CHAPTER 21: SEAL

143 7 0
                                    

Nagsimulang maglakad papalapit si Stheno kay Ms. Eden.

"Visiting without any notice, ganyan mo nalang ba kamahal ang Salalicia at napapadalas ata ang pagdalaw mo" seryosong sabi ni Ms. Eden at inilapag niya sa isang malapit na table ang glass ng wine na hawak niya.

Ngumiti si Stheno, "Since under kayo ngayon ng Obviatus, matatalino naman kayo para isipin na wala kayong laban sa'kin"

Napansin ko ang paglapit ni Eleanor sa isang armored statue at kinuha nito ang metal na espada.

"Oh~ hindi ko akalain na ganyan ka na pala katanga?" natatawang sabi ni Stheno at may lumitaw na espada sa kamay niya.

"Inaamin ko matalino ka para gamitin ang Obviatus sa pagkaka-alam na wala kang laban kung may Mahika kami" lumingon siya sa likod niya kung saan makikita ang mga takot na takot na mga Pledger. "Mga Echelons, kung nangangatog ang mga binti niyo, umatras kayo"

Ang kaninang ngiti sa mukha ni Stheno ay nawala, at napuno ito ng galit, ang mabigat na pressure ay mas lalong bumigat dahilan para mapuno ng takot ang karamihan, lahat ng mga Pledger ay napaatras. Naglaho si Stheno at lumitaw siya kaagad sa harap ni Eleanor. Gamit ang espadang hawak niya ay nablock ni Eleanor ang espada ni Stheno ng walang kahirap hirap. "Ito lang ba ang kaya mo sa isang mortal na katulad ko?" at tinulak ni Eleanor ang espada ni Stheno.

Lumitaw ang mga kaliskis sa ibat-ibang parte ng katawan ni Stheno kasabay ng pagbabago ng buhok nito.

"Hindi mo kayang talunin ang isang mortal kung hindi mo gagamitan ng totoong Mahika ng mga Gorgons?" at naghanda si Eleanor.

"Mukhang hindi lang ang Mahika ang malakas kay Eleanor" mahinang sabi ni Adler.

Nabigla ang lahat nang tumalon si Elvira papunta sa harap ni Eleanor "Eleanor..! Wala kang laban sa isang Gorgon kung wala kang Mahika"

"Ooh~ may isang Sylph pala talagang nakaligtas"

"Ang Obviatus ay para sa mga Mortal na gumagamit ng Orb, umiepekto 'to para i-seal ang kahit na anong Mahika sa katawan ng isang Mortal. Kaya walang epekto ang Obviatus sa mga katulad kong natural ng may Mahika sa katawan. Mukhang kailangan mo pa ng research, Gorgon"

"Sylph, bakit nagtitiwala ang katulad mo sa mga mortal na naging dahilan ng pagkamatay ng mga Vanir?"

"Bakit nga kaya? Fairies Art, Wind Slicer!" at may halos nasa limang matatalim na hangin ang umataki kay Stheno.

Pinangblock ni Stheno ang espada niya pero natulak parin siya nito dahilan para tumama siya sa pader. Sa lakas ng impact, nasira ang pader.

"Hahaha! Pinapaligaya mo ako, Sylph!" at naglaho si Stheno.

"Fairies Art, Fiery's Wind!" pag-ataki ng mas maninipis pang hangin at bumagal ang pag-usad nito nang salubungin ito ni Stheno, hinawi niya ang espada niya, at sa lakas ng pressure sa paghawi niya, nalinis ang paligid niya.

Physical Strength din ang possessed ng mga Gorgons. Hindi siya ang dapat na katapat ni Elvira. At mas lalong hindi ko papayagan na lumaban si Eleanor kung si Stheno ang kalaban.

Kinuha ko ang espada na nasa armored statue na malapit lapit, "Elvira!" nakuha ko ang attention niya, well expect na hindi lang ang attention niya.

"Enchantment!" sigaw ko at kaagad akong tumakbo pasugod kay Stheno. Pansin ko ang pagkabigla ng karamihan, lalong lalo na si Eleanor at si Stheno pati narin si Elvira at sila Adler at Alceaus. "P-Pero umiepekto lang ang Enchantment sa mga Vanir! Hindi ito iepekto sa mga mortal!" nararantang sigaw ni Elvira pero seryoso ko lang siyang tinitigan sapat na sagot sa mga tanong na nasa isipan niya ngayon.

"E-Enchantment! Celerity!"  sigaw ni Elvira, sa isang pikit, nasa harapan na ako ni Stheno.

"Enchantment! Strength!" sa pagtama ng espada ko sa espada niya siyang pagkawasak lalo ng tinatapakan niya. Napaluhod siya habang pilit na binablock ang espada ko.

Ang lakas ng dipensa niya.

"A-anong ibig sabihin nito? B-bakit nakakagamit si Arisa ng Enchanting ng mga Sylph?..!" pagpapasimula ng bulungan sa paligid.

"Enchantment, Release!" binuhos ko lahat ng pwersa ko pahawi pababa dahilan para mas lalo pa siyang lumubog at nawasak ang espadang hawak niya dahilan para masugatan ko siya sa dibdib niya.

Halos hindi na marecognised ang paligid dahil sa napakalaking sira na nagawa namin. Ang buong paligid ay puno ng katahimikan at ang mga mata ng lahat ay nakatingin sa'kin.

"Hahahah! Ikaw si--" putol niyang sabi nang sumugod ulit ako sa kanya, nablock niya ulit ang espada ko gamit ang muling nabuong espada niya kaya naman ay tumalon ako paatras.

"Arisa! Itigil mo na 'to!" sigaw ni Eleanor.

Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya, pati ang takot. "Sorry" mahinang sabi ko kasabay ng pagsugod ko kay Stheno.

Sunod-sunod ang paghawi ko ng espada habang ganun din siya. Ang bawat pagtama ng espada namin ay nagbibigay ng napakalakas na impact dahilan para masira ang mga pader sa nasa paligid namin.

Sa muling pagtama ng mga espada namin, napansin ko ang ngiti niya "H'wag na h'wag mo akong bibigyan ng chance, Arisa"

Dahil duon mas binilisan ko pa ang pag-atake ko sa kanyan. Napapaatras ko siya, handa na sanang tumama ang espada ko sa dibdib niya ng biglang hindi ko nagalaw ang katawan ko, "Paralyzing Venom" sa muling pagtingin ko sa kanya papasalubong na sa'kin ang edge ng espada niya.

Nabigla ako sa espadang naghawi ng espada palayo sa'kin at kaagad umikot si Eleanor para may pwersang sipain si Stheno palayo at tumilampon siya.

"Hindi ko kayang tanggapin, Eleanor" seryosong sabi ko kay Eleanor at ibinaba ko ang kamay ko na may hawak ng espada.

Nagrelease ako ng Mahika nang maramdaman kong natapos na ang effectiveness ng Enchantment ni Elvira.

Nilingon ko si Eleanor "Hindi ko kayang tanggapin kaya please, selfish na kung selfish pero ayaw kong mawala ka sa tabi ko, Eleanor"

"Agni"

Sa pagtawag ko sa kanya sa inner ko, siyang paglitaw ng spear sa kamay ko. Sa unang paghakbang ko, bakas na bakas ang bigat ng pressure mula dito dahil sa pagkasira ng tinapakan ko.

"N-Nakakagamit siya ng Mahika kahit under siya ng Obviatus? A-ang ibig bang sabihin nito ay natural naring may mahika si Arisa?" pagbubulungan sa paligid.

"Kailan mo pa alam?..." tanong ni Eleanor na nasa likuran ko. Bakas sa mga mata niya na gusto niyang maluha.

"Nalaman ko pagkatapos ng Mission ko sa Zaviri"

"Dahil ba 'to sa Mahikang dumaloy sa'yo na nagmula kay Elvira?"

Tumango ako, "Ganun ba. Sorry Arisa, pero... " nagulat ako sa isang kakaibang magic circle na lumitaw sa paanan ko. Sa paglitaw ng parang barrier ay naglaho ang Spear ko, hindi ko rin magamit ang Mahika ko.

"Seal"  sa pagsabi niyang 'yon, duon ko naramdaman ang napakainit sa dibdib ko.

Hindi lang simpleng Orb ang ibinigay nila sa'kin? May sealer itong halo... so from the start palang, expected niya ng mangyayari 'to?

Nilingon ko si Ms. Eden pero umiwas siya ng tingin.

A-anong ibig sabihin nito?....


To be Continue...

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now