CHAPTER 19: BACK TO SALALICIA

167 7 0
                                    

Sa muling pagdilat ng mata ko, naramdaman ko ang napakainit na kamay ni Eleanor kaya kaagad ko 'tong hinawakan ng mahigpit, kasabay ng patulo ng luha ko.

"A-Arisa?..." boses niya nang mapagtanto niyang gising na ako.

Umupo ako at kaagad ko siyang niyakap at hindi ko na mapigilan ang luha ko. "May masakit pa ba sa'yo?"

"Wala... hindi lang ako makapaniwala na nandito ka"

Kumalas ako sa pagkakayakap at pinunasan ko ang luha ko kasabay ng paglitaw ng napakalaking ngiti ko. "Salamat"

"Walang rason para hindi ako mag-stay sa tabi mo"

Tumango ako. Hindi kinalaunan dumating narin sila Scarlet kasama sila Elvira, Savannah pati si Adler at Alceaus. Duon ko nalaman na ilang araw na akong walang malay.

At dumating ang araw kung saan kailangan na naming bumalik sa Salalicia.

"Pagbalik ko sa Capital, gagawin kitang official escort ko" sabi ni Scarlet.

Tumango ako "Maghihintay ako"

At lumitaw ang napakalaking ngiti sa labi niya. "Mag-istay na po ba kayo sa Capital sa pagbalik niyo?" tanong ko kay Ms. Everson at tumango siya.

"Nanduon ang totoong yaman ng Everson. Iiwan man namin ang Mansion na 'to, pero hindi namin ito pababayaan"

"Ganun po ba"

"Kayo na po ang bahala sa nagdadalagang bunso ng Everson" dugtong ni Alceaus at ginulo niya ang buhok ni Scarlet na hinawi niya naman kaagad.

"Para ka talagang baliw Alceaus! Totoo bang kadugo kita?..!" at nilingon niya ako "Oy Arisa, mag-ingat ka sa baliw na 'to ah?"

"Yes Yes, Ms. Scarlet"

Dumapo ang tingin ko kay Savannah na nasa likuran ni Scarlet. Ngumiti ako "Magkita nalang tayo sa Salalicia"

Katulad ng napakalaking ngiti na mayroon si Scarlet, ganun rin ang nakita kong ngiti kay Savannah sa pagtango niya.

At dito na nga nagsimula ang mahaba-habang paglalakbay namin. Halos inabot ng apat na araw ang pagpapahinga ko pero ngayon ilang araw ang inabot ng paglalakbay namin, sa ngayon, wala ng masakit sa'kin.. maliban sa isang bagay...

"Arisa, ako na ang bahalang magreport kay Ms. Eden. Elvira, Alceaus gusto ko rin na sumama ka sa'kin. Adler, maaari mo bang ihatid si Arisa sa dormitory niya?" pakiusap ni Eleanor at tumango si Elvira at Alceaus.

"Wala namang problema, Ms. Eleanor" sagot naman ni Adler.

"Salamat" at tumingin siya sa'kin "Magpahinga ka na muna" at nagsimula na po silang maglakad palayo.

"Lumilipas ang panahon nagbabago ang aura mo, but I didn't mean the Magic that you possessed" sabi ni Adler out of nowhere kaya nilingon ko siya.

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"May nangyari ba sa Zaviri habang wala kami?"

"Bukod sa may tumusok na napakatalim na espada sa katawan ko at bukod sa nakasira ako ng worth more than a thousand lives eh wala namang nangyari"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at nagsimulang mangiti "Haha, iba ka talaga. Nakakapagtaka pa nga kung bakit nakukuha mo pang ngumiti matapos ang lahat ng nangyari"

"Para namang may choice ako, hindi ba?"

"You do have choices, Arisa" sa paglingon ko, may mga pilyo siyang mga ngiti "Well nasa iyo nalang 'yon kung paano mo sila marerecognise as a choice"

The Incomplete RemainingKde žijí příběhy. Začni objevovat