CHAPTER 02: Katotohanan Sa Labas Ng Mansion

525 23 0
                                    

Sa huling paghakbang ko bago ang arko papasok sa village ay tanaw ko na ang napakaraming tao. Pero nabigla ako sa biglang pagsuot sa'kin nung lalaking kasama ko ng hoodie na kanina lang ay nasa likuran ko.

"Mas mabuti po kung isusuot niyo ito. Hindi maganda kung may makakakilala sa inyo at sapilitan kayong pabalikin sa mansion, hindi po ba?" seryoso niyang sabi at napansin ko na sinuot niya rin ang kanya.

"Hm" tanging lumabas na tinig sa akin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at sa pagpasok ko sumalubong sa'kin ang mga batang nagtatakbuhan.

Sa pagsunod ko sa kanila ng tingin, dinala nito ako sa tanawin kung saan nagkakaroon ng kalakaran. Ibat-isang uri ng paso, mga halamang gamot at kung ano-ano pa ang nakalapag sa mga bangketa nila.

Naglakad ako papalapit sa tindahan ng mga halamang gamot na pumukaw ng attention ko. Kaagad akong dumampot ng piraso at tinignan itong mabuti "Hindi ko alam na totoo pala ang mga halamang gamot" mahina kong sabi.

"Ang lahat ng mga halamang gamot na'to ay dahil sa mga Pledger" ang sabi ng batang nagbabantay sa mga tinda.

"P-Pledger?" tanong ko at tumango ang batang babae.

"Ang mga taong nanumpa na poprotektahan ang Midgard"

"Midgard?" tanong ko pa ulit dahilan para mapakamot na siya sa ulo "Hindi ka po ba nag-aral?"

"H-Huh?..!"

Nagulat ako sa kamay na tumakip sa bibig ng bata "Ano ka bang bata ka. Ano ang bilin ko sa'yo?"

"Gumalang po sa matatanda" sagot ng batang babae na lalong nagpapikon sa'kin.

"Excuse me po, hindi po ako ganun katanda--" aalisin ko na sana 'yung hood ko nang pigilan ito ng kamay ng lalaking nasa tabi ko.

Tinignan ko 'to sa mga mata niya pero umiling siya, "Tsk. Oo na!" at binitawan ko na 'yung halaman at tumalikod na.

Sa paglalakad ko, unti-unti kong napapansin ang ingay ng paligid. Malakas ang mga boses na naririnig ko pero.... bakas dito ang saya at tuwa ng mga tao.

"Miss Arisa, hindi po kayo maaaring magtagal sa labas ng mansion"

Tumigil ako sa paglalakad at kaagad siyang nilingon "Sakop din ba ang mansion sa Midgard na pinoprotektahan ng mga Pledger?"

"Miss Arisa, ang Midgard na tinutukoy ng bata ay ang mundo na kinatatayuan na'tin"

"Hmm, mundo na kinatatayuan natin?" at tumango siya "Kung ganuon, may iba pa bang mundo ang nabubuhay?" napansin ko ang pagkabigla niya.

Dahil hindi siya sumagot, nagpatuloy ako sa paglalakad ko but this time sa daan kung saan kami nanggaling "Isa ka ba sa mga Pledger?" tanong ko pa pero hindi ko na nakikita ang expression ng mukha niya dahil patuloy lang siya sa paglalakad ilang layo mula sa'kin.

"Si Eleanor, isa rin ba siyang Pledger?" dugtong ko pa at napahinto ako pero wala parin akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"Hindi ka naman pipi para hindi makapagsalita, o kabilang ba 'to sa mga sinumpaan mo? Sinumpaan mo bilang isang Pledger o sinumpaan mo sa harap ni Eleanor?"

Dahil sa inis dahil sa hindi niya pag-imik, mabilis kong hinatak ang espada niya na nasa naksabit sa waist niya at itinapat ko ang tusok nito sa leeg ko na ikinabigla niya.

"Kapalit ba ng mawawala kong buhay ang buhay mo kaya mo pinasok 'to?"

Yumuko siya dahilan para hindi ko mabasa kung anong expression ng mukha mayroon siya ngayon "Patawad po, Miss Arisa"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now