CHAPTER 27: A GLIMPSE OF THE PAST

118 7 0
                                    

ARISA'S POV

Sa pagdilat ng mga mata ko, nakahiga ako sa napakalambot na mga damo. Habang sa itaas ko, may mga sanga na humaharang sa sikat ng araw. At sa paligid, napakaraming lumilipad na mga Sylph.

"Ano bang ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap..." sabi ng isang boses ng babae.

Sino.....

May mukha na lumitaw sa itaas ko. Eleanor,

"Anong ginagawa mo dito, Freyja?" hindi ako tumayo kaya umupo siya sa tabi ko.

"Sinusundo ka. Ngayon ang pagdating ni Njord, kanina ka pa hinahanap ni Frey. Ngayon ang pagdalaw niyo sa puntod ni Nerthus hindi ba?"

Napabuntong hininga ako, "Babalik nanaman kami ng Vanaheim, Eleanor"

"Para namang hindi na kayo babalik dito sa Midgard, Freyja"

"Ako na muna ang bahala kay Freyja sa oras na makabalik kami sa Vanaheim" sabi naman ni Elvira.

"Ano nga palang ginagawa mo dito sa Midgard?" tanong ko.

"Hindi ako nagtitiwala sa mga mortal kaya hindi ko ipagkakatiwala ang kaligtasan mo sa isang mortal" nakapout niyang sabi kaya bumunot ako ng mga damo at hinagis kay Elvira.

"Ano bang sinasabi mo? Mapagkakatiwalaan sila Eleanor"

Nagpout siya, "Ah, basta hindi ko maipagkakatiwala ang kaligtasan mo sa isang mortal"

"Hahah, sige na. Kung ganyan ka kakampante na mapoprotektahan mo si Freyja, ikaw na ang bahala sa kanya pagkabalik niyo ng Vanaheim" nakangiting sabi ni

"Kahit na hindi mo sabihan~"

Nag-eenjoy akong pagmasdan sila nang may sumulpot na isang lalaki. "Oy, Freyja, nandito ka lang pala..! Kanina ka pa namin hinahanap ni Papa"

"Frey!" napabangon ako bigla at tumayo ako.

"Eleanor, maiwan ka na namin. Tara na, Frey, Elvira"

"Yes, yes!" at nagsmile ako kay Eleanor "See you, Eleanor!"

Nagwave back siya ng may napakalaking ngiti.

"Freyja, makinig ka ah. Malapit na ang giyera ng mga Vanir at Gorgons, hanggat maaari iwasan mo na ang pagiging matigas ang ulo"

"G-giyera?... sino ang mga Gorgons, Frey?" tanong ko.

"Mas mabuting hindi mo na malaman"

Sa paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, duon ko naramdaman ang takot niya.

Sa pagdilat ng mata ko, isang napakafamiliar na lugar ang bumungad sa'kin. Sa pag-upo ko, siyang pagsakit ng dibdib. Dito bumaon ang espada ni Medusa.

Nilingon ko ang paligid, nasa dorm ako. At nasa kabilang kama si Savannah katabing natutulog si Scarlet. Napatingin ako sa kalendaryo, apat na araw na ang nakakalipas matapos ang araw ng kaarawan ni Ms. Eden, apat na araw na akong walang malay.

Dahan-dahan akong tumayo hindi lang dahil ayaw ko silang magising kung hindi dahil sa napakasakit na katawan ko.

Binuksan ko ang bintana at sa pagtalon ko, napaupo ako kaagad dahil nabigla ang katawan ko. "At saan mo balak pumunta ng ganitong oras?"

Nilingon ko si Alceaus sa likod ko, nasa balikat naman niya si Elvira. Nakatayo sila katapat ng kwarto namin ni Savannah na parang ineexpect niyang aalis ako at dito ako dadaan.

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon