CHAPTER 08: AGNI

209 11 0
                                    

"Masaya akong mamatay ng pinoprotektahan ka. M-Masaya ako na nadugtungan ko ang buhay mo. P-pakiusap, h'wag mo akong kakalimutan k-kahit na w-wala na ako sa tabi mo" hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya at siya na inabot ang mukha ko para haplusin ito.

"Hindi! Walang dapat kalimutan dahil mananatili ka sa tabi ko. Mabubuhay ka, Eleanor. Mabubuhay ka" hindi ko mapigilan ang mga luha ko na patuloy sa pagpatak, pero patuloy din si Eleanor sa pagpunas nito.

"Sorry, sana mapatawad mo ako ... dahil iiwanan kita.." isang ngiti ang ipinakita niya sa'kin kasabay ng pagbagsak ng kamay niya. "Nauubos na ang lakas ko... pero kailangan kitang protektahan. T-Tandaan mo, mabuhay ka dahil sa pangarap mo... hindi para sa paghihiganti"

Hindi ko na napigilan ang luha ko "Kahit na anong mangyari, ipaghihiganti kita" patuloy sa pagpatak ang luha ko sa mukha niya "Ipaghihiganti kita kay Stheno! Ako ang papatay sa kanya! Ipaghihiganti kita, Eleanor!... Pinapangako kong ipaghihiganti kita..."

Kaagad akong tumakbo papunta kay Eleanor, kahit nakamask siya.. hindi ako pwedeng magkamali sa boses at presensya niya. Pero bago pa man ako makapagtake ng step ay may isang kamay ang pumigil sa'kin, "Saan mo balak pumunta?!" Adler...

"Kailangan kong puntahan si Eleanor! Kailangan ko siyang pigilan!"

"Anong laban mo sa mga Gorgons?!"

"Alam kong wala pero kailangan ko siyang iligtas. Pag nagpatuloy 'to.... mamamatay si Eleanor!"

"A-anong sinasabi mo?..." tanong ni Adler.

"Nakita ko. Nakita ko na si Stheno ang papatay kay Eleanor! Kaya please, hayaan mo na ako"

"Hmmm?" nakuha ko ang attention ni Stheno. At lumitaw si Euryale sa likuran niya "One of the ability of a Vanir...."

Tumango si Stheno "To foresee the future"

Nabigla ako sa sinabi nila. Hindi lang ako kung hindi ang lahat ng tao sa paligid.

"Hindi nga tayo nagkakamali" at nagsimulang maglakad papalapit sa'kin si Stheno. "Pero wala siyang mata ng isang Vanir"

"A half blood?" tanong ni Euryale.

"Sa tingin ko hindi. Dahil kahit isang half blood, hindi mawawala sa mga mata niya ang malabulaklak nitong mga mata"

Napansin ko ang isang napakalaking ngiti mula kay Stheno at tumalikod siya sa'min at hinarap si Eleanor "Tignan natin kung isa siyang Vanir. Kapag napatay ko ang nagngangalang Eleanor na nasa harapan ko, ibig sabihin lang ay totoong nakikita niya ang hinaharap" at lumitaw ang isang napakatalim na espada sa kamay niya.

Napansin ko ang pagkabahala ni Eleanor. Pero kahit na ganuon, may lumitaw paring bow sa kamay niya.

"Eleanor... Hmmm, Eleanor?" pagtataka ni Euryale.

"May problema ba, Euryale?" tanong ni Stheno.

"Hindi ko alam pero parang narinig ko na ang pangalang Eleanor"

"Hahah! H'wag mo ngang ihalintulad ang sarili mo sa isang Vanir" at sa pangalawang pagkakataon, hinarap niya si Eleanor.

"Buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kukuhanin ko sa kanila. Wala akong pakialam kung madumihan ang kamay ko, hindi kailanman dapat mabuhay sa mundo na 'to ang mga katulad nila" at dahil sa isang part pa na 'yon na nakita ko, may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko.

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now