EPILOGUE

300 12 0
                                    

"So anong nangyari?" tanong ni Savannah.

"Ang akala namin last word mo na 'yung binitawan mo nung time na naglaho ka" dugtong naman ni Adler.

Tumayo si Arisa at lumapit kay Adler. Nabigla kami nang simukraan niya ito gamit ang sariling kamao niya "P-para saan naman 'yon....?" tanong ni Adler na namalipit sa sakit.

"Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa'kin?" umupo si Arisa at huminga ng malalim "Pwede ko sanang maiwasan 'yung nangyari sa'kin 1 year ago"

"Bakit di mo ginawa?" tanong ko naman.

"Medusa, Euryale, Hellheim idagdag mo pa 'tong si Adler, ayon-- ubos ang Mahika ko"

"So pano ka nakaligtas?" tanong pa ni Venice.

"Space manipulation. Isang taon din akong nabuhay sa loob ng Mahika ni Mama. Hindi rin ako nagsisisi dahil parang isang taon ko din siyang nakasama" makikita sa mukha ni Arisa kung gaano siya ka kontento. Sa mga ngiti niyang puno ng ligaya.

Pagsapit ng gabi, ito kami ngayon sa ilalim ng napakaraming bituin.

"Bakit Freyja Ricafrente ang niregistered mong pangalan dito sa Salalicia?" at nilingon ko si Alceaus.

"Dahil hindi ko gustong kalimutan ang nakaraan. Kung patuloy akong magiging si Arisa, parang patuloy ko ring tinatago ang katotohanan"

Ngumiti ako. Tumayo naman siya at tinignan ako. "May gusto akong puntahan" hindi ko na siya tinanong at hinawakan ko nalang ang kamay niya.

"30 minutes lang ang mayroon tayo bago ang curfew" sabi ko pa.

Ngumiti lang siya "Ako ang batas sa oras" sa isang pitik ng kamay niya nasa lugar kami na katulad ng inaasahan ko.

Pinagdikit niya ang mga palad niya at sinunod ko rin siya kahit sa pagpikit ng mga mata niya. But this time, hindi lang isang puntod ang nasa harapan niya. Ang dating puntod lang ng ina niya, katabi na ngayon ang puntod ng tatay niya habang sa likuran nito ay ang napakaraming puntod.

"Wala ng buhay ang mga batong katawan nila sa Hellheim nung mawasak ito, kaya nung namatay ang mga Gorgons, naglaho sila. Nung time na nakabalik ako dito, ibinalik ko ang mga totoong katawan nila oras at araw bago sila ginawang mga bato. At ngayon, ito nalang ang magagawa ko sa kanila" at nilingon niya ako. Sa pagngiti niya, lumapit siya sa puntod ng Ina niya at Tatay niya.

"Natupad ko na po ang pangalawang pangako ko mama. Ngayon po oras na para sa susunod kong pangako. Tatapusin ko po ang pag-aaral ko sa Salalicia, ang eskwelahang binuhay ng puso niyo Mama, Papa. At... matatagalan pa po bago sa huling pangako ko bago tayo magkitakita sa kabilang mundo, tutuparin ko po 'yon kasama ang lalaking nasa tabi ko"

Dinilat ko ang mga mata ko sa paghinto niya.

"Anong huling pangako mo?..." tanong ko sa kanya pero mas lalong lumaki pa ang ngiti niya.

"Secret~"

THE END

A/N: Walang prologue pero may epilogue, HAHAHA! See you next time! Thanks for reading!

The Incomplete RemainingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt