ko naman siya at bumalik sa kwartong ginamit ko kagabi.

Mabilis naman akong nagbihis, yes nilabhan ko yung underwear ko pero hindi totoong basa pa ito, nirason ko lamang yun para manatili sandali pero parang ayaw ata ng dyosa eh.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin  bago ako lumabas sa kwarto pero sa pag bukas ko ng pinto bumungad saakin Si Achelois na kakatok sana.

"Bakit? may problema ba?"

"Kumain ka muna bago umalis" binigyan niya naman ako ng kape, patago naman akong napangiti.

"Wala ka bang klase?"

"Meron pero mamaya pa" tumango naman ako at ininom yung kapeng binigay niya.

Kahit hindi ako umiinom nito, ininom ko na lamang para kay Achelois.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now