CHAPTER 40: THE INCOMPLETE CORE

124 5 0
                                    

ARISA'S POV

"Arisa"

"Arisa" boses ng isang lalaki ang nagpamulat ng mga mata ko.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko, sa pagdilat ko mukha ni Eleanor ang nakita ko habang sa likod niya, nanduon si Alceaus kasama sila Savannah.

A-anong nangyari? ...

"Arisa, hindi pa tapos ang laban" sabi ni Eleanor at duon ko na realised,

Ah, dumating nga pala si Medusa....

Nilingon ko si Alceaus at dumapo ang mga tingin ko isa-isa sa mga mukha nila. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko at napikit ako, ang daming nagtitiwala sa'kin, ngayon pa ba ako susuko? 

ALCEAUS POV

"Nagtitiwala ka sa kanya hindi ba?" tanong ni Ms. Eden na nagpabigla sa'kin.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko. Ngumiti sila sakin, sapat na sagot para sa tanong sa isipan ko na naghihintay ng kasagutan.

Mula sa bintana, tinanaw ko ang napakadilim na kalangitan at tumingin ako sa orasan.

Sa pagtake ko ng unang hakbang napatigil agad ako ng magsalita si Scarlet, "S-Saan ka pupunta?"

Ngumiti ako, "Sa main gate. In 39 minutes, babalik na si Arisa" iniwan ko silang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napansin ko naman ang ngiti sa labi ni Ms. Eden bago ako tuluyang lumabas ng room. Sa pagtapak ko sa labas ng building, nasa likuran ko ang ilang Pledger na seryosong nakatingala sa napakadilim na kalangitang pinalilibutan ng mga bituwin.

Arisa...


MEDUSA'S POV

Sa pagbagsak ng katawan ni Freyja, lumapit ako kay Euryale na hinang-hina dahil sa nakabaon na Spear sa katawan niya.

Itinaas ko ang ulo niya. "Ito ang nangyayari sa mga katulad mong gustong kumalaban sa'kin"

Sa pagtulo ng dugo sa bibig niya siyang paglitaw ng ngiti sa labi ko. "Fine, since kapatid kita I'll give you a last chance"

Nabigla ako nang idura niya sa'kin ang dugo na nasa bibig niya. "M-mas mabuti pang patayin mo nalang ako"

Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong Core, "Ayaw mo bang makita ang pagsakop ko sa tatlong mundo?"

Ngumiti siya, "Tapusin mo nalang ang buhay ko"

Binitawan ko ang ulo niya at tinignan siya sa mga mata niya na hanggang ngayon ay puno parin ng tapang.

"It's my pleasure, my dear sister"  handa ko na sanang hawakan ang mukha niya para gawin siyang bato nang may isang boses ng babae ang nagsalita mula sa likuran ko na ikinabigla namin.

"Trabaho ko 'yon, Medusa. H'wag mo akong agawan" sa isang pikit ng mata ko wala na ako sa harapan ni Euryale kung hindi nasa harapan ako ni Freyja habang nasa likuran niya naman si Euryale na hanggang ngayon ay hindi parin makagalaw sa Spear ni Freyja.

Pero, A-anong nangyari?

Tinignan ko ang kamay ko, wala sa mga kamay ko ang Core.

Nilingon ko ang dapat na butas na dibdib ni Freyja,  p-paanong nangyaring nasa dibdib niya ulit ang Core? P-paano niya nagawang makaligtas?!

Napansin ko ang posisyon ng kamay ko, i-ito 'yung position ng kamay ko bago ko atakihin sa likod si Freyja.

B-binalik niya ang oras b-bago ko siya mapatay? P-pero p-paano?

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon