CHAPTER 16: MISSION (PART 5)

167 9 0
                                    

SAVANNAH'S POV

"Third Gate, Twin Arrow"  at napaatras si Stheno pero nasundan siya ng dalawang arrow na nagmula sa kanang likuran ko. Sa pagtalon niya, siyang pagsapo niya ng dalawang arrow, "Hindi ako titigilan nito, unless mawasak 'to hindi ba?" tanong ni Stheno na parang nag-eenjoy pa.

"Explosion" at biglang sumabog ang dalawang arrow bago pa 'to masira mismo ni Stheno.

Napatalon siya at nagtamo ng ilang sugat. "Hahaha! Sayang at hindi ako namatay" natatawang sabi ni Stheno habang pinupunasan niya ang dugo sa labi niya.

"Masyado ka na bang bored para bumaba dito sa Midgard, Stheno" lumitaw mula sa kanan ko ang isang babae, at ang babaeng 'to ay walang iba kung hindi si Eleanor Ricafrente. Hindi ako maaaring magkamali sa Mahika na nararamdaman ko kahit na nakamask siya.

"Oh, my little hunter is here" sagot ni Stheno.

"Paralyzing Venom" sa simpleng salita, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Naglaho rin ang Staff ko.

"H'wag kang mag-alala, hahayaan kitang mabuhay. Just dont interfere with us" sabi ni Stheno at mas lalong lumakas ang Mahika niya.

May lumitaw na mga kaliskis ng ahas sa balat niya. Naging matalim din ang mga tingin niya. At may isang espada na lumitaw sa kamay niya.

Handa narin si Eleanor, pero bago pa magsimula ang lahat. May isang presensya pa akong naramdaman mula sa likod ko, "Masyado kang nag-eenjoy mag-isa, Stheno" sabi ng boses ng babae sa likod ko.

"Euryale.." mahinang tawag ni Eleanor at bigla ko nalang narinig ang pagsigaw niya. Nang tignan ko siya, sira na ang mask niya at may hiwa siya sa dibdib niya.

"Pay attention, pay attention" at unti-unting lumapit sa kanya si Stheno.

"Hmmm, ang mukhang 'to, nagkita na ba tayo before?"

"Ang pangalan niya is... Eleanor Ricafrente, right?" tanong ni Euryale.

Napansin ko ang kakaibang pagngiti ni Stheno. "Hahaha! Mukhang nabigyan ka ng pangalawang pagkakataon. Pero kung ako sa'yo, mas pinili ko nalang na mamatay nung araw na 'yon.... kaysa maramdaman sa pangalawang pagkakataon ang katulad na sakit na naramdaman mo nung mga oras na 'yon"

Naglaho ang espada ni Stheno, "Tara na Euryale"

"Hm, siguro ka? Hindi mo ba tatapusin ang nasimulan mo?"

"Darating ang tamang panahon na mamamatay ang mga taong dapat mamatay sa mga kamay ko. Hmm, I think mali ang pagkakasabi ko, darating ang panahon na mamamatay ang mga taong dapat namatay na sa mga kamay ko. This will not the end, h'wag mong takbuhan ang kamatayan na pilit mong tinatakbuhan..."at naglaho siya kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

Kasunod ding naglaho si Euryale kaya kaagad kong nilapitan si Eleanor.

"O-okay ka lang ba, Ms. Eleanor?!"

May malulungkot siyang ngiti at tumango "A-Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Pinakiusapan ka sa'kin ni Arisa. H'wag kang mag-alala sa kapatid mo, dahil handang gawin ang lahat ni Arisa, maprotektahan lang ang taong napakahalaga sa'yo" and with that hindi ko napigilan ang pagluha ng mata ko.

Naprotektahan ko rin ang mga ala-alang gusto kong iparamdam kay Scarlet. Salamat Arisa..

STHENO'S POV

"Masyado ka na atang nagiging gala, Stheno" bungad sa'kin ni Medusa pagkadating na pagkadating ko sa Hellheim.

"Magiging lumpo ako kung wala akong gagawin dito ko kung hindi ang kumain at matulog nalang, hindi ba?"

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon