#Chapter67

104 1 0
                                    

#Chapter67

Ashton's POV

Tumayo naman ako at palakad lakad habang kinakagat ko ang mga kuko ko.

Hindi ako mapakali, ayaw kumalma ng kalamnan ko, kahit kulang pa ako sa tulog hindi ko ito ininda, mas lumalamang ang kaba ko kaysa sa antok.

"Tumigil ka nga kakalakad mo!" sita saakin ni Belle, tumawa naman si Voltaire.

"Parang tatay ah?" birong sabi ni JM.

Siya lang ang andito kaysa sa asawa nito. Wala si Misha, hindi sa iniiwasan niya si Achelois pero may ibang pinagkaabalahan ito kaya sa mag pipinsan si Misha lang ang wala.

"Shh! hindi ako maka concentrate!" sita ko sakanya.

"Hoy hindi ikaw ang tatay pinagsasabi mo diyan!?"

"Ah! may pangalan na ako sa baby!" masaya kong hinarap sila.

"Ikaw ba ang tatay para mag pangalan sakanya?" Alice

"Hindi pero maganda naman ang meaning kaya hindi magagalit saakin si Nethon, the best tito talaga ako" pag mamayabang ko sakanila. Napangiwi naman si Alexander sa sinabi ko.

Hindi kasi ito the best tito kay bitter.

"Sino nag sabi?"

"Sabi ni Venice at Zyros!" taas noo kong sabi sakanila, totoo naman, sinabihan naman talaga ako ni Venice at Zyros na the best daw ako.

"Ah! na brainwash mo anak ko?" Alice

"Sinunod mo ang mga gusto ni Venice no kaya nasabi niya yan?" Belle.

"Congratulations, it's a girl" napalingon naman ako sa pinto ng delivery room at nakita ko ang doctor ni Achelois.

"And she's healthy, sino ba ang tatay?"

"Wala po ang tatay pero ang mag papangalan yang kaharap mo po" Voltaire.

"Ano? hahayaan niyo si Ashton?" Belle

"Hayaan mo na wife, madali lang naman palitan ang pangalan ng baby pag hindi nagustohan ni Nethon"

"Ano bang ipapangalan mo sakanya Ashton?" JM

"uhmm Aries Aurora!" excited kong sabi.

"Ano?" JM

"Hindi mo yun kilala, Aries is the goddess of chaotic and Aurora is the name of princess Aurora in Sleeping Beauty"

"Aries? god of chaotic?" Alexander

"Yes, nakipag jugjugan si Nethon sa kabila ng chaos na nangyayari sa buhay niya, at kumapit naman si baby kahit na may chaos sa outside world!"

"Ang bibig mo Ashton" umirap naman si Belle

"Totoo naman ah! ang ganda kaya ng pangalan niya!"

"Andiyan na ang baby!" sigaw ni Belle, mabilis kaming lumapit sa nursery room.

"ang cute"

"See! ang ganda! bagay sakanya ang pangalan niya"

"Tumigil ka na, hindi ka naman namin pinipigilan pangalanan ang baby ah!"

"Ang ingay niyo" reklamo ni Alice saamin ni Belle.

Sa tuwing nag sasama kami ni Belle talagang nag babangayan kami.

"Sino po mag fifill up ng form?"

"Ako!" sabay taas sa kamay ko.

"Aries Aurora Caraquel-Kyril"

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now