CHAPTER 38: EURYALE VS ARISA

107 5 0
                                    

ALCEAUS POV

Simula nang umalis si Arisa, sa kalagitnaan ng gabi naghintay ang lahat ng mga Pledger sa labas ng Salalicia. Pero simula nang umalis siya, wala kaming naririnig na kahit na anong bakas ng laban.

"Magiging okay lang ba si Arisa?" mahinang tanong ni Scarlet.

Bakas sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala. "Ang bata dapat natutulog na ng gantong oras"

"Hindi na ako bata" at tumingin siya sa madilim na kalangitan.

"M-Ms. Eden!" sigaw ni Savannah kasabay nito ang paglitaw ng isang bulalakaw sa kalangitan na mabilis na bumabagsak.

FLASHBACK

"Ang unang bulalakaw, maaari niyo ba 'tong sapuin para sa'kin?" mahinang tanong niya pero hindi na siya naghintay pa ng sagot.

END OF FLASHBACK

Handa na sanang magbigay ng order si Ms. Eden ng magsalita ako "Ms. Eden---" pagputol niya sa'kin at ngumiti siya.

"Sige na, Alceaus" sagot niya na parang alam niya na kaagad ang sasabibihin ko.

Tumango ako at kaagad akong tumakbo papunta sa direction ng bulalakaw na mabilis ang pagbagsak.

Pinagkatiwala 'to ni Arisa, pero... Bakit?...

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa masukat ko na kung saan babagsak ang bulalakaw.

"Efreet" lumitaw ang espada sa kamay ko pero ikinabigla ko ang nakita ko matapos kong maaninag ang bulalakaw na pabagsak.

A-Adler?.... B-bakit hindi ko naramdaman ang Mahika niya?

Naglaho ang espada sa kamay ko at kaagad ko siyang tinalunan para sapuin. Sa lakas ng impact ay nagpagulong gulong kami. Kaagad kong tinignan ang pulso ni Adler, w-wala siyang pulso...

"Alceaus!" sigaw ni Savannah at lumapit siya sa'kin.

"Natalo ni Arisa si Adler?" sa pag-upo niya sa harap namin kaagad niyang tinignan si Adler. "W-wala akong maramdaman na pulso sa kanya"

Nakuha ng attention ko ang dibdib ni Adler. Wala na ang sugat na nagawa ni Arisa.

"Isang normal na tao nalang si Adler. Inalis na ni Arisa ang Core sa dibdib niya" sabi ni Venice na sinundan din pala kami pero dahil isang normal na tao nalang din si Venice, hinahabol niya ngayon ang hininga niya.

"P-pero anong mangyayari ngayon kay Adler? W-wa-wala ka kaming maramdaman na pulso mula sa kanya" tanong ni Savannah.

Lumapit sa amin si Venice at hinawakan ang dibdib ni Adler, "Walang dapat ipag-alala. Ito ang way ni Arisa para maligtas ang buhay ni Adler"

Tumayo siya kaya tinulungan nila akong ipasan ko sa likod ko si Adler, "Mabuti pang bumalik na tayo para maihiga natin siya"

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Salalicia. "Venice, anong ibig mong sabihin na walang dapat ipag-alala?" tanong ni Savannah.

"In 2 minutes babalik na ang buhay ni Adler-- hindi, in 2 minutes magpapatuloy ang buhay ni Adler"

Sa pagkasabi niyang 'yon, naramdaman ko ang heartbeat ni Adler na nasa likod ko ganun din ang init ng hininga niya.

"Ang ibig sabihin lang dumating ang taong kumokontrol kay Adler. Kung hindi niya 'to ginawa, paniguradong hindi lang si Adler ang bangkay ngayon kung hindi maging si Arisa"

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon