#Chapter39

99 0 0
                                    

#Chapter39

Achelois' POV

Nag hiwalay kami ng landas ni Nethon, andon siya sa  technology department, ako naman ay nasa law department.

Siya mismo ang nag desisyon na mag hiwalay kami ng landas dahil sobrang dami ng department, pumayag na din ako, siya din mismo nag hati ng mga department.

Ang department na oobserbahan ko ngayon ay ang law, science, business management at sports.

Habang si Nethon ay ang technology, arts, education, agriculture at senior highschool lahat ng strand.

Nag reklamo pa ako pero parang seryoso ngayon si Nethon, hindi niya pinansin ang pag rereklamo.

Mabuti nalang at nasanay na ang mga staff and teachers dito sa observing ko every month, kaya monthly silang gumagawa ng report pero hindi ito sapat dahil kailangan ko din obserbahan ang mga estudyante at kung gaano ito kalinis sa mga rooms.

Kaya buong araw akong lakad ng lakad sa buong university, nagtatagpo naman ang landas namin ni Nethon.

"Are you okay?"

"Nakakapagod pero sanay na ikaw?"

"I'm not, I'm just fine, are not hungry?"

"Hindi eh ikaw ba? tara kumain na muna tayo" tumango naman ito.

"sanay ka ba sa ganitong trabaho?"

"You remember I told you before, I'm not into business thing?, I just want experience"

"Nakakapagod diba?"

"Actually I'm enjoying it, I never thought scolding is fun, now I understand hyung why he always scold his employees" kibit balikat nitong sabi.

"Ah! let's go to night market after this?" excited kong sabi sakanya nang makaupo kami.

Nakita ko naman ang excite sa mga mata niya nang sabihin ko yun.

"Really? are you sure? you want to be with me? how about your boyfriend?"

Si Nemlear, hindi ko siya naisip nang ayain ko si Nethon, nailang naman ako pero tumawa lang nang mahina si Nethon.

"Your boyfriend will get you here?"

"I don't know"

"Then tell him, he don't need to do that"

-

Pagkatapos namin kumain, bumalik naman kami sa pag tatrabaho nang maalala ko ang sinabi saakin ni Nethon.

Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Nemlear.

"Love why?"

"susundoin mo ba ako?"

"Ofcourse why?"

"Please wag muna."

"Bakit?"

"May pupuntahan kasi ako"

"Then ihahatid na kita kung saan ka pupunta"

"No okay lang Nemlear, hindi ko alam anong oras ako matatapos dito. Ang sigurado lang ako pagkatapos ko dito, didiretso na ako sa pupuntahan ko"

"San ka pupunta?"

"Kay kuya"

"Ah ganon ba? okay ingat ka"

Takot ito kay kuya, kasi itong kuya ko hindi tanggap si Nemlear bilang boyfriend kahit si mommy, kaya walang magawa si Nemlear pag pamilya ko na pinag uusapan.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now