CHAPTER 03: CURIOSITY

447 16 0
                                    

ELEANOR'S POV

"H'wag mong kakalimutan na maraming mata ang nasa paligid" bungad ni Ms. Eden pagkapasok ko sa loob at nadatnan ko siya na nakaupo sa table niya habang patuloy sa mga binabasa niyang mga papel.

"Naiintindihan ko po Ms. Eden"

Binaba niya ang mga papel na hawak niya sa table niya at sumandal na siya sa inuupuan niya kasunod ng pagtingin niya sa'kin "Sa oras na malaman ng ibang tao ang tungkol sa buhay na tinatago mo, kahit ako na nagmamay-ari sa Salalicia ay walang magagawa, dahil hindi ako nagdedesisyon para sa iisang buhay"

Inikot niya ang upuan niya patalikod sa'kin "Nagsisimula ng magduda sila Mr. Bluestein. Hindi titigil si Mr. Bluestein hanggat hindi nito nalalaman ang dahilan ng pagpunta mo tuwing sabado sa gubat ng Levaris"

Yumuko ako at napahigpit nalang ang kapit ko sa dulo ng blouse ko "Maraming salamat po, Ms. Eden"

"Pumayag ako sa nais mo hindi dahil naaawa ako sa'yo, kung hindi dahil ayaw ko ng maulit ang trahedya sampong taon ang nakakaraan. Kung gusto mong manatiling payapa ang buhay ni Arisa, putulin mo na ang connection na mayroon kayo sa isat-isa" at narinig ko ang pag-ikot ng upuan niya.

Dahil duon itinaas ko ang ulo ko, duon ko nakita kung gaano kaseryoso si Ms. Eden sa salitang binitawan niya pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko "Sorry Ms. Eden, maloloko niyo po ang isip ni Arisa pero hindi ang puso niya. Kung hindi ako mananatili sa tabi niya, siya ang lalapit sa'kin at mananatili sa tabi ko"

Hindi nagbago ang expression ng mukha niya "Kung iyan ang sagot mo, sa palagay ko handa ka na sa mga posibilidad na mangyari sa hinaharap"

Nilingon ko siya ng may ngiti "Matagal na po akong handa, Ms. Eden" and with that, ngumiti siya.

"H'wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat maprotektahan lang si Arisa"

Sa pangalawang beses yumuko ako "Maraming salamat po" at sa pagtaas ng ulo ko sumalubong sa'kin ang ngiti niya at nagsimula na akong maglakad palabas ng office niya.

Sa paglabas ko may isang lalaking nasa pinto ang bigla nalang yumuko sa harap ko bilang paggalang sa'kin at kaagad din niyang itinaas ang ulo niya "Miss Eleanor, nagbalak po na lumabas si Miss Arisa ng mansion. Nasa kwarto po siya ng mga oras na 'to" report nito na ikinabigla ko.

"May nakakita ba sa kanya?"

Tumango siya "Ang tauhan po ni Mr. Bluestein"

"Bumalik ka na ng Levaris at siguraduhin mong hindi na mauulit 'to"

"Masusunod po"

Sa paglaho niya ay nagsimula na akong maglakad. Naglakad ako papunta sa isang office. Binuksan ko ang pinto at wala ng katok katok.

Ang nabigla na si Mr. Creed Bluestein ay kaagad itinigil ang ginagawa niya at sumandal sa inuupuan niya "Ano ang kailangan ng Rank 1 Pledger sa aking opisina?" nakangiting tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at may pwersa kong binagsak ang kanang kamay ko sa table niya "Kung ako lang wala akong kailangan pero baka ikaw meron?"

Lalong naging sintipatiko ang mga ngiti niya "Ano ba ang sinasabi mo, Miss Ricafrente?"

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya "May gusto ka ba sa'kin?" at ngumiti ako habang siya ay medyo natatawa na.

Inilayo ko ang mukha ko at ang ngiti na kanina ay nasa labi ko ay nawala at mas tumalim ang tingin ko direct sa kanya kasabay ng mahigpit na pagbatak ko sa collar ng uniform niya "Tandaan mo, hindi ka stalker para manmanan ako. Kung may kailangan ka sa'kin at kung may gusto kang malaman tungkol sa'kin ikaw mismo ang lumapit at hindi 'yung gagamitin mo pa ang mga tauhan mo mamanmanan lang bawat kilos ko"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now