#Chapter70

184 0 0
                                    

#Chapter70

Nethon's POV

What really happen to me in five years?

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, nakita ko si Ashton hyung sabi niya nasa mansyon daw kami ng lola ko.

At doon pumasok ang tatay ko, may dalang wheel chair, di ko aakalain na sa pag gising ko aalis na din ako sa Pilipinas.

Wala akong magawa, I only taste the little freedom and then boom! balik ulit sa pagiging rebot ng tatay ko.

Gulat ako nang makita ko si Kristel sa airport, sabi ni daddy sasabay ito saamin. Sumama ang pakiramdam ko kay dad. Akala ko tapos na ang usapang hindi ako ikakasal.

Pero sa pag balik ko sa Korea, nakahanda na ang lahat, ikakasal na ako, ako at si Kristel nalang ang kulang don.

Hindi ako makahingi ng tulong kahit kanino, kasi mabilis ang pangyayari. Kinasal kami ni Kristel, walang nakakaalam kundi ang mga magulang namin, walang pinalabas sa media, dahil malalagot si dad pag nalaman ito ng mga kapatid niya.

Hindi ako pumalag, sumunod ako para hindi masira ang relasyon namin dalawa ni dad, ang pinamana saaking bahay naging bahay namin ni Kristel.

Hindi ako pumayag, nag apartment ako, kahit hindi ako sanay na walang mag hahanda saakin ng pagkain araw araw at ang mga damit ko. Natutunan ko lang ito doon.

Hinahayaan din naman ako ni Kristel pero sinasabihan niya ako pag bibisita sila mommy at daddy o di kaya ang mga magulang niya.

Nag retiro ako bilang isang artista, pinasok ako ni tito Ricardo sa kompanyang hawak niya. May nagagawa naman ako paminsan pero palaging wala din. Nakatambay lang ako sa opisina ni tito.

Kinakausap niya ako, sakanya ko unang sinabi ang tungkol kay Achelois. Masaya ito palagi pag pinag uusapan namin si Achelois, kahit ako masaya ako pag si Achelois ang pinag usapan namin.

Wala akong pinag sabihan kahit sino na kasal na ako. Gusto kong tignan padin nila ako na isang binata pa dahil yun naman ang gusto ko at nararamdaman ko.

Nag tagal ng limang taon, ganon lang palagi, hindi ko natiis, humingi na ako ng tulong kay tito Ricardo, sinabi kong gusto kong umalis ng bansa dahil nasasakal na ako sa pinapagawa saakin ni Dad.

Sinabi niya saakin kay tito Orcus daw ako humingi ng tulong, ginawa ko naman, hindi mahirap tumakas lalo na't gamit ko ang pangalan ng mga tito kong kinatatakotan ni dad.

Hindi ko akalain sa pag balik ko sa bansa, excited ako non makita si Achelois pero sobrang sakit para saakin malaman na may boyfriend na ito.

Ayaw kong bumigay pero parang ganon ang gustong gawin ng puso ko, nag pakalunod ako sa bisyo. Hanggang isang araw wala na akong naalala.

Gulat ang lahat sa naging kondisyon ko pero para saakin wala lang ito at gusto ko lang bumalik ulit alaala ko.

Bumalik naman ang aalala ko nung bumalik ako sa apartment na katabi kay Achelois. Hindi nag tagal saakin ang pagkalimot sa alaala.

Wala akong sinabihan na nakaalala na ako para madali lang gumalaw sa mga gusto kong gawin.

Sinabihan ako ni Belle na nakita niya si Nemlear na may kahalikan ibang babae at kadate at walang alam si Achelois doon kaya ginawa ko ang lahat para mapasaakin ulit si Achelois.

Nagawa ko yun. Pero hindi ko naman aakalain na masasaktan ito ng sobra nang siya mismo ang nakakita kung paano ito pagtaksilan ni Nemlear.

Masakit sa dibdib nakikita siyang umiiyak sa bisig ni Belle, walang gana makipag usap. Lumayo ako, napag desisyonan kong tumigil sa kahibangang ito may asawa ako kahit labag sa loob ko yun may asawa padin ako, sa batas at sa mga mata ng mga magulang namin ni Kristel.

Nag kulong ako sa HQ, ginawa ko nalang ang trabahong bantayan ang mga batang Kyril, nung una masakit sa ulo pero kalaunan nasanay nalang ako at iniisip ang kaligtasan ng mga pamangkin ko.

Dumating si Achelois nung araw na yun, akala ko makikipag usap ito saakin tungkol sa itigil na namin ang kahibangang yun dahil mahal niya boyfriend niya.

Handa na ako pero hindi ko padin matigilan umiyak, sinabi ko lahat ng nararamdaman ko nung araw na yun kay Achelois.

Akala ko aalis na siya pag pasok ko sa cr pero sinundan niya ako dala dala ang malaking balitang buntis ito.

Masaya ako, sa wakas nabuntis ko din ito, sa wakas saakin din ang bagsak nito. Hindi ko inisip ang mga taong iniwan ko sa Korea, mas mahalaga saakin si Achelois kaysa sa ibang tao.

Gulat ako nung mag pakita ang asawa ko sa mga pinsan ko at kay Achelois, gusto kong yakapin si Achelois, gusto ko itong ilayo sa lahat.

Tinanggap ko ang sampal at suntok nito saakin, pinalayas man ako pero matapos akong nadisgrasya bumalik ako sa mansyon, nanatili ako don, nag tago, tiniis ko ang sakit sa katawan ko.

Nakatulog ako, sinilip ko si Achelois pero hindi ko na ito nakita, pumasok ako sa walk in closet wala na ang mga damit nito, dali dali akong lumabas pero ang naabotan ko si dad kausap ang mga pinsan ko.

Ipinaglaban ko ang pag mamahal ko kay Achelois, hindi ako sumuko, kahit na pagod, sakit, galit at stress halo halo na nararamdaman ko non, gusto ko nalang taposin ito.

Masakit nung natakot saakin at pinalayas ako ni Achelois, nag wala ako sa mga magulang ko, sa harap ng mga pinsan ko.

Pag mulat ko sa mga mata ko, wala na akong nararamdam, wala na akong gana pang mabuhay, kahit pinaharap nila ako sa espesyalista at paulit ulit kong narinig sakanila ang salitang

Tulongan mo ang sarili mo Nethon

Hindi ko ginawa, wala na akong gana sa buhay ko, iniisip ko nalang si Achelois pero hindi ko mapigilan mag wala sa tuwing naalala ko ang huling pagkita ko kay Achelois at ng mga magulang ko.

Sa mga ganon paraan lang bumabalik ang mga nararamdaman kong nawala nung magising ako.

Nalaman kong nanganak na si Achelois, unti unti akong nabuhayan, hindi sumuko ang mga pinsan ko saakin, lalo na si Misha, kinakausap naman ako ni Belle tungkol kay Achelois nagkagana akong makinig sakanya.

Pero nung malaman kong nanganak na ito, gusto kong makita ang anak ko, gusto kong makita si Achelois, gusto kong makasama ang mag ina ko.

Umalis si Misha, gusto kong sumama sakanya kaya nag wala ako,  gusto kong sumama sakanya, puntahan si Achelois, puntahan ang mag ina ko pero hindi niya ako sinamama.

I didn't know that my weakness is my first love.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now