#Chapter34

108 0 0
                                    

#Chapter34

Nethon's POV

Dahil wala naman daw akong galos o kung ano man, kinabukasan non pwede na akong lumabas.

Hindi na bumalik si Achelois nung inutosan ko si Voltaire, kahit sa paglabas ko hindi na ito nag pakita ulit saakin. Tinanong ko naman si Ashton hyung pero wala itong masagot saakin.

Ngayon napag desisyonan ni Alexander hyung na umalis daw muna kami, kasama ang lahat, yung mga pamangkin ko at ang mga asawa ng mga pinsan ko.

"Problema mo?" naagaw naman ang atensyon ko nang sumulpot si Ashton hyung dito sa pool area.

"I don't understand everything hyung"

"Gusto mo ba bumalik alaala?"

"Yes ofcourse"

"I'm sure pag bumalik mag sisisi. Ikaw mismo ang gustong makalimot non tapos ngayon nakalimotan mo na gusto mo ulit maalala"

"I don't know bakit gusto kong makalimotan yun hyung, gusto ko malaman ang rason bakit gusto kong kalimotan yun"

"Ang gulo mo, ano naman gagawin mo pag naalala mo na?"

"move on"

"Aba! ang bilis mong makasabi ng move on ah?"

"tsk"

Kahapon lang ako nakauwi dito sa mansyon, tapos si Misha kagabi kasama yung pamilya niya, nagulat ako nang makita ko yung lalaking nakasama namin sa iisang floor nung pagkatapos nang party.

"Hyung yun na ba ang pamilya ni Misha? ang laki na ng anak niya parang si Anadyomene lang nung huli kong kita."

"Ah yeah right hindi mo pa pala nakita yung mga anak nila Alice at Belle"

"Kailan ba sila pupunta dito?"

Nag simula ng umingay kagabi ang mansyon dahil sa dalawang anak ni Misha, nakipag laro naman ako sakanila, kahit na ayaw ko, even Alexander hyung!

Nakarinig naman kami ng tilian sa loob, kaya nag titigan kami ni Ashton hyung at mabilis na pumasok.

"Belle!" bati naman ni Misha, hindi ito tulad ng iba na mag yakapan pag nagkita, tamang tangoan lang ang ginawa nila.

"Sino yung tumili?"

"I'm sorry tito na excite lang akong nakita si Jackson" tumayo naman si Venice na karga si Jackson.

Ito ang panganay sa lahat ng mag pipinsan.

"Ana!" napatingin naman kami nang sabay sabay nang may sumigaw na lalaki.

"Zyros!" biglang sigaw ni Anadyomene. Ang haba talaga ng pangalan niya, hindi naman ako sanay tawagin itong Bella baka pati nanay nito lumingon.

"Alice you're here"

"Yeah" tipid na sagot ni Alice kay Belle.

Nag simula ng umigaw ang buong sala dahil sa mga bata, patago naman akong umiling, pati din si Ashton hyung nakisali na sa mga bata nakipaglaro.

Tumango nalang ako sa mga asawa ng pinsan ko bilang isang bati pero si Voltaire lang ang lumapit saakin habang si JM at Zyryl naman nag usap ito.

Nasa opisina pa si Alexander hyung ngayon, may tinatapos lang siya. Maaga naman daw itong uuwi, ang mga katulong naman ang nag asikaso sa lahat ng kakainin namin at sa mga gamit ng bagong dating.

"Are feeling good right now?"

"Nakakailang ang walang alaala" kibit balikat kong sagot kay Voltaire inakbayan naman ako nito at bumalik kami sa pool area.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now