#Chapter38

98 0 0
                                    

#Chapter38

Achelois' POV

Chineck ko ulit lahat ng dadalhin ko at inalala muna lahat bago ako umalis.

Pupunta ako ngayon sa university para mag observe, buong linggo ko itong gawin.

Nakakapagod ito gawin every month pero wala akong magawa dahil yun ang nakalagay sa kontrata namin sa mga Kyril, hindi lang ang university at ang income ang oobserbahan ko, pati mga estudyante at ang mga professor.

And I observe teachers inside the classroom, hindi ko na ito ginagawa dahil nakakapagod itong gawin since mag isa lang ako.

Nag usap kami ni Belle kagabi tungkol sa pag pull out ni Alexander sa shares ng Kyril pero hindi ito natuloy dahil pinilit ni Belle at Nethon na wag ng gawin.

Gulat nga ako ng malaman kong pati si Nethon involve, I know he is the reason bakit may koneksyon na ang pamilya ko at pamilya niya. Sinabi iyon kagabi ni Alexander saakin, masungit padin ito saakin habang sinasabi niya lahat.

Kaya ngayon hinahanda ko ang sarili ko para sa pag punta ko sa university at gawin ang nakaatas saaking trabaho.

"Good Morning love" napangiti naman ako ng marinig ko ang boses ni Nemlear.

Siya ang mag hahatid saakin ngayon sa university, sinabi ko naman sakanya na kaya ko may kotse naman ako pero pinipilit niya kaya wala na din akong magawa.

Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin kaya humarap ako sakanya.

"Good Morning" I kiss his lips and he immediately kiss me back, bago pa lumalim ito, pinutol ko na ito at tinitigan ko ito.

"You're beautiful I love you"

"I love you too"

"Are you ready? let's go" tumango nalang ako bilang sagot, siya naman ang kumuha sa gamit na dadalhin ko at sabay kaming lumabas sa apartment ko.

Sa paglabas namin ay siyang paglabas ni Nethon, ang masayang mukha ni Nemlear napalitan ng di maipintang mukha.

Nang malaman ni Nemlear na andito na ulit si Nethon nakatira, mas naging bantay sirado ako dito, paminsan nga mas gusto niyang eh uwi ako sa bahay niya kaysa dito sa sarili kong apartment.

Paminsan din ayaw niyang umuwi at gustong matulog sa apartment ko, pero wala itong magawa dahil ako yung nag pupumilit sakanyang umuwi siya o uuwi ako.

Ayoko din naman ng gulo ulit sa pagitan nilang dalawa at parang ganon din si Nethon dahil hindi niya ako pinapansin sa tuwing andiyan si Nemlear, na para bang isang hangin lang ako sakanya.

Nilagpasan niya naman kami at naunang sumakay ng elevator. Mabuti nalang at dalawa ang elevator namin kaya sumunod naman kami at si Nemlear ang nag pindot sa Elevator.

"I still didn't get it bakit siya bumalik dito, hula ko talaga nakakaalala na ito pero hindi niya sinasabi sa lahat para hindi siya mapigilan sa gusto niyang gawin"

Hindi ko na lamang ito pinapansin, sa tuwing nagkikita ang dalawa, ganon palagi niyang sinasabi, kibit balikat lang palagi ang sagot ko, ayaw kong depensahan si Nethon sa harap niya which is gusto ko, alam kong galit lang si Nemlear pero wag niya naman sanang akusahan si Nethon ng ganon, nag hihirap na nga yung taong makaalala. Pero mas pinili ko na lamang tumahimik baka kung ano pa ang isipin nito.

Nethon is curious about what happen to him sa loob ng five years niyang nasa Korea siya, kahit daw ang mag pinsan ay curious din daw sa nangyari sakanya.

Sabi kasi ni Belle na sobrang magaling mag lihim ang tatay ni Nethon, kaya kung anong nababalitaan nila sa news yun lang din ang nalalaman ng mga investigator na pinadala nila sa Korea para malaman ang tunay na kalagayan nito.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon