CHAPTER 17: MISSION (PART 6)

161 9 0
                                    

EDEN'S POV

"Masyado kang nagtiwala sa kanya, Mama"

"Hindi kita maintindihan, ang akala ko ba ay ayaw mo sa kanya kaya bakit ganyan ang behaviour mo ngayon na ano mang oras maaari siyang mawalan ng buhay?" tanong ko at pinakawalan ko ang kalapati.

"Ayaw ko sa kanya but it doesn't mean na gusto ko siyang mamatay!"

Inikot ko ang upuan ko paharap sa kanya, "Edi lumabas din ang tunay na nararamdaman mo?"

Napansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya "Parang may choice ako? Ang sakit na nararamdaman niya, nararamdaman ko rin. Tadhana na pinili mo para sa'kin" at naglaho siya kasabay ng pagbukas ng pintuan.

"Ms. Eden! Ano pong ibig niyong sabihin na nasa panganib si Alceaus?!" bungad ni Eleanor.

"Kung nasa panganib si Alceaus, si Arisa po-- A-ano pong kalagayan niya?" dugtong pa ni Eleanor.

Bago pa ako makapagsalita, sunod na pumasok si Savannah.

"Bihag ngayon si Alceaus sa mismong hideout ng mga bandits" at nilingon ko si Savannah "Si Scarlet Everson ay bihag din ngayon sa Mansion kasama ni Mr. and Ms. Everson, ayon sa nakuha kong details mula sa familiar ko, nagbago ang plano nila matapos nilang madiskubre ang napakalaking yaman na makukuha nila sa Mansion sa Zaviri. Ginamit rin nila 'tong way para malinlang tayo. Hawak parin ni Scarlet ang susi kaya walang kasiguraduhan sa safety nila. And about kay Arisa, walang may alam ng okasyon niya"

"A-ano pong ibig niyong sabihin na walang nakakaalam ng location ni Arisa?" tanong ni Eleanor.

"Nawala siya sa mata ng mga Familiar ko matapos niyang maihatid sa Mansion si Scarlet"

"Ms. Eden! Hayaan niyo po na pumunta ako sa Zaviri!" biglang pakiusap ni Savannah.

"Kahit pumayag ako, isang linggo ang paglalakbay niyo. At ang isa pa, Savannah, ang akala ko ba ay nagtitiwala ka kay Arisa?"

Itinaas niya ang ulo niya "Nagtitiwala ako sa kanya kaya gusto ko rin siyang samahan sa laban niya"

"Hayaan niyo rin po akong sumama sa kanila, Ms. Eden" biglang sulpot ni Adler.

"Ms. Eden, hindi po mga simpleng magnanakaw ang kalaban ni Arisa at Alceaus. Kasabwat po nila ang mga Gorgons, kaya kung maaari lang po, hayaan po ninyo na sumama rin ako!" dugtong ni Eleanor.

"Eleanor, hindi pa magaling ang mga sugat mo" kalmado kong sabi pero hindi siya sumagot at mas lalo pang naging seryoso ang mga tingin niya sa'kin. "Okay sige, bibigyan ko kayo ng permission na pumunta ng Zaviri, but it doesn't mean I'll give you an approval to fight" seryosong sabi ko na ikinabigla nila.

"A-ano pa pong saysay ng pagpunta namin duon kung hindi kami lalaban?!" tanong ni Savannah.

"Tapos na ang usap na 'to. Kung gusto niyong makapunta ng Zaviri ng maaga, umalis na kayo" at yumuko si Eleanor at nagsimula na siyang maglakad palabas kaya sinundan siya nila Adler at Savannah.

"Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan mo, Mama. Tama si Savannah, kahit dumating sila sa Zaviri kung wala silang approval galing sa inyo... hindi rin nila maililigtas sila Arisa" muling paglitaw niya sa likuran ko.

"Dahil hindi nila kailangang iligtas si Arisa. At alam ko ring ito ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Eleanor"



SCARLET'S POV

"Nagtitiwala ka na ba sa'kin?"

Tumango siya "Kung ganuon, patuloy ka lang magtiwala sa'kin. Wala man ako sa tabi mo, hindi mo man ako nakikita, poprotektahan kita. Pangako ko 'yan"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now