#Chapter14

132 2 0
                                    

#Chapter14

Achelois' POV

Inis naman akong napabangon sa kama ko.

"Tangina ang lalim na ng gabi nang bubulabog, kung ayaw niyong matulog mag patulog kayo" mahabang lintaya ko

Kinuha ko naman yung phone ko na kanina pa ring ng ring, gustohin ko mang hindi sagotin pero kanina pa ito ring ng ring.

Kumunot naman ang noo ko.

"Hello! nanggago ka na naman?" masungit kong sabi

"Sorry po sa disturbo pero kaibigan ka po ba ng may ari ng cellphone nato?"

"Hindi ako kaibigan niyan"

"Ano po kasi ikaw yung last niyang tinawagan, andito po siya sa *** bar at lasing na lasing na po"

"Okay pupunta ako" binaba ko naman yung tawag at bumangon na.

Bakit naman kasi ako ang huling tinawagan ni Nethon? at isa pa! hindi ba siya kilala nung tumawag? hello! Kyril yun! pwede niya naman tawagan yung mga Kyril para dampotin ang Nethon na yun.

Nag taxi lamang ako papunta sa sinabing bar, hindi naman mahirap hanapin si Nethon kasi nasa counter lang ito.

"Pasensya na po sa disturbo"

"Hindi mo ba kilala to? pwede mo naman tawagan ang mga Kyril"

"Ikaw po kasi yung tinatawag niya at ikaw yung nasa history ng call niya." tumango na lamang ako, bumalik naman ito sa tinatrabaho niya.

"Nethon gising eh uuwi kita sa inyo" first time tong mangyari sa buhay ko kaya wala akong alam sa gagawin ko.

"uhm" ungol naman ni Nethon, bumukas naman ang mga mata nito at ngumiti.

"Oh si Achelois" tinuro niya pa ako pero hindi ko na ito pinansin.

"asan ba bahay mo?"

"Bahay ko? asan? may bahay ako?"

"Nagtatagalog ka na pero wala kang kwenta kausap" tamad kong sabi.

"I don't have my own house"

"Tsk tumayo ka na nga lang!" inalalayan ko naman ito nilagay ko ang braso nito sa balikat ko.

Tiniis ko ang bigat niya at lumabas na kami sa bar.

"San ba bahay mo?"

"I don't know!"

pumara naman ako ng taxi at sinakay siya sa backseat.

"Sandali lang manong ah?" sabi ko naman sa driver, kinuha ko yung phone niya.

Kumunot naman ang noo ko nang makita kong walang ibang laman ang contact list kundi ako lang! walang Ashton, wala kahit sinong pinsan niya.

"Sa *** nalang po manong" inayos ko naman ang pag upo ni Nethon pero sumandal lamang ito saakin at niyakap ako sa braso.

"Ano to? maypag ka clingy ka pala?" tanong ko sakanya pero ungol lamang ang sinagot nito saakin.

-

"Hoy gumising ka, andito na tayo sa bahay ko" tinapik tapik ko naman ang pisnge niya, minulat niya naman ang mga mata niya at unti unting binuksan.

Agad naman akong nag bayad sa driver at pumasok na kami sa apartment ko, may malay na si Nethon kaya hindi na ako nahirapan pang kargahin siya.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon