CHAPTER 35: DECLARATION

112 5 0
                                    

EURYALE'S POV

Nang maramdaman ko ang presensya niya ibinaba ko ang glass na hawak ko.

"Magandang balita lang ang tinatanggap ko. Kung wala kang magandang balita, bumalik ka na sa Midgard"

"Napatay ko na si Arisa kasama ng Core niya"

Kinuha ko ulit ang glass na nasa table sa tabi ko. "Sigurado ka?"

At hinarap ko siya, "Kung napatay mo na si Arisa, ano 'tong nararamdaman kong napakalakas na Mahika ng isang Vanir?"

Napansin ko ang pagkabigla niya matapos niyang marealise ang sinasabi ko.

"Gumagawa ka ng action habang nakatalikod ako?" boses ni Medusa at lumitaw siya sa likutan ko kaya naman tumayo ako.

"Anong ginagawa ng isang mortal sa Hellheim at nasaan ang katawan ni Freyja?" dugtong niya pa.

"Pinakawalan ko si Freyja para makuha niya ang Core niya" may tapang ko paring sagot.

"Anong binabalak mo? Alam mo ang plano ko pero kinakalaban mo ako?"

"Wala ka na bang pride as a Gorgon, Medusa?" at nilingon niya ako ng napakatalim kaya nagpatuloy ako "Kaya mo bang mabuhay sa mundo bitbit ang puso ng isang Vanir?"

Nilingon ni Medusa si Adler, "Patay o buhay ibalik mo sakin ang katawan ni Freyja. Hindi buhay niya ang kailangan ko kung hindi ang Core niya"

"Medusa, hindi mo ba talaga ako naiintindihan?"

"Bakit ko kailangang intindihin ang isang taong kinakalaban mismo ang sarili niyang kapatid? Tandaan mo Euryale, hindi sa pride nabubuhay ang isang tao kung hindi sa kapangyarihan" at naglaho siya.

Umupo ako at napainom ng wala sa oras, "Anong balak mo, Euryale?" tanong ni Adler.

"Wasakin mo ang Midgard. Para ang lumabas, aksidenteng natamaan ang Core ni Freyja"

"A-anong ibig mong sabihin, Euryale?"

"Gawin mo ang katulad ng ginawa niya kay Stheno. Wala kang ititira sa katawan niya miski isang hibla ng buhok"

"Masusunod" at naglaho siya.

Hindi ko hahayaan na mapasakamay mo ang natitirang napakalakas na Mahika sa mundo.

ADLER'S POV

Matapos kong makarating sa edge ng Hellheim, "Ahool" at lumitaw ang bow sa kamay ko kasabay ng isang arrow.

Simulan natin sa isang simpleng atake, susubukan ko kung talagang si Arisa nga ang nagmamay-ari ng napakalakas na Mahika na 'to.

"First Gate, Lightning Arrow" sa pagbitaw ko ng arrow siyang mabilis na paglipad nito pababa.

Ang distansya na mayroon ang Hellheim at Midgard, mayroon ka lang 30 seconds para mapigilan ito.

ALCEAUS POV

Lahat kami napatayo matapos naming maramdaman ang isang Mahika na papalapit ngayon sa amin.

"A-Adler?..." mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Walang dudang Mahika 'to ni Adler" sagot ni Ms. Eden.

"At walang dudang ang ataking 'to ay para sa'tin mismo" dugtong ni Elvira.

Nilingon ko ang walang malay na katawan ni Arisa at kaagad akong tumakbo palabas ng kwarto at sinundan naman ako ni Savannah at Elvira. Sa paglabas namin ng building, wala kaming natatanaw na kahit na ano sa kalangitan.

The Incomplete RemainingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ